CHAPTER 22: I choose to hate you

3325 Words
Tumutulo ang tubig mula sa basa kong katawan habang naglalakad ako patungong kwarto.  Ramdam ko ang panghihina ko kasabay na rin ang lamig na bumabalot ng aking katawan.  Pagkasarang-pagkasara ko ng aking pinto ay saka ako napasandal dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko na manlambot. Tila tumakas ang lakas na mayroon ako kanina. Isa-isang naglaglagan ang mga butil ng luha na kanina ko pa pinipgilang pumatak. Napasuklay ako sa aking buhok habang nakasalampak sa sahig at patuloy ang aking pag iyak. Agad kong tinakpan ng aking kamay ang aking bibig upang walang ibang makarinig ng aking paghikbi.  Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa sobrang sakit. Para akong pinapatay ng emosyon ko. Mas lalong bumuhos ang aking luha ng rumehistro sa aking gunita ang itsura ni Santos nung sabihin ko ang mga salitang alam ko ay kahit kailan, hindi ko na mababawi pa. Maya-maya pa ay narinig kong kumakatok sa aking pinto si mama. "Nine, ayos ka lang ba anak?" Pagtatanong nito sa akin. Halata ang pag-aalala nya sa akin. Pilit kong inayos ang aking sarili. Huminga ako ng malalim upang masigurado na hindi nya mahihimigan sa boses ko ang ikinukubli kong damdamin. "Hm.. opo ma, ayos lang po ako. Maliligo na po ako. Hindi ko na po mabubuksan ang pinto." Malakas na sambit ko. Sandaling katahimikan ang namayani at kapag kuwan ay saka nagpaalam si mama na bababa na sya ng salas at saka sya nagbilin na nasa tabi ko lang sila ni papa. Nagdiretso na ako sa cr upang makapag linis ng aking katawan. Napansin ko ang pasa sa aking kanang braso, tumama kasi ito kanina noong hilahin ako ni Santos paangat sa pool. Mapait na bumabalik sa alaala ko ang mga nabitawan kong salita sa kanya. Napalingon ako sa salamin na nasa harap ko.  Hindi ko na kilala yung lalaki na nasa harapan ko.  Hindi ko na kilala ang totoong ako. Hanggang kailan ba ako magkakaganito? --- Lumipas ang ilang linggo mula noong nagpunta si Santos sa bahay upang makausap ako. Yung family outing namin ay na-postpone dahil sa biglaang emergency convention na kailangang puntahan nila mama at papa sa Brazil. Todo sorry pa nga sila sa akin dahil rito pero sinabi ko naman sa kanila na ayos lang sa akin iyon. Mas mahalaga ang company namin, tutal marami pa namang panahon para sa family outing namin. Saka, blessing in disguise na rin iyon lalo na at plano pa nilang isama ang mga kasambahay namin pati na rin ang buong pamilya ni Kuya Leo sa family outing namin. Ano na lang istura namin ni Santos kung sakaling natuloy iyon knowing na hindi kami okay na dalawa. "Nine, ano ba iyang ginagawa mo ha? Absent ka na naman." Bungad sa akin ni Ashley.  Tsk... sermon agad, kakapasok pa lang nya dito sa condo ko. "Ano ba yan, mamaya na yang sermon na yan. I-appreciate muna natin itong condo unit ni Nine. Ang astig!" Sambit naman ni Francis na hind mapakali dito sa loob ng condo ko at kung ano-ano ang binubuksan at binubusisi. "New life, new beginning." Turan ko ng humarap sa akin si Francis with his questioning look. Hawak nya kasi yung isang bote ng beer na nakita nya sa loob ng aking ref. Actually maraming beer sa ref ko, iyan na lang ang natira. Balak kong bumili na lang ulit mamaya. "Gusto mo ipukpok ko sa ulo mo ito? New life, new beginning ka dyan?!" Kunwari ay galit na sagot naman nya sa akin pero binuksan rin naman nya yung beer na nakita nya at saka ito inumpisahang inumin. Hindi naman nakaligtas sa mga  mata ko ang pag iling ni Ashley, giving his disapproval.  "Maswerte ka na kahit na protective ang parents mo ay napayagan ka nilang bumukod at manirahan sa isang condo unit kaya sana wag mong abushin yung kabaitan nila" Litanya muli ni Ashley.  Bored na nilingon ko na lang sya tutal hindi ko naman mapipigilan ang bunganga nya na rumatrat para mag sermon. Umupo ako sa bakanteng parte ng aking sofa at saka nagbukas ng aking cellphone. Si Ashley naman ay tila nandidiri pa na isa-isang inalis ang mga pinaghubaran ko ng damit na nakatambak lang sa sofa ko. matapos nyang maialis ang mga ito ay saka sya umupo. "Grabe, ultimo pinaghubaran mo, hindi mo man lang mailigpit. Ang ganda nga ng condo mo pero ang dugyot mo." Kunwari ay kinikilabutan pa sya sa itsura ng condo ko. "Ayos lang yan, ako lang naman ang nandito, duh?" Pang-aasar ko kay Ashley sabay bato sa kanya ng unan na nasa gilid ko kaso agad nya itong nasalo. Tsk... "So Nine, anong plano mo? Running for summa cumlaude ka pero ngayon kung hindi cutting ay absent ka talaga sa klase. Lagot ka sa parents mo pag nalaman nila ito." Seryosong sambit naman ni Francis na ngayon ay nakaupo naman sa dining area ko. "Lagot ako kung malalaman nila." Nonchalant na sagot ko naman sa kanya. Yes I do care about my parents, pero busy sila sa company and for sure hindi nila malalaman itong nangyayari sa akin ngayon. After all, mabilis lang naman na makahabol sa academics.  "For now, eenjoyin ko muna yung buhay ko." Nakangiting hinarap ko ang mga kaibigan ko, trying to convince them na magiging okay rin ako, makakabalik din ako sa right path, pero sa ngayon, hayaan na muna nila akong mabuhay ayon sa gusto ko. "Oh sya, desisyon mo yan. Ito yung notes sa klase kanina." Binuksan ni Ashley ang kanyang bag at saka kinuha ang kanyang notebook. Pabato nya itong iniabot sa akin. Buti na lang magaling akong sumalo. "Catch!" natatawang sambit ko sabay flip ng pages nito though I am not interested na malaman kung ano yung inaral nila kanina. Maya-maya ay napalingon ako kay Ashley dahil tumunog ang kanyang cellphone . Hindi ako usiserong kagaya ni Francis pero something caught my attention. "Oh Santos? Sige paalis na rin kami ni Francis dito sa condo ni Nine." sagot ni Ashley sa kausap nya na walang iba kundi si Santos.  Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at unti-unting nabura ang mga ngiti sa aking labi ng maalala si Santos. Mula nung araw na iyon, hindi na kami nakapagkita pang muli o nakapag usap. Sila Francis at Ashley ay nakikipag kita sa kanya minsan at okay lang naman sa akin iyon tutal kaibigan rin nila si Santos, saka ayoko yung idea na pati yung dalawang best friend ko, ida-drag ko sa issue naming dalawa. That's too lame. "Oh natahimik ka dyan? Miss mo na noh?" Bulong sa akin ni Francis na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Agad ko nga syang hinampas ng hawak kong notebook ni Ashley. "Sira! Umalis na nga kayong dalawa at may lakad rin ako" Pagtataboy ko sa kanilang dalawa kahit pa hindi pa tapos si Ashley sa kausap nya ay kinuha ko na ang mga bag nila saka sila hinila palabas ng condo ko.  Wala akong pakelam kung nariringi ni Santos ang boses ko sa kabilang linya. "Oo na kamahalan, aalis na kami. Bukas pumasok ka, may exam tayo" Iyon lang sinabi ni Ashley saka ko isinara ang pinto ng aking condo unit. As if na papasok ako bukas. Bulong ko sa aking sarili sabay pasok sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking wallet at cellphone na nasa bedside table ko. Agad kong hinanap sa aking contact list ang pangalan ni Lian,  Makikipag kita na lang ako kay Lian. Mas may sense pa syang kasama lately kaysa kina Ashley at Francis . "Yow, dude" Sagot agad ni Lian sa kabilang linya ng telepono. "Labas tayo tonight? Same place." Walang alinlangan na tanong ko sa kanya.  Sa totoo lang, mabait itong si Lian at masaya kasama kaya kahit papaano ay nakakalimutan ko ang aking problema.  Hindi ko nga inaasahan na si Lian pa ang makakatulong sakin para makausap ko si Agnes at makahingi ako ng sorry sa kanya. Noong unang linggo ko dito sa condo, sa totoo lang ay nanibago talaga ako. Sila Francis at Ashley dumadalaw dalaw sa akin pero paminsan lamang ito dahil syempre priority nila ang pag-aaral nila at naiintindihan ko iyon. Sa mga pagkakataon na nalulunod ako, si Lian ang naging takbuhan ko hanggang sa naikwento ko sa kanya yung problema ko kay Agnes at doon ko nalaman na pinsan nya pala ito.  Lian helped me sa problema ko. Napag-ayos nya kami ni Agnes kaya somehow nabawasan ang dalahin ko.  Yung issue namin ni Santos, hindi na iyon maaayos pa. My friends tried to explain on his behalf pero pinipili kong i-dismiss ang topics na may kinalaman kay Santos. This is the best thing to do...less complications, kumbaga. Tutal, makaka-move on rin kami. Lalo na sya, after all, may Sharmaine naman na laging nasa tabi nya. "Eh ikaw, paano ka?" Napangiti ako ng mapakla ng maisip ko ito. As if namang mahalaga pa kung ano yung nararamdaman ko sa mga oras na ito.  "Sige ba, basta libre mo?" Nagbalik ang atensyon ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Lian kasabay ang pag sang-ayon nito.  "Bahala na, basta tonight same place ha" Yun lang ang sinagot ko sa kanya at saka ko ibinaba ang tawag. Napalingon ako sa aking suot na relos. Maaga pa naman. Mamimili na lang muna ako sa labas. --- Kasalukuyan na akong narito ngayon sa isang super market na malapit sa aking condo. Kailangan kong mamili ng food supplies ko lalo na at ubos na ang laman ng aking ref.  Habang hila-hila ang push cart ay nagdiretso na ako sa area kung saan ay maraming iba't ibang junkfoods na mapagpipilian. Excited na dumampot ako ng mga paborito kong chips.  Sa bahay kasi, halos hindi ako makakain ng junk foods. Mahigpit na pinagbabawal nila mama ang junkfoods at soft drinks dahil sa acidity ko. Kaya mula noong nag-solo na ako sa condo, madalas  ay chichirya o di kaya ay cup noodles ang kinakain ko tuwing dinner tutal nakakatamad rin namang mag luto sa gabi. Saka... marunong naman akong magluto kahit pa anak mayaman ako. Madali lang naman magluto, isang search lang sa internet ay mabilis ng malalaman kung paano lutuin ang isang putahe. Matapos makapili ng mga junkfoods na natipuhan ko ay saka naman ako nagpunta sa area kung saan may iba't ibang beers at wines  na mapagpipilian. Kumuha ako ng limang boteng beers lamang. Mahirap kasi kung marami ang iimbak ko sa ref, masesermunan na naman ako nila Nine at Francis kapag dumalaw sila at makita nila ang mga ito sa ref ko. Ang OA kasi nila minsan, as if namang ikakamatay ko yung alak saka umiinom rin naman sila. Nang mailagay ko na sa push cart ang beers na napili ko ay saka na ako nagdiretso sa counter tutal kumpleto naman na ang mga kailangan kong bilhin. Abala akong nag scroll sa aking cellphone habang nakapila dito sa counter nang may maglakad sa gilid ko na syang umagaw ng aking atensyon. Nilingon ko yung babaeng napadaan sa gilid ko at hindi nga ako nagkamali. Si Sharmaine ito. Isasawalang bahala ko na sana ito ngunit agad na napadako ang aking atensyon sa lalakign naghihintay sa kanya sa kabilang counter. Tatlong counters ang pagitan namin ngunit tanaw na tanaw ko silang dalawa. Ang kasama nyang lalaki ay walang iba kundi si Santos. Tila bumagal ang takbo ng mundo ko dahil wala na akong ibang nakikita sa mga oras na ito kundi si Santos at si Sharmaine. Mabilis akong nakaramdam ng bigat sa aking puso, heto na naman yung pakiramdam na tila may maliliit na karamayom na sabay-sabay na tumutusok sa puso ko. May isasakit pa pala yung nararamdaman ko...  Napahawak ako sa dibdib ko, tila pinapakiramdaman ko kung tumitibok pa ba ang puso ko dahil sa mga oras na ito... parang pinatay na rin nya ako. Pilit kong pinalakas ang aking loob at saka ngumiti.  May mga luhang namumuo sa kaing mga mata pero kailangan kong maging masaya para sa kanya. Nahanap nya na yung taong para sa kanya.  Tama nga ako sa aking desisyon noong umpisa pa lamang. Agad kong pinunasan ang mga luha na hindi ko na napigilang tumulo. Nagbalik ang aking tingin sa counter kung saan ako nakapila. Nakatungo akong nagbayad sa cashier na halatang nagtataka sa kinikilos ko. For sure napansin nyang umiiyak ako. Hindi ko na nilingon pang muli sila Santos at Sharmaine.  Nagmamadali akong kumilos paalis na ng super market. Naglalakad na ako habang bitbit ko sa kanang kamay yung mga pinamili ko, mabuti na lamang at walking distance lang yung super market kung saan ako namili sa condo unit na inuuwian ko.  Pagkapasok ko pa lang sa aking condo ay inilapag ko na agad yung sa counter table ko yung mga napamili ko.   Magluluto n alamang muna ako para maiwasan ko ang pag-iisip sa nakita ko kanina sa super market. Ayoko na itong isipin pa. Ayokong magpaapekto. Dapat matibay ako. Dapat malakas ako. Hindi dapat ako nakakaramdam ng kahit na ano tungkol kay Santos. Isa-isa kong inayos yung mga pinamili ko at saka ako nagbukas ng aking cellphone upang mag research kung paano magluto ng sinigang na baboy. Namiss ko kasi bigla yung luto ni mama. Scroll dito, open ng link...basa. Medyo nahirapan pa ako nung una na makahanap ng website na may malinaw na instructions hanggang sa makapili rin ako. Chineck ko yung mga ingredients na available sa ref ko at saka ko lang napagtanto kung gaano ako kaengot na magluluto ako ng sinigang na baboy pero wala pala akong nabiling karne ng baboy.  Tsk... ano ba yan Nine. Napapalatak na sambit ko. Nakakaramdam na ako ng gutom pero gusto ko talaga ng sinigang na baboy at gusto kong maexperience paano magluto nito. Ilang minuto rin akong nag-isip hanggang sa magpasya akong lumabas muli ng condo para bumili ng baboy sa super market kung saan ako namili kanina. Siguro naman hindi ko na sila makikita roon. Nag umpisa na akong kumilos hanggang sa makarating ako dito sa super market. Kainis, napabalik pa ako dito. Next time, magre-ready na ako ng listahan para sigurado akong wala akong makakalimutan. Hindi na talaga pupwede na aasa ako sa memory ko, nagiging makakalimutin na ako lately. Abala akong namimili ng karne ng baboy. Nakakalito naman, may iba't ibang parte kasi yung karne dito at hindi ko mawari kung alin sa mga nasa harap ko ang tutugma sa sinigang na gusto kong iluto. Wala kasi sa website na tiningnan ko kanina yung specific part ng karne ng baboy na recommended para sa pork sinigang. Maya-maya pa ay nilapitan na ako ng isang employee ng super market, base na rin sa suot nya na may logo pa ng super market mismo. "Hello po Sir, kailangan nyo po ba ng tulong?" Nakangiting tanong nya sa akin. Agad naman akong na-conscious sa way ng pagtitig nya sa akin. Para kasing binabasa nya yung nasa isipan ko, hindi sya naiilang na titigan ako sa mata. Hindi rin sya kakakitaan ng hiya o pagkailang knowing na parehas kaming lalaki. "Ah eh...alin ba sa mga ito ang tamang bilhin ko?" Sambit ko naman sa kanya saka nagbalik ang aking paningin sa mga karne na sa loob ng freezer.  "Ano po ba ang iluluto ninyo?" Tanong nyang muli at saka sya nag-umpisang isa-isahin yung mga karne na nasa freezer. "Sinigang na baboy kasi yung iluluto ko." Ewan ko pero nahihiya ako sa kanya bigla. Weird... "Ito pong pork belly ang akma kung sinigang na baboy po ang iluluto ninyo." Nakangiti nyang iniabot sa akin ang isang pack ng karne na nakuha nya sa freezer.  I'm not sure if tama yung binigay nya, basta tinanggap ko na lang ito at saka ako naglakad papuntang counter.  Gusto ko ng  makauwi agad, nakakailang talaga sya. Naglalakad na ako patungong counter pero tila ramdam ko pa rin yung pagtitig nya sa akin.  Creepy? Nagpasya akong sa ibang counter na lang pumili. Iniwasan ko yung counter kung saan ako nagbayad kanina. Matapos magbayad ay nagdiretso na ako pabalik ng condo. Habang naglalakad ay medyo ramdam ko na yung pagkirot ng sikmura ko. Hayst, gutom na ako. --- "Ay naku! seryoso ka ba? hahahaha" tumatawang biro sakin ni Lian.  Matapos ko kasing magluto kanina ay natulog lang ako maghapon sa bahay. At ngayong gabi nga ay nakipagkita naman ako kay Lian dito sa bar kung saan kami madalas na magkita. "Oo nga! Heto at tikman mo" Pagyayabang ko naman sa kanya. nagdala kasi ako nung sinigang na baboy na niluto ko kanina sa condo. May natira kasi at dahil proud ako sa niluto ko, gusto ko itong iyabang kay Lian. Madalas nya kasi ako tuksuhin na hindi raw ako pwede sa kusina dahil hindi ako marunong magluto. Inilabas ko sa paper bag na dala ko yung tupperware na pinaglagyan ko ng sinigang na baboy. Inilapag ko ito sa table namin at saka ito binuksan upang ipatikim sa kanya. Hindi pa nya natitikman yung luto ko ay sige na sya tanggi at tawa. Hmp! kung nagpunta lang sila Ashley at Francis sa condo, edi sana sa kanila ko ipanaubos yung luto ko. "Titikman mo yang luto ko o isusumbong kita sa girlfriend mo na may number 2 ka?" Pananakot ko sa kanya. Agad nabura yung saya sa mukha nya at kapag kuwan ay mabilis na sumandok sa sinigang na nasa table namin. "Madali ka pa lang kausap eh" Pang-aasar ko sa kanya habang sya naman ay hindi na mawari ang expression ng kanyang mukha. Napaasim ba talaga ng todo yung luto ko? Tanong ko sa aking sarili. Nung ako kasi ang kumain ng luto ko kanian sa condo ay hindi ko na mawari kung ano talaga yung kulang sa lasa ng sinigang ko. Sinunod ko naman yung nasa instructions doon sa website na nakita ko kaso parang may kulang... "Matabang ba? Alam ko may kulang sa lasa nyan eh, hindi ko lang ma-pinpoint kung ano iyon" Curious na tanong ko kay Lian na ngayon ay umuubo na kaya agad nyang tinungga yung tubig na nasa table rin namin. "Anong may kulang? Napasobra ka sa timpla mo dude! Ang alat at ang asim sobra" Pagrereklamo pa nya sa akin. Agad ko syang tiningnan ng masama kaya napa-preno sya sa sinasabi nya. "What I mean is, next time dagdagan mo sa tubig ang luto mo o di kaya ay bawasan mo ang pang-paasim at pangpa-alat na nilalagay mo" Pilit ang ngiti na turan nya. "Seryoso ba? Akala ko kasi matabang pa" Sambit ko habang nililista sa notes sa phone ko yung comments and suggestions ni Lian sa niluto ko. "Hahaha ano ba yan Nine. Kailangan pa talagang ilista sa phone? Ano ka reporter?" Pang-aasar nyang muli sa akin.  Sumubo sya ulit ng niluto kong sinigang. "Akala ko ba hindi masarap? Eh bakit kinakain mo pa rin yan?" Napansin ko kasing wala yata syang balak na tigilan yung sinigang na niluto ko hangga't hindi nya ito nauubos. "Pero uubusin ko ito, syempre luto mo ito eh!" proud na sagot naman nya sakin.  I don't know why but his statement melts my heart as if bigla kong naramdaman na I am still existing and that my existence is being appreciated.  Napawi yung ngiti ko at napalitan ng lungkot ng maalala ko ang mga kaibigan ko. Nami-miss ko sila.  Nami-miss ko yung dati naming samahan. I wonder...what will be their reaction kapag natikman nila itong niluto ko? Magiging proud kaya sila gaya ni Lian? Yes, nagkikita at nagkakausap pa rin naman kami nila Ashley at Francis pero hindi na nga lang kagaya ng dati. There's a wall between us at ako yung naglagay ng pader na iyon. Why? It's because I can't stand being with them kung hindi rin nila maiiwasan na mabanggit ang pangalan ni Santos. Nangako ako sa sarili ko, wala na akong dapat na mararamdaman pa para kay Santos maliban sa pagkamuhi. Yes, I choose to hate him. because... Hating him will help me move on.  Kaya itinanim ko na sa sistema ko na... I hate everything about Sebastian Santos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD