"Sinabing tama na eh!" Pasigaw na pag awat ni Ashley kay Francis matapos akong suntukin nito.
Narito kami ngayon sa likod ng university, dito kasi nagpasya si Francis na magkita kami upang makapag-usap.
Hindi pa kami nakakapag-usap ay kamao na agad nya ang bumungad sa akin.
Napasalampak ako sa lupa at nilingon ko ang dalawa kong kaibigan. Si Ashley na nakapagitan na samin ni Francis.
Halata ang galit sa mga mata ni Francis. Kung wala siguro si Ash rito ay baka mas malala pa ang inabot ko.
Agad kong pinunasan ang gilid ng aking labi na alam kong dumudgo na ngayon at saka ako tumayo upang harapin sila Ashley at Francis.
"Yan lang ba ang kaya mo, Francis? Sige suntok pa! Kulang pa" Pag-uudyok ko naman sa kanya. Wala na akong pakealam kung uuwi akong bubog sarado. Ang mahalaga mailabas ni Francis ang galit nya sa akin.
Tutal, deserve ko naman ito dahil ako ang may kasalanan ng lahat.
"Ano ba? Sinabi nang tumigil na kayong dalawa!" Sigaw sa akin ni Ashley. Pinagtitinginan na kami ng iilang estudyante na narito rin sa likod ng university ngayon.
"Sinama nyo ako rito para gawing taga-awat ninyo? Hindi kayo titigil? Oh sya sige! Magsuntukan kayo" Frustrated na sambit ni Ashley at saka sya naka-cross arms na gumilid. Salubong ang kilay nya at halata ang pagkainis nya sa amin ni Francis.
"Oh natigilan kayo ngayon?" Nabubwisit na sambit nyang muli ng mapansin nyang hindi kami gumalaw parehas ni Francis.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw Ash? Ako ba ang may kasalanan dito? Iyang si Santos ang sigawan mo" Pagrereklamo ni Francis na napasuklay pa ng buhok saka umatras ng bahagya.
"Aminado akong kasalanan ko ang lahat ng ito, kaya sige lang ilabas ninyo ang galit ninyo sa akin. Kung ito ang paraan para mabigyan nyo ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag at magawan ng paraan na maitama ko ito." Sagot ko naman kay Francis.
Oo makapal na ang mukha ko para humingi ng tulong sa kanila pero lahat ay handa kong gawin para kay Nine, at para sa dalawang ito na mahalaga sa akin.
Napansin kong napabuntong-hininga si Francis at saka ito dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Maya-maya ay saka nya ako niyakap. Si Ashley naman ay nanatili sa kinatatatyuan nya ngunit sumilay ang ngiti sa mga labi nya.
Agad ring kumalas sa yakap si Francis.
"Tsk! Napaka-drama natin, nakakahiya" Pa-coll na sambit ni Francis.
"Tapos na kayong magsuntukan?" Pagtatanong ni Ashley. Sabay na tumango kami ni Francis sa kanya.
"Dun tayo sa kinakainan natin na may tindang masarap na street food! Doon tayo mag-usap para habang nag-uusap tayo ay kumakain din tayo. Nagugutom na ako eh" Itinuro pa ni Francis yung food stall kung saan kami madalas kumain ng street food.
"Sayang wala si Nine" Pabulong na turan ko na hindi pala nakaligtas sa tenga ni Ashley.
"Kasalanan nya yun, nagpapa-bebe sya porket first time nyang maka-experience ng ganitong sitwasyon hahahaha" INakbayan ako ni Ashley habang naglalakad kami samantalang si Francis ay nasa food stall na agad upang makahanap ng pwesto namin.
Kumaway sya sa amin ng may makita syang bakanteng mesa kaya lumapit nba agad kami sa kanya.
"Dahil sinapak kita, ako ang manlilibre today" Excited na banggit ni Francis. Ang bilis nyang nagbago ng mood. Parang kanina lang mukha syang galit na galit na tigre pero ngayon heto at mukha naman syang maamong pusa.
Natatawa na pumayag na lamang kami sa trip nya. Sya na rin ang nag-order ng kakakinin namin.
Nang makarating na ang orders namin ay agad na kaming nag-umpisa sa pagkain.
"Ano ba kasi yung video na iyon ha Santos? Bakit may pahalik-halik pa sayo si Sharmaine?" Diretsahang tanong sa akin ni Francis habang subo subo pa nya ang isaw na kanyang inorder.
Nagpasya akong ikwento sa kanila ang buong detalye mula sa kung paanong nakasama si Sharmaine sa birthday celebration namin ng kapatid ko sa bahay, hanggang sa paghalik sa akin ni Sharmaine na nakuhanan ng video pati na rin yung pag amin sa akin ni Sharmaine na may nararamdaman pa rin sya para sa akin at yung naging tugon ko rito.
Nakapangalumbaba na nakikinig sa akin sila Ashley at Francis.
Ikinwento ko rin sa kanila na inimbitahan ko pa si Nine pero tumanggi ito tapos nun hindi ko na makontak si Nine at yung huli nga ay yung nag leave si Nine sa gc namin tapos naka-block na ako sa social media accounts nya at hindi ko rin sya matawagan sa numero nito kahit gumamit pa ako ng iba't ibang mobile numbers.
"Sa totoo lang, napapansin rin namin iyan na nagiging makakalimutin lately si Nine, siguro ay dahil stress sya. May problema kasi sya ngayon dahil kay Agnes." Nagtataka na napalingon ako kay Ashley. May problema si Nine kay Agnes?
"Nalaman kasi ni Agnes na hindi seryoso sa kanya si Nine. Ito kasing si Francis, napaka alien ng imagination, ayun narinig ni Agnes ang usapan namin pati na rin yung sagot ni Nine na hindi talaga sya interesado kay Agnes. Itong si Agnes sympre nasaktan kasi umaasa sya na may future sila ni Nine. Tapos si Nine naman, alam mo naman yun mabilis tamaan ng konsensya. Ang sabi nya, uunahin nya na makipag ayos kay Agnes. Magso-sorry sya rito kasi hindi nya intensyon na makasakit sya ng baabe. Nagyaya pa nga si Francis na mag-bar kami para makapagplano kami kung paano sosolusyunan yung problema ni Nine kaso itong si Francis, nakita yung video ninyo ni Sharmaine at ayun, ipinakita namin kay Nine kasi syempre ayaw naming maglihim kay Nine." Pagpapatuloy pa ni Ashley.
Hindi ko alam na may ganito palang pinagdadaanan si Nine. Kaya pala tinanong nya ako kung mahihintay ko raw ba sya. Siguro ay tungkol iyon sa sitwasyon nila ni Agnes.
"Sobrang devastated si Nine nung nasa bar kami. Tapos ayun, bigla na lang syang nagsabi sa gc na may family outing sila since ngayon lang nagka time ulit ang parents nya para sa kanya. Inexcuse na daw sya sa klase ng papa nya kaya itong si Francis biniro si Nine na baka kaya hindi sya papasok ay dahil broken hearted sya." Dugtong pa ni Ashley.
Mas naliwanagan ako sa nangyayari at ganoon rin naman sila.
"Sigurado ka bang totoo iyang kinwento mo samin Santos?" May halong pagdududa ni Francis. Naiintindihan ko na protective sya kay Nine.
"Oo kung gusto ninyo ay tanungin pa ninyo si Sharmaine o di kaya ay ang mga kapatid ko. Alam nila ang tungkol sa nararamdaman ko kay Nine." Sagot ko kaagad kay Francis.
"Hmpf! hahaha seryoso ba yan? Grabe ka naman besty! Bakit pati mga kapatid mo alam yung love life mo hahaha si Nine na lang pala ang hindi pa nalilinawan sa true feelings mo eh!" Pagbibiro bigla ni Francis ng marinig nya ang sinabi ko. Si Ashley naman ay nakangiti lamang na nakatingin sa aming dalawa.
"Hindi bale, kahit na may hopeless romantic at dramatic ako na mga kaibigan, ako ang bahal sa inyo! I will be your cupid!" Masiglang naibulalas ni Francis.
Kahit papaano ay gumaan ang aking nararamdaman dahil alam kong may mga kaibigan akong handang tumulong para magkaayos kami ni Nine.
"Sayang yung bangas mo at yung pag ngawa ni Nine, misunderstanding lang pala ang lahat ng nangyari" Naiiling na turan naman ni Ashley.
Mabilis na lumipas ang oras. Napagpasyahan naming pumunta sa bahay nila Nine upang makausap ko ito ng masinsinan.
"Basta, kami ang body guard mo hehehe sisiguraduhin naming makakapag usap kayo. Hindi na makakatakas sayo si Nine."
Narito na kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Ashley. Sya ang nagmamaneho at si Francis naman ang nakapwesto sa passenger's side at ako ay narito naman sa likod nakaupo.
"Sus, sana lang may silbi ka talaga mamaya." Pambabara naman ni Ashley sa sinabi kanina ni Francis.
"Sa pagkakatanda ko, may kasama kasi tayo ngayon Santos na duwag at mabilis matakot kay Nine hahahaha" Pang-aasar pa ni Ashley kay Francis.
"I hate you!" Pagpapa-cute na reklamo naman ni Francis. Natatawa na lamang ako sa inaasta nilang dalawa.
Napalingon ako sa labas at saka ko lang napansin na umuulan na pala. Tila ba nakikiayon ang panahon sa bigat ng nasa loob ko. Ang gloomy masyado...
Aaminin ko, kinakabahan ako sa mga oras na ito. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Natatakot akong harapin si Nine kasi alam kong galit pa sya hanggang ngayon. Natatakot rin ako sa maaaring kahinatnan ng aming usapan.
Paano kung ayaw na nya?
"Santos, tara na! Wala ka bang balak bumaba dyan?"
Agad akong napatingin sa direksyon ni Francis na nakababa na pala ng sasakyan, katabi nya si Ashley at ako n alang pala ang hinihintay nilang dalawa kaya aagd akong tumalima.
"Pasensya na, hindi ko napansin nandito na pala tayo."
"Hay naku! Bawal mawala sa focus! Ang target natin ay si Nine" Tinapik ni Francis ang braso ko na tila ba binibigyan nya ako ng lakas ng loob, suporta kumbaga.
"Basta, kami na ni Francis ang bahala na kunin ang atensyon ng parents ni Nine, tapos ikaw kailangan makahanap ka kaagad ng tyempo na makausap sya ng masinsinan. Bawal kabahan, kahit magmatigas si Nine, sabihin mo pa rin yung paliwanag mo." Pagkaklaro naman ni Ashley sa napag kasunduan naming plano kanina habang kumakain kami sa likod ng university.
"Paano si papa? Baka makita nya ako dito. Ang alam kasi nya ay pagkatapos ng klase ay didiretso na ako sa part time ko." Saka ko lang naalala na nandito nga rin pala si papa.
Hindi naman ako pinapakelaman ni papa sa schedule ko kung papasok ako sa part time ko o hindi. Ang lagi nya lang saking bilin ay gawin ko ang best ko sa trabaho ko at maging mabuti at responsableng empleyado.
"Oo nga pala, si Kuya Leo pa!" Sambit rin ni Ashley.
"Di bale, ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa." Ako na lang ang magpapaliwanag kay papa mamaya, sigurado namang mauunawaan nya ako.
"Sabihin na lang natin na may group project kami nila Nine tapos kailangan naming mag interview ng taga-ibang department kaya ikaw ang napili namin. Ayos ba ang naisip ko?" Suhestyon naman ni Francis.
Ayoko sanang magsinungaling pa kay papa kasi hindi ako sanay na nagsisinungaling sa kanya kaso bago ko pa mapigilan at makontra ang naisip na suggestion ni Francis ay saka naman saktong dumating si papa.
"Oh Baste, anong ginagawa mo rito?" Tanong agad ni papa sa akin dahil bihira na lang ako na pumupunta rito sa mansion para i-tutor si Nine.
"Ay kasama mo pala sila Sir Ashley at Sir Francis. Good morning po sa inyo" Pagbati pa ni papa sa mga kasama ko.
"Kuya Leo nandyan po ba si Nine? Kinokontak namin sya kasi ngayon namin gagawin yung interview namin dito kay Santos para po sa group project namin kaso hindi naman po sumasagot sa tawag namin si Nine." Dire-diretsong sambit ni Francis kay papa.
Tsk, hindi ko na sya napigilan kaya tumango na lamang ako kay papa ng tingnan nya ako bilang pag sang ayon ko sa sinabi ng kaibigan ko.
"Ah si Sir Nine po ba? Nandoon po sya sa may swimming pool, kanina pa sya roon kaya po siguro hindi nya kayo masagot sa tawag ninyo" Nakangiting itinuro pa ni papa sa amin ang direksyon kung saan namin matatagpuan ang swimming pool nila Nine.
nakailang punta na ako dito pero hindi pa ako nagagawi roon kaya mabuti na lamang at itinuro agad ni papa kung saan iyon matatagpuan.
"Luh seryoso po kayo Kuya Leo? Ang lakas ng ulan pero nagsu-swimming si Nine?" Namamanghang tanong pa ni Francis kay papa.
"Tsk, ang daldal mo!" Sasagot na sana si papa kay Francis ng sitahin agad ni Ashley si Francis dahil sa pagiging madaldal nito.
Napapangiti na lamang si papa sa mga kaibigan namin ni Nine. Sanay na rin naman sya sa pagbabangayan ni Ashley at Francis.
"Eh yung parents po ni Nine, nandyan po ba? Kakamustahin po sana namin sila. Matagal na rin po yung huling beses na nakita namin sila." Pasimpleng tanong ni Ashley kay papa. Francis and I gave him a knowing look dahil parte ito ng plano namin na habang kinakausap ko si Nine ay idi-divert naman nilang dalawa ang atensyon ng parents ni Nine.
"Nasa salas po sila ngayon." Tugon naman ni papa.
"Sige po kuya Leo, salamat po." Akmang lalakad na kami papasok ng mansion ng biglang magsalita si Francis.
"Kuya Leo, lalabas po ba kayo? May ipapasabay po sanang akong bilhin kung ayos lang po sa inyo?" Nagtataka na napatingin kami kay Francis. Anong pinaplano na naman nito?
"Ay sige po sir Francis. Ano po ba iyon? Sakto at lalabas po kami ngayon ni Ate Lala ninyo. Nautusan kasi kaming mamili ng groceries" Lumapit si Francis kay papa at saka nag abot ng pera.
"Stuffed toy po sana na pang babae. Kayo na po ang bahala mamili hehehe" nahihiyang bilin ni Francis sabay abot ng kanyang pera kay papa.
Nagtataka man ay agad ring tumalima si papa.
"Bakit nagpabili ka ng stuffed toy? Ngayon mo pa talaga naisipang regaluhan si Mae, alam mong may hinaharap pa tayo na sitwasyon dito." Pabulong na sinsermunan ni Ashley si Francis habang naglalakad kami papasok ng mansion.
"Hindi yun para kay Mae! Alibi ko lang iyon para sigurado tayong walang makakakita o makakrinig sa usapan nila Nine at Santos. We are clearing the area, master!" Proud na tugon naman ni Francis sa sinabi sa kanya ni Ashley.
"Hahahaha ewan ko kung matutuwa ako na gumagana yang brain cells mo o matatakot ako sa out of this world na ideas mo." iiling-iling na sambit naman ni Ashley.
"Santos, dumiretso ka na sa swimming pool kung nasaaan si Nine. Kami na lang nag haharap sa parents nya." Sabay kindat pa na banggit ni Ashley sa akin.
Mas lalo akong kinabahan kasi ito na iyon, makakausap ko na si Nine.
"Kaya mo yan!" Pagbibigay lakas ng loob sa akin ni Francis. Tumango ako sa kanila at saka ako naglakad patungo sa swimming pool.
Good luck sa plano naming tatlo.
Naglalakad na ako patungong swimming pool. Ang isipan ko naman ay abala sa pago-organisa ng mg asasabihin ko kay Nine. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala ako ng ulan.
Tsk, ang lakas ng ulan ngayon tapos naisipan pa ni Nine na magswimmming. Gusto nya bang magkasakit?
Nang mapadako na ako sa kinaroroonan ni Nine ay agad ko syang nakita na abalang nagpapabalik-balik sa kabilaang dulo ng swimming pool.
For sure nilalamig na sya.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nasa kabilang dulo sya ngayon at tila hindi nya napansin ang presensya ko.
Lumingon ako sa paligid namin, at nang masigurado kong walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang ay saka ako umupo sa dulo ng pool para abangan syang bumalik rito.
Ilang sandali lang ay palangoy na sya patungo sa pwesto ko. I leaned forward para mapansin nya ako kasabay ng pagtawag ko sa pangalan nya.
Maingay ang patak ng ulan at ang tunog ng tubig sa pool dahil sa paglangoy nya pero alam kong narinig nya ako dahil natigilan sya at saka tumayo upang makita ako.
Tila natutunaw ang puso ko nang matunghayan ko ang itsura nya...ang mga mata nya.
Tila puyat ito dahil sa pangingitim ng eye bags nya. May gumuhit na kirot sa puso ko ng mapansin ko kung gaano kalungkot ang mga mata nya.
Magsasalita na sana ako ng bigla syang ngumiti sa akin.
Pero hindi ito yung ngiti ng Nine na kilala ko na masaya.
Ngiti ito na may ikinukubling lungkot.
"Hay naku! Bawal mawala sa focus!" Nalala ko bigla ang sinabi sakin kanina ni Francis.
Tama, kailangan kong makapagpaliwanag agad kay Nine.
"Oh, ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Ashley at Francis?" Masiglang tanong sakin ni Nine pero alam kong hindi ito totoo.
Bakit kailangan mong magpanggap na ayos ka lang?
Bakit kailangan mong magpanggap na okay taong dalawa?
Tinitigan ko sya. Hinahanap ko sa mga mata nya yung Nine na kilala ko. Yung Nine na nagsasabi kapag naiinis sya, nagagalit sya o napipikon sya sa akin.
"Tsk, kita mong umuulan oh. Sa loob mo na lang ako hintayin, patapos naman na ako rito." Pagpapatuloy nya habang abala ang kanyang mga mata sa pagsipat ng paligid namin na tila ba may hinahanap sya.
Hindi ko na matagalan yung ganitong ipinapakita nya kaya nagsalita na ako.
"Nasa loob sila Ashley at Francis, kausap ang parents mo." Pag uumpisa ko. Nanatili syang nakatingin sa akin.
"Nandito ako para makipag-usap sayo" Dugtong ko pa. Oo, pakikipag usap ang pakay ko sa kanya ngayon at hindi pakikipag-ayos dahil maaayos lang namin ito kung gugustuhin nya at kung tatanggapin nya ang paliwanag ko.
Hindi ko ipipilit sa kanya na magkaayos kami kung ayaw naman nyang makipag -ayos. Wala ako sa posisyon para kontrolin ko sya sa magiging desisyon nya. Pero sana magkausap kaming dalawa ngayon.
Hindi nya ako inimik. lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil ngayon ko natunghayan yung galit sa mga mata nya. Napalitan ng galit yung kanina ay lungkot na makikita sa maamo nyang mukha.
Tinalikuran nya ako at saka sya lumangoy muli patungo sa kabilang dulo ng pool. Tumayo ako upang tanawin sya ng mapansin kong sa kalagitnaan ng pool ay napatigil sya at kapag kuwan ay tila ba nahihirapan na syang lumangoy.
Agad kong tinawag si Nine ngunit tila hindi nya ako naririnig. Mabilis akong kumilos at nag-dive patungo sa kanya.
Mabilis na nilangoy ko ang pool patungo sa direksyon ni Nine. Nanginginig ang mga kamay ko sa halo-halong kaba at emosyon.
For a split second, natakot ako ng sobra. Tila bumalik sa alaala ko yung insidente noong mga bata pa lamang kami.
Nangako akong ililigtas at poprotektahan ko sya.
Nang makalapit ako kay Nine ay saka ko sya mabilis na inalalayan at nilangoy patungo sa gilid ng pool.
Inalalayan ko sya na makaahon at pagkatapos ay saka ko kinuha yung tuwalya na nakita ko sa may gilid ng upuan at ibinalot ko ito sa nangninging na katawan ni Nine.
Napakabilis ng t***k ng puso ko. Gusto ko syang sigawan kasi bakit ba nya naisipang mag swimming s agitna ng malakas na ulan? Paano kung wala ako? Paano kung nalunod sya dito ng tuluyan?
Nagkuyom ang mga kamao ko sa galit pero hindi ko sya magawang sigawan o awayin. Mas nangingibabaw yung pag-aalala ko sa kanya.
Lalapitan ko sana sya para yakapin pero natigilan ako ng bigla syang tumayo at akmang maglalakad na papalayo sa akin.
Nawala na sa isipan ko yung kanina na pina-practice kong sasabihin kay Nine.
"Nine, hindi mo man lang ba ako tatanungin?" sambit ko sa kanya. Nangingilid ang mga luha ko, alam kong ilang sandali lang ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Sa inaakto nya, mula sa pagputol nya sa koneksyon naming dalawa, tila ba hindi sa kanya naging mahalaga yung nararamdaman namin para sa isa't isa.
"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataon na makapagliwanag sayo?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya. Napatigil sya sa paglakad nya ng marinig ang mga tanong ko sa kanya.
"Wala lang ba sa iyo yung nararamdaman natin para sa isa't isa? Ganun lang kadali sayo na itapon iyon?" Alam kong mali ito pero nasasaktan na ako at hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
Pinaglalaruan nya lang ba ako?
Ano yun, bored lang sya kaya nasabi nya noon na one step at a time., magiging malinaw rin yung sa amin basta hintayin ko sya?
Napaatras ako ng bahagya ng lingunin nya ako at alam ko, kung nasasaktan man ako ngayon... mas nasasaktan si Nine.
"Sino ka at anong karapatan mong sabihin yan?" Blangko ang kanyang mukha. Tila ba namanhid na sya sa nararamdaman nya.
"Ako ba talaga ang may kasalanan at ako yung sinisisi mo? Sa ating dalawa, ikaw yung nagloko." Napansin ko ang panginginig sa boses nya.
"What we have is just mere friendship. Sa tingin mo magkakaroon ako ng interes para sa isang kagaya mo?" Tiningnan nya ako na tila ba nandidiri sya sa pagkatao ko.
Hindi ko alam kung anong salita pa ang gagamitin ko para ilarawan ang nararamdaman ko.
Nanlalambot ang mga tuhod ko, at pigil ang hininga na pinapakinggan ko lang sya.
Okay lang kahit sabihan nya pa ako ng kung ano-ano na masasakit na salita.
Basta...
Basta...
Basta babalik sya.
Kahit bilang kaibigan ko na lamang.
Kasi...hindi ko kakayanin pag pati iyon, mawawala pa.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan , napatungo ako upang hindi nya ito mapansin.
"I never see myself falling in love with a person na kagaya mo. I will never love you." Sambit pa nya.
Alam kong nasaktan ko sya ng todo kaya umabot kami sa puntong nakakapagbitaw kami ng masasakit na salita.
Pero yung sinabi nya, bakit tila pakiramdam ko, totoo iyon? That he mean every single word na binitawan nya?
Papaniwalain ko pa rin ba ang sarili ko sa ilusyon kong mamahalin nya rin ako?
Hindi na nya hinintay yung sasabihin ko o kahit man lang yung paliwanag ko. Agad syang tumalikod sa akin at wlaang-lingon na naglakad papasok ng mansion.
Pinanood ko sya na maglakad palayo sa akin.
Mamahalin na lamang kitang muli, gaya noong una.
Nauna ng nakapasok ng mansion si Nine.
Napansin kong nasa pinto ang parents ni Nine kasama sina Francis at Ashley. Naroon din si papa. Hindi ko na alintana kung ano ang iniisip nila ngayon at bakit ganito ang itsura namin ni Nine. Gusto ko lang makauwi na.
Tila wala sa sarili na nagpaalam ako kina papa at sa parents ni Nine na uuwi na ako.
Sila Ashley at Francis naman ay agad na nagpaalam na rin sa kanila at saka ako sinamahan pauwi na ng bahay.
Tama si Nine...ako ang sumira nito.