Chapter 4 - Being a woman

1728 Words
Patricia "Anyare sa 'yo, Pat?" tanong ni Mia nang makita akong namamaluktot sa sofa.  "Ang sakit na naman kasi ng puson ko." halos pabulong na sagot ko.  "First day?" tanong ni Mia habang inaayos ang gamit nito.  Magkikita sina Mia at Ram sa hotel kung saan kukunin nito ang downpayment para sa event. Kakausapin din nito ang in-charge sa event para alamin ang final design ng cake na gagawin namin. Hindi pa nasasabi ni Ram kung gaano karami pero expected ko na magiging abala kami para sa event na iyon. Hindi pa rin ako sure kung tama ba ang naging decision ko na tanggapin 'yon pero wala na akong magagawa. Ang payo sa akin ni Mia ay ituring ko na challenge iyon na matapos namin on time ang mga order.  Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong nito. Irregular ang menstration ko mula pa noong highschool ako kaya hindi na bago ang ganitong scenario sa tuwing magkakaroon ako. Nakapagpa-check up na ako before at may mga nireseta na gamot para sa akin pero none of them really works. Pero this time ay iba ang feeling ko, feeling ko ay maghihiwalay ang katawan ko sa sobrang sakit.  "Uminom ka na ba ng gamot? Nasaan ba 'yong thermal bag mo?" nag-aalalang tanong nito.  "Oo, nakainom na ako kanina pa. Nandoon sa kwarto nagamit ko na 'yon kagabi and it's useless. Mawawala na rin ito maya-maya lang." sagot ko at umayos ako ng higa.  "Okay. Gusto mo bang huwag na ako umalis? Pwede ko naman tawagan si Ram at sabihin na bukas ko na lang kukunin o kaya naman ay siya na lang ang kumuha." sabi ni Mia at umupo sa tabi ko.  "Ano ka ba okay lang ako. Hindi pwedeng si Ram ang kumuha at saka kakausapin mo pa sila about doon sa design. Kailangan natin malaman ang exact quantity, design at final list ng order nila. Hindi na ito bago, kailangan ko lang na uminom ng gamot at magpahinga. Sige na umalis ka na at baka ma-abutan ka pa ng traffic." pagtataboy ko dito at tiningnan ako nito.  "Okay, if you say so. Basta call me if anything happen kung hindi mo na talaga kaya ang sakit let me know, okay." sabi nito saka tumayo.  "I almost forgot, pupunta nga pala si mommy ngayon at least may makakasama ka na dito. Tawagan ko rin siya para malaman ko kung on the way na ba siya." sabi nito at tumango lang ako.  "Sure ka ba na okay lang na iwan kita?" tanong nito at napapikit ako saglit.  "Sige na, umalis ka na!" mataray kong sigaw at tumawa lang ito.  "Mayroon ka nga." natatawang sabi nito.  Pagka-alis ni Mia ay binuksan ko ang t.v para malibang saka ako umayos ng higa. Medyo nawawala na ang sakit epekto ng gamot na ininom ko kaya kahit paano ay naging komportable na ako sa pagkakahiga. Buti na lang at wala kami gaanong mga order ngayong araw. Ang dalawa namin na helper ay nag-dedeliver at si Tin naman na baker namin ay lumabas para pumunta sa supplier namin. Ilang oras ang lumipas at narinig kong may nagbukas ng pinto. "Tita May, ikaw na po ba yan?" pasigaw na tanong ko habang nakahiga pa rin.  "Oo ako nga ito Pat. Sabi ni Mia ay masama daw ang pakiramdam mo. Buti na lang at nang tawagan niya ako ay nasa palengke pa ako. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam at igagawa rin kita ng tea para naman guminhawa ang pakiramdam mo." tugon nito at nagtungo na sa kusina.  "Salamat po, Tita." sabi ko at tinuon ko na ulit ang attention sa pinapanood ko.  "Tita, pwede po ba na huwag mo na po banggitin kay Mama." paki-usap ko dito at napailing lang ito.  "Sige na po. Kilala mo naman po si Mama kung makapag-react pipilitin na naman niya ako na umuwi. Ayaw ko rin po kasi siya mag-alala." sabi ko at tumawa.  Alam ko na normal lang na mag-aalala ang isang magulang pero iba ang Mama ko. Siguro nga dahil sa solong anak ako kaya sobra-sobra kung mag-alala ito na minsan ay napapasobra na. Ang tingin pa rin kasi ng mga ito sa akin ay alagain na bata. Hangga't maari ay ayaw kong bigyan ng alalahanin ang mga magulang ko dahil na rin sa kondisyon ng mga ito.  "Okay hindi ko sasabihin sa kanya." sabi nito bago ilagay ang tasa sa lamesa na malapit sa pwesto ko.  "Your the best talaga, Tita." nakangiting sabi ko at kinurot nito ang pisngi ko.  Pagkatapos kong ubusin ang tea ay nagdesisyon akong umidlip muna sandali. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sakit ng puson ko kaya gusto kong samantalahin tutal naman ay medyo nawala na ang sakit. Nakatulong din ang pina-inom na tea ni Tita May para guminhawa ang pakiramdam ko.  "Pat gising na, gumising ka na at kakain muna tayo. Kailangan mong kumain kung iinom ka ng gamot mo." narinig kong sabi ni Tita habang hinihimas ang likod ko. Uminat muna ako saka minulat ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hindi na masyadong masakit ang puson ko. May nararamdaman akong kirot mula sa tagiliran ko pero hindi naman sobrang sakit. Bumangon na ako at naabutan ko na naghahain na ng pagkain si Tita. Napahawak ako sa sikmura ko nang makaramdam ako ng gutom. Kape at tinapay lang kasi ang kinain ko kanina dahil tanghali na ako nagising.  "Ang sarap po talaga ng luto mo, Tita. Heaven talaga." sabi ko pagkatapos humigop nang sabaw ng sinigang na baboy.  "Asus, itong batang ito ay binola pa ako." natatawang sabi nito.  "Ano ka ba Tita, totoo naman po ang sinasabi ko the best po talaga ang mga luto mo po. Parehas kayong masarap magluto ni Mama." sabi ko.  Saglit akong natigilan dahil naalala ko bigla si Mama. Sa tuwing uuwi kasi ako sa amin ay niluluto nito ang mga paborito kong ulam. Hindi madali na malayo ako sa kanila dahil nasanay na ako na kaming tatlo ang laging magkakasama. Mas pinili kong mag-stay dito para mas matutukan ang business namin ng pinsan ko.  "Sige na kumain ka lang nang kumain. Marami ba kayong orders? Mukhang ang laki ng pinayat mo ngayon Pat, sigurado ako na mag-aalala ang Mama mo kapag nakita ka niya." sabi nito at napatigil ako sa pagkain.  "Nito pong mga nakaraan na linggo ay marami po kaming tanggap pero okay lang naman po ako Tita. At saka nag-diet po ako." sabi ko sabay hawak sa bewang ko at tumawa.  "Puro ka talaga kalokohan, Patricia." napapailing na tugon nito.  "Siguro may boyfriend ka na." sabi nito na nagpatigil sa akin sa pagsubo.  "Tita, wala pa po sa isip ko ang mga bagay na 'yan dahil bata pa po ako." sabi ko at tumawa ito ng malakas.  "Tigilan mo nga ako ilang taon na nga lang at wala ka na sa kalendaryo Patricia pati na rin 'yang si Mia. Hindi ba kayo natatakot na tumandang dalaga. Aba! Dapat nga sa edad ninyong iyan ay may boyfriend na kayo ni Mia o mas dapat ay may pamilya na kayo dahil hindi na kayo bumabata. Hindi sa pinagmamadali ko kayo, ang sa akin lang ay baka malibang kayo at makalimot kayo. Uso pa naman sa pamilya natin ang mga solterahin. Maigi pa rin ang magkaroon ng pamilya. Katulad ko at ng Mama mo late na kami naka-isip mag-asawa kaya naman late na rin kami nagkaroon ng anak." seryosong sabi nito at tumango ako. Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Tita May pero hindi lahat ay ganoon ang gusto. Naisip ko tuloy na napaka-unfair talaga ng mundo. Kapag ang lalaki ay nagkaka-edad na pero single pa rin ay hindi iyon big deal. Kapag ang babae naman ang nagka-edad na at single pa rin ay akala mo magugunaw na ang mundo. Para bang kailangang magmadali ng babae. Na kesyo dapat sa ganitong edad ay may boyfriend na, sa ganitong edad dapat ay may asawa at pamilya na dahil kung hindi ay iispin nila na may problema. Madalas ko naririnig sa mga matatanda na kamag-anak namin na dapat ay mag-asawa na ako bago pa ma-expire ang matres ko. Minsan tuloy ay iniisip ko kung naka-base ba sa kakayahan ng isang babae na magbuntis ang magiging buhay may asawa. Sa tuwing may reunion kami ay lagi na lang tinatanong ng mga ito ang edad ko at kung may boyfriend na daw ba ako. Halos lahat kasi ng ka-edad namin ni Mia na kamag-anak ay may pamilya na. Kaya madalas ay hindi na lang ako sumasama dahil alam ko na ang itatanong sa akin.  "Hindi bale sana kung ang mga lalaki ang magbubuntis at manganganak." sabi ko sa isip ko.  Sa panahon ngayon ay mas marami na ang kakabaihan na mas priority ang career. Wala naman akong nakikitang masama kung uunahin muna ang career. Lahat ng kababaihan ay may karapatan na mamili ng sarili nilang karera sa buhay. Hindi naman kailangan na pilitin, magmadali o papiliin dahil may kanya-kanya naman na gusto ang bawat isa.  "Ang hirap talagang maging babae nakaka-pressure." bulong ko habang nakatungo.  "Anong sabi mo?" tanong nito at napa-angat ako para tingnan ito.  "Wala pa po kasing nagkakamali sa akin Tita, pero huwag ka pong mag-alala dahil darating din po tayo diyan." nakangiting sagot ko.  "Alam mo ba na sabik na sabik na ang mga magulang mo na magkaroon ng apo." sabi nito.  Doon na ako tuluyan na nawalan ng ganang kumain. Hindi ko pa kasi masabi sa mga magulang ko na wala akong planong mag-asawa. Alam ko na masasaktan ang mga ito pero sigurado naman ako na maiintindihan din ng mga ito ang desisyon ko. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na may pamilya.  "Oh bakit tumigil ka? Sumama ba ulit ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito at umiling ako.  "Hindi naman po Tita, busog na po kasi ako at ang dami ko na pong nakain." sagot ko at tumango ito.  "Ganoon ba? Sige na uminom ka na ng gamot mo at magpahinga ka na muna." sabi nito at tumayo na ako.  Bumalik na ulit ako sa sofa pagkatapos uminom ng gamot dahil sumasakit na naman ang puson ko. Ilang sandali lang nawala ang sakit pero ngayon ay bumalik na naman. Kailangan ay maging okay na ako dahil bukas ay madami pa akong gagawin na mga orders.  "Tita, matutulog na po muna ako." sigaw ko mula sa sala.  "Sige lang. Aalis nga pala muna ako mamaya para mag-grocery dahil wala na kasi kayong stock. May ipapabili ka ba, Patricia?" tugon nito.  "Hindi po siguro napansin ni Mia Tita na wala na kaming stock. Wala naman po akong ipapabili. Ingat po kayo." sagot ko at umayos na ulit sa pagkakahiga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD