CHAPTER 20: Let's end it here

3084 Words
Matapos makabili ng kape sa paborito kong coffee shop ay nagdiretso na kami ni Kuya Leo pauwi ng bahay.  Sa awa ng Diyos ay wala ng unknown numbers na tumatawag sakin ngayon. Aaminin ko, parte ng sarili ko ang umaasa na sana si Santos yung tumatawag. Umaasa ako na sana gumawa sya ng paraan para magpaliwanag sakin given the circumstances na binlock ko saya at pinutol ko ang lahat ng connection ko sa kanya. Nababaliw ka na ba Nine? Gusto mong habulin ka nya pero tinanggalan mo sya ng pamamaraan para makausap ka man lang? Oo na, ako na ang magulo kausap ngayon. Anong magagawa ko?  Mahal ko sya... pero nasasaktan ako at natatakot. "Nine, wala ba kayong lakad ng ngayon nila Francis?" Bungad na tanong sa akin ni papa pagkapasok ko pa lamang ng bahay nang madatnan ko sila ni mama sa kusina. Nakapagpalit na rin si mama. Kanina kasi ay nakapang gardening pa sya na damit. Feel na feel nya ang pagiging plantita nya. "Po? Wala naman po sa pagkakatanda ko." Nagtataka na lumapit ako sa kanila at saka inilapag ang dala kong kape pati na rin yung cookies na natipuhan kong bilhin. "Ito pala yung cake mo, iniabot ito ni Lala kanina, ibinilin daw sa kanya iyan ni Kuya Leo mo kanina." Inilapag ni mama ang cake na nasa maliit na box nakalagay na kinuha nya sa loob ng ref namin. Hindi ko maipaliwanag pero tila kumirot ang puso ko at tila ba naiiyak ako nang makita ko ang cake na tinutukoy ni mama. "So amin na itong cookies ha? May cake ka na eh" PAgbibiro naman ni papa sa akin. Tinapik pa sya ni mama na tila ba sinisita nya si papa sa inaasta nito. "Birthday pala ng mga anak ni Leo noong nakaraan. Isama kaya natin sila sa outing natin? Matagal na anting hindi nakikita ang mga anak nya." Masiglang suhestyon ni mama. Agad akong napalingon sa kanila dahil rito. Teka lang, bakit naman isasama pa sila sa outing namin? Does it mean makakasama rin namin si Santos sa outing? "No!" agad kong naibulalas na syang ipinagtaka kaagad ng magulang ko. "Ah...I mean, no po ma, pa. Kasi baka may pasok sila sa school at baka mahirapan silang mag excuse. Sa pagkakalam ko po kasi ay scholar ang panganay ni Kuya Leo sa University, for sure hindi po iyon makakasama." Napapakamot sa ulo na turan ko.  Tsk, ang obvious ko masyado. "Ano pa at narito ako? Wala ka yatang bilib sa akin na papa mo" Pagyayabang naman ni papa.  "Oh sya, ipaalam na lang natin ito kay Leo para malaman natin kung maisasama natin sila. Mas masaya iyon na marami tayo tapos bonding na rin natin iyon. Pwede rin na isama natin ang iba nating mga kasambahay, hindi ba? Para naman makapag enjoy rin sila." Sambit ni mama.  "Bakit naman po biglaan kayo kung magdesisyon? Kaninang umaga ay yung outing nating tatlo tapos ngayon naman po ay outing na kasama ang mga kasambahay natin" Mahinahon na tugon ko sa kanila.  Hindi naman sa ayaw kong makasama ang mga kasambahay namin, sa totoo lang ay mas masaya nga ang plano nila mama kaso kasi... "Bakit tila ayaw mong makasama ang mga kasambahay natin? May problema ba Nine?" Pag-uusisa ni papa kaya agad akong umiling. Syempre ayokong magpahalata sa kanila at ayokong malaman nila kung ano ang mga pinagdadaanan ko ngayon. "Oh yun naman pala eh, mamaya ipapatawag natin ang mga kasambahay natin para makausap sila tungkol rito." Sambit ni mama sabay kuha ng mga cookies na nasa box pa rin hanggang ngayon. "Kainin mo na iyang cake na iyan. Ipinagdala ka pa ni Kuya Leo mo nyan." Tukoy ni papa sa box na hawak ko na ngayon. "Sa kwarto ko na lang po ito kakainin tutal gagawa rin po kasi ako ng school project." Pagpapaalam ko sa magulang ko. Hindi ko na ipinilit na makumbinsi sila na magbago ang isipan nila. Kung ano ang gusto nila, yun ang susundin ko tutal mas priority ko ang kaligayahan ng parents kahit sa maliliit na bagay lang kaysa ang sarili ko. Naglakad na ako patungo sa aking kwarto. Pagkapasok ko pa lamang ay sumalampak na agad ako sa aking kama at inilapag ang cake na nasa maliit na box. Tinitigan ko itong mabuti.  Ito yung cake na paborito kong kainin sa likod ng university na tinitinda sa isang food stall doon. Gamit ang kutsara na hawak ko ay saka ako sumandok ng kapiraso ng cake at isinubo ko ito. Dahan dahan kong ninamnam ang lasa nito. Ipinikit ko ang aking mga mata na tila ba inaalala ko ang unang araw na natikman ko ito. Sa wakas kasi ay natapos nila ng mga kagrupo nya yung final defense nila sa thesis kaya naisipan nya kaming bilhan nila Francis ng cake mula sa food stall sa likod ng university bilang simpleng selebrasyon at bilang pasasalamat na rin nya sa amin dahil tinulungan namin sya na makumbinsi ang professor nila na mabigyan pa sila ng second chance sa defense nila.  Malinaw na malinaw pa sa isipan ko yung araw na iyon...  "Wow, cake!" Excited na sambit ni Francis na akala mo ay kumikislap ang mga mata sa nakikita nyang pagkain sa harap namin. "Bakit may cake kang dala? para saan yan?" Usisa naman sa kanya ni Ashley. "Pasasalamat ko sa inyo kasi napayagan kami na mag final defense muli at ayun kanina natapos na namin yung defense namin." Nahihiyang sagot naman ni Santos kay Ashley. "Congrats! Ang galing talaga ng tropa namin" Tumayo pa si Francis para yakapin si Santos. Tila natigilan pa si Santos noong una pero yumakap rin sya paglaon. "Congrats Santos" Nakangiting bati ko rin sa kanya.  "Oh sya, para pala ito sa atin. Tikman na natin" Si Ashley ang unang naghiwa ng cake at kumuha ng parte nya at pagkatapos nito ay ako na ang sumunod at ang huli ay si Francis. "Teka, pano ka?" Tanong ko kay Santos ng mapansin na hindi pala namin sya nahatian. "Hahaha kumain na ako nyan kanina after ng defense namin kasi yan yung napili rin namin na isama sa pagkain ng mga panelists namin"  "Sabi mo eh. Cheers para sa successful thesis defense ni Santos" Iniangat ko ang kutsara na hawak ko at kunwari ay magchi-cheers kami nila Ashley para sa success ni Santos. Agad namang tumalima yung dalawa kong kaibigan kahit na natatawa sila sa naisipan kong gawin. "Hahaha para talaga kayong mga bata" Natatawang sambit ni Santos. Grabe unang kagat pa lang ay para na akong lumulutang sa ulap.  "Grabe, ang sarap naman nito!"Nagkasabay pa na sambit nila Francis at Ashley. "Santos, grabe mamahalin ba ito? Ang sarap. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatikim ng gantong klase ng cake" Masayang turan ko kay Santos na kasalukuyang namamangha sa inaasta naming tatlo ni Francis at Asley. "Seryoso ba? 35 pesos lang yan per slice eh" Naaaliw na sagot naman ni Santos. "Seryoso! Sa birthday ko, ito ang ipapabili ko hahaha" natatawang turan naman ni Francis. Iiling-iling na natatawa na lamang kami. Biruin mo yun, 35 pesos na cake pero sobrang sarap?  Unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa labi ko ng magbalik sa alaala ko ang mukha ni Santos noong unang beses na binigyan nya kami nila Francis ng cake na ito. Hiyang hiya pa sya dahil maliit lang cake na naibigay nya para sa aming tatlo. Naalala ko rin ang itsura ng mga kaibigan ko na masayang-masaya sa cake na ibinigay sa amin ni Santos. Iminulat kong muli ang mga mata ko at saka tinitigan ang cake na nabawasan ko na. Nabura ang ngiti ko ng maalala ang sitwasyon namin ni Santos ngayon. Ang saya naman noon, napaka simple ng samahan namin pero sobrang saya nang grupo namin. Paano na ngayon na ganito kami ni Santos?  Paano sila Ashley at Francis? Ang sakit isipin na hindi lang ito issue namin ni Santos. Apektado rin dito sila Ashley at Francis. I can't afford seeing my friends being affected dahil sa amin ni Santos. Bumibigat ang loob ko ng maalala kong sa sitwasyon na ito, hindi lang ako ang maaaring mawawalan ng taong minamahal. Maaari ring mawalan ng kaibigan sila Ashley at Francis kung sakaling mag desisyon kami ni Santos na putulin na ang ugnayan naming dalawa. Sobrang selfish ko pala na sarili ko lang ang naisip ko sa sitwasyon na ito. Hindi ko man lang naalala ang mga kaibigan ko. Hindi ko man lang naisip kung ano yung mararamdaman ni Ashley na nasanay na kay Santos. Sabi nga ni Ashley ay tila nakahanap sya ng kuya sa katauhuan ni Santos dahil sa pagiging protective at pasensyoso nito sa amin. Hindi ko man lang naikonsidera yung mararamdaman ni Francis na nasanay na kahit na inaasar namin sya ni Ashley ay may kakampi pa rin sya sa grupo namin dahil kay Santos. Si Santos yung nakakasabayan nya sa kakulitan nya at sa mga hilig nya gaya ng basketball at soccer. Nagi-guilty ako upon realizing na... sa sitwasyong ito, sa mga oras na ito, nasasaktan rin pala ang mga kaibigan ko. Hindi ko napansin na may mga luha nang nagsisiagusan sa aking pisngi. Umiiyak na pala ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Tsk, sabi mo hindi ka na iiyak Nine?  Kahit hilam ang mukha ko ng luha ay sinikap kong ubusin ang cake na nasa harapan ko.  Sa ngayon, pwede bang hayaan ko muna ang sarili ko na iproseso ang nararamdaman ko?  Nalulunod na kasi ako.... Mabilis kong inubos ang cake na nasa harap ko dahil naisipan kong magbukas ng aking computer.  Maglalaro na muna ako ng games para ma-divert ko ang aking isipan. Nag umpisa na akong magbukas ng aking pc.  Click dito, click doon. Tsk, unang round pa lang, talo na agad ako. Nag retry ulit ako. This time, mas determindao akong manalo.  Nasa kalagitnaan na ako ng game ng biglang rumehistro sa isipan ko ang maamong mukha ni Santos. What the?! Agad na naibulalas ko dahil nabaril ako ng aking kalaban sa ilang segundo na nawala ang aking focus sa game. Hindi pupwede ito. Gusto ko lang ipahinga ang isipan ko mula kay Santos, bakit ba ayaw nya akong lubayan?!! Nafu-frustrate na ibinaba ko ang aking controller. Napasandal ako sa aking gaming chair at saka ako tumingala at nakipagtitigan sa kisame ng aking kwarto. Nabo-bored na ako...  "one step at a time" Bumalik sa gunita ko iyong kasunduan namin ni Santos na hindi namin mamadaliin ang sitwasyon. Natawa ako ng mapakla. Ang ironic pala. Kaka-one step at a time namin, yung tadhana na mismo ang nagdesisyon para sa amin. Nice... Hayst, magsu-swimming na nga lang ako. Ayokong magkulong dito sa kwarto ng matagal ng walang ginagawa. Baka mabaliw ako dito kakaisip kay Santos.  Tumayo na ako at nag asikaso palabas ng kwarto dakla ang aking towel.  "Oh Nine? magsu-swimming ka? Tingnan mo at umuulan na sa labas." Sambit ni mama na nasa salas namin ngayon at nagbabasa ng libro at sa gilid nya naman ay si papa na nanonood ng pelikula sa malaki naming flat screen na tv. "Opo ma, ayos lang po iyan. Para mas exciting po" Sambit ko naman kay mama. Tumango sya sa akin bilang pag sang ayon kaya agad na akong lumabas patungong swimming pool namin. Mahirap na at baka mapagbawalan pa ako sa naisipan kong gawin ngayon. Ilang sandali pa lamang ako na nakatayo sa tapat ng aming swimming pool ay basa na agad ako dahil sa ulan na walang humpay sa pagbuhos. Inilapag ko ang tuwalya ko sa isang upuan na nasa gilid kung saan hindi ito mababasa ng ulan at saka ako nag umpisang maglublob sa pool. Nag umpisa na akong lumangoy. Sa una ay nanibago pa ako dahil matagal-tagal na rin noong huling nakapag swimming ako.  Tsk, ang bilis kong hingalin.  Nakakailang langoy pa lang ako ay hiningal na agad ako, pero ayokong tumigil. Nakaka-refresh sa sistema ang paglangoy plus ang sarap din sa pakiramdam yung buhos ng ulan mula sa madilim na kalangitan. Muli akong naglangoy matapos ang ilang minuto na pagpapahinga sa gilid ng pool hanggang sa hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal dito.  Patuloy ako sa paglangoy patungo sa kabilaang side ng pool ng biglang pag ahon ko ay... "Nine" Tinig ni Santos ang bumungad sa akin. Agad akong tumayo at nagpunas ng tubig na humihilam sa aking mata upang tingnan ang taong nakaupo sa gilid ng pool, sa harapan ko mismo. Naka-lean pa sya papalapit sa akin. Siguro para mas marinig ko ang pagtawag nya sa akin. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko mawari kung ito ba ay dahil sa hingal na nararamdaman ko mula sa paglalangoy ko o dahil hindi ako makapaniwala na narito sya sa harapan ko gayong alam ko sa sarili ko na oo gusto ko syang makita, pero hindi ngayon. Hindi pa sana ngayon. Dahil narito kami sa bahay namin at kasalukuyang naririto rin sila mama ay ayokong may makahalata na ibang tao sa kung ano man ang sitwasyon namin ni Santos. Patay-malisya n abinati ko sya. "Oh, ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Ashley at Francis?" Kunwari ay masigla ako at masaya ako na naririto sya ngayon. Halata ang pagtataka sa mga mata ni Santos pero nagpatuloy pa rin ako sa aking facade. "Tsk, kita mong umuulan oh. Sa loob mo na lang ako hintayin, patapos naman na ako rito." Kunwari ay concern na turan ko sa basang-basa na si santos. Patuloy pa rin kasi ang pagbuhos ng ulan. Napalingon-lingon pa ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao ba na nakakakita sa amin o nakakarinig sa usapan namin. Mahirap na... "Nasa loob sila Ashley at Francis, kausap ang magulang mo." Pag-uumpisa nya. "Nandito ako para makipag-usap sayo." Simpleng sambit pa nya. Agad na nabura ang pekeng ngiti na iginawad ko sa kanya. Tutal walang ibang naririto para marinig ang usapan namin ay nagdesisyon akong huwag na lamang syang pansinin.  Ayoko syang makausap o makita ngayon. Walang sabi na umatras ako papalayo sa kanya. Tinalikuran ko sya at saka ako nagdesisyong lumangoy patungo sa kabilang side upang iwasan sya. Kinakabahan na naguguluhan ako sa idea na naririto sya ngayon hanggang sa naramdaman ko ang paninigas ng kanang binti ko. Hindi ako makalangoy ng mabuti.  Pinupulikat ako. Ngayon pa talaga nangyari ito kung kailan nasa kalagitnaan ako ng pool.  Agad kong iginalaw ang aking mga braso at pilit kong iginagalaw ang aking binti upang makausad dahil ramdam kong unti-unti na akong lumulubog sa pool. Mas lalo pa akong nahirapan na makaahon dahil sa mga patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Sa gitna ng takot ko dahil sa unti-unti kong paglubog sa pool ay narinig ko si Santos na sinigaw ang pangalan ko at kapag kuwan ay naramdaman ko na lamang na may mga bisig na yumakap sa akin, inaalalayan ako patungo sa gilid ng pool at saka ako hinila ako paahon.  Habol ang hininga na napasalampak ako sa sahig samantalang si Santos ay agad na tumayo upang kunin ang tuwalya ko at ibinalot nya agad ito sa akin.  Hindi ako kumikibo dahil hinihintay kong mag normalize ang paghinga ko. Napansin kong nakaluhod sa harap ko si Santos. Napatitig ako sa maamo nyang mukha pati na rin sa mga mata nya. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya o tubig ulan yung umaagos sa pisngi nya dahil wala pa ring humpay ang pag ulan ngayon.  Kapwa kami basang-sisiw ngayon.  Kung nasa ibang pagkakataon kami, siguro ay kinikilig na ako ngayon pero wala... ito ang reality.  He betrayed me. Agad kong naramdaman ang pagkirot ng aking puso. Naalala ko na naman yung video. Nang maalala ito ay saka ako nagkaroon ng lakas na tumayo at akmang maglalakad na papasok ng bahay.  Wala akong balak makipag usap sa kanya. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya. "Nine, hindi mo man lang ba ako tatanungin?" Napansin ko ang pagkabasag ng tinig ni Santos. Nakatalikod ako sa kanya ngunit napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ang tanong nya sa akin. "Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataon na makapagliwanag sayo?" ramdam ko ang hinanakit sa mga tanong na ibinabato nya sa akin. "Wala lang ba sa iyo yung nararamdaman natin para sa isa't isa? Ganun lang kadali sayo na itapon iyon?" Muli nyang tanong. Nagpantig ang tenga ko sa huling katanungan nya sa akin. Alam kong makakasakit ako sa kung ano ang maaari kong mabitawang salita pero hindi ko ito kasalanan. Umiiwas ako para magpalamig ng ulo. Para hayaan na lang. Tapos kung tapos. Pero heto sya, guguluhin ako, at paparatangan ako na tila ba ako yung walang pakelam sa nararamdaman namin? Na tila ba ako yung may mali?  Hinarap ko sya.  This time, haharapin ko sya. Ramdam ko ang galit na nag uumapaw sa sistema ko sa mga oras na ito. "Sino ka at anong karapatan mong sabihin yan?" Blangko ang expression ng mukha na sambit ko sa kanya. Napansin kong natigilan sya sa narinig nya mula sa akin. He asks for it. "Ako ba talaga ang may kasalanan at ako yung sinisisi mo? Sa ating dalawa, ikaw yung nagloko." I am trying my hardest not to cry in front of him. Hinding hindi nya malalaman at makikita kung gaano akong nasasaktan dahil sa kanya. "What we have is just mere friendship. Sa tingin mo magkakaroon ako ng interes para sa isang kagaya mo?" Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa na tila ba kinukutya ko ang pagkatao nya. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil alam ko kung ano ang kahahantungan nitong usapan namin.  Alam kong nasasaktan ko sya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mas nangingibabaw yung galit ko. Alam kong pagsisihan ko ang sasabihin ko sa kanya pero hinayaan ko pa rin ang sarili ko na gawin ito. "I never see myself falling in love with a person na kagaya mo. I will never love you." Ramdam kong tutulo na ang mga luha ko kaya agad akong tumalikod at naglakad papasok ng bahay namin. Hindi ko na sya nilingon pang muli. Sakto na nasa pinto na ako ng lumabas sila mama, papa at kuya Leo kasama nila sila Ashley at Francis. "Nine? Ayos ka lang ba?" Usisa agad ni mama. Tumango ako saka agad na naglakad palayo sa kanilang lahat. Paakyat na ako ng hagdan patungo sa aking kwarto ng marinig ko pa ang boses ni papa na tinatawag si Santos mula sa swimming pool. Hindi ko na sila nilingon pang muli. I'm sorry Santos...let's just end it here.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD