Patricia
"So kailan ka daw pala ma-discharge?" tanong ni Mia habang nagbabalat ng orange.
"Mamaya pa raw lalabas 'yong resulta ng mga lab test ko then may appointment pa ako mamaya sa OB/GYNE. Kung matatapos lahat ng 'yon within this day pwede na akong makalabas mamayang hapon or gabi." sagot ko at umayos nang pagkaka-upo.
Gustong-gusto ko na talagang lumabas ng hospital dahil hindi ako sanay ng walang ginagawa. Dalawang araw pa lang ako dito sa hospital pero inip na na inip na ako at saka inaalala ko rin ang mga orders. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Tina pero mas inaalala ko na mahihirapan ito na walang makakatulong.
"At kailan ko naman makikita si Mr. Hot?" tanong nito at naiiling na napangiti ako.
Alam ko na kung sino ang tinutukoy nito at aaminin ko na crush ko rin ang binata pero hindi sa puntong magpapakita ako ng motibo. Sigurado ako na nakwento na ni Ram ang lahat dito at sigurado rin ako na 'yon ang dahilan kung bakit ito dumalaw sa kanya. Knowing Mia sobrang hate nito ang amoy at ang mismong hospital kaya nagtaka ako nang makita ito kanina.
"Hay naku, late ka na girl kaka-rounds lang niya bago ka dumating at mamayang gabi na ulit 'yon babalik. So kaya mo lang pala ako dinalaw ay dahil doon?!" kunwari ay galit na sabi ko at sumimangot naman ito.
"Sayang naman nag-effort pa naman ako na magpaganda hindi ko naman pala siya maabutan. Asus huwag ka ngang mag-inarte diyan ang mahalaga ay dinalaw kita." sabi nito at tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa.
Gusto kong matawa habang pinagmamasdan ito dahil totoo ang sinabi nito na nag-effort talaga ito. Sa porma nito ay mapagkakamalan na naligaw lang ito dito at party talaga ang pupuntahan nito.
"Bakit nga pala ayaw mong ipaalam kina Tita at Tito na nandito ka?" nagtatakang tanong nito.
"Simple lang ayaw ko silang mag-alala. Kilala mo naman si Mama siguradong hindi ako noon titigilan. Naisip ko rin na baka kung mapaano si Papa dahil baka mabigla 'yon at atakihin sa puso. Okay na naman ako kaya hindi na nila kailangang malaman ang bagay na ito. Kailangan na lang natin hintayin ang resulta at maka-usap 'yong OB pagkatapos balik na ulit sa normal ang lahat." sagot ko at kinuha ang inabot nitong orange.
"Pero kailangan pa rin nila malaman, Patring." sabi nito at hindi na ako nagsalita.
"Ano nga pala ang sinabi mo kay, Tita? Nakita ba niya iyong dugo sa sofa?" tanong ko dito.
"Ay grabre sis, buti na lang kamo noong tumawag si Ram nasa grocery pa kami ni Mommy nagdahilan na lang ako na kailangan ko ng mauna. Pagdating ko sa condo ay dinispatsya ko na agad 'yong sofa na puro dugo kasi baka makita pa ni Mommy. Kahit nanginginig ako tumawag agad ako sa maintenance para magpatulong. Noon lang ako nakakita nang ganoon kadaming dugo. Hay naku, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko kung sakaling nakita 'yon ni Mommy and for sure tatawagan agad noon sina Tita." hysterikal na kwento nito at napatango ako
"Nawindang nga ako nang paggising ko nandito na ako sa hospital buong akala ko ay nanaginip lang ako. Pagka-alis kasi ni Tita ay natulog na ako dahil sumasakit pa rin ang puson ko pero wala na akong matandaan." kwento ko dito.
"Speaking of puson sumasakit pa rin ba?" nag-aalalang tanong nito at napatigil siya sa pagkain.
"Hindi na siya sumasakit ngayon baka tapos na siguro ang dalaw ko. Napaka-OA nga lang nitong si Ram kung makapag-react ay wagas." natatawang sabi ko.
"Kahit naman ako bakla ang makakita sa 'yo, maabutan kitang halos naliligo na sa sarili mong dugo at wala kang malay. Talaga naman na mag-hysterical ako. Nasaan na nga pala ang baklang 'yon?" tanong ni Mia at inabutan ako ng apple.
"Inaalam kung anong oras ang appointment ko." sagot ko pagkatapos kumagat sa apple.
At parang on cue sa isang eksena ay biglang pumasok si Ram sa kwarto. Nagkatinginan kaming bigla ni Mia at nagkatawanan. Nagpalipat-lipat naman ito ng tingin sa aming dalawa at nagtaas ng isang kilay.
"Speaking of the Witch este b***h pala." sabi ni Mia at napakunot ang noo ni Ram.
"Pinag-uusapan ba ninyo ako mga bruha." mataray na sabi nito habang nakapamaywang.
"Bakit? Dapat ka bang pag-usapan?" natatawang tanong ni Mia at tinaasan naman ito ni Ram ng isang kilay.
"Tara na babaeng hukluban at ikaw na ang kasunod." mataray na sabi nito at inalalayan akong tumayo.
"Opo Mama." natatawang sabi ko at ngumuso lang ito.
"Gusto mo ba na samahan ka namin sa loob?" tanong ni Mia habang nag-aantay kami sa labas ng clinic.
"Hindi na kailangan wala naman sigurong problema sa akin para ikahimatay ko. Pero sige na nga samahan na rin ninyo ako sa loob." tugon ko.
Pumasok na kaming tatlo pagkatawag sa pangalan ko. Medyo naiilang ako kasi never pa akong nakapasok sa ganoong kwarto. Kinakabahan din naman ako sa sasabihin ng Doctor dahil pakiramdam ko may mali sa akin pero hindi ko lang sinasabi sa iba.
"Take a sit Ms. Sebastian." sabi nito at ngumiti ako bago kami umupo.
"Base on your lab test everything is normal naman." sabi nito at nakahinga ako nang maluwag.
"But not the same with your ultrasound." sabi nito habang nakatingin sa akin.
"Ano pong problema Doc?" nag-aalalang tanong ko ng tumigil ito sa pagsasalita.
"Don't tell me buntis ka Patring?" pasigaw na tanong ni Mia sa akin at sunod-sunod akong umiling.
"Sigurado ka." tanong ni Ram at napatawa ako sa iniisip ng dalawa.
"Para kayong nga baliw diyan hindi ako buntis." sagot ko ng tingnan ako ni Mia ng masama.
Hindi naman ganoon ka-active ang s*x life ko at maingat din ako. I always practice safe s*x by using protection. Sa pagkakatanda ko nga mga five months na akong walang s****l activities dahil sa sobrang busy ko kaya imposible na buntis ako.
"Doc, ano po ba ang problema?" nag-aalalang tanong ko.
"We found a mass in your ovary hindi pa naman siya ganoon kalaki pero hindi na siya ma-didisolve under medication. Meaning we need to remove it by operation." paliwanag nito at bigla akong napalunok.
Nagulat ako sa sinabi nito at hindi ako makapaniwala pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mag-panic, mahirap mang tanggapin pero at least nakita na agad bago pa lumaki o lumala.
"Okay, I understand Doc so when is the schedule of my operation." nanginginig na sabi ko at tiningnan ako ni Mia at Ram.
Ayaw ko nang patagalin ang bagay na 'yon kaya gusto kong ma-schedule na agad ang operasyon. Hindi ko ikakaila na natatakot ako pero wala na akong magagawa kundi ang magpa-opera agad sa lalong madaling panahon. Hindi naman ako nag-aalala sa gagastusin kasi may naipon naman ako. Kailangan ko lang gumawa ng alibi para hindi malaman ng magulang ko ang bagay na ito. O kaya naman ay masabi ko sa mga ito na hindi masyadong mag-aalala at ma-stress ang dalawa.
"Well we can do that anytime your ready but —
"May iba pa po bang problema sa akin?" nag-aalalang tanong ko at inabot nito sa akin ang ultrasound.
Nagtaka ako kung bakit kailangan iabot nito sa akin ang ultrasound. Wala akong idea kung paano 'yon tingnan o basahin. Kinuha ko ang ultrasound at hinintay na magsalita ito para magpaliwanag.
"Base on the location of the mass if we do the operation, there is a possibility that you won't be able to reproduce. The chance of you getting pregnant is very low. I can guarantee you that we can remove the mass but i can't assure you that it won't affect your chance of pregnancy. Think first about this matter carefully Ms. Patricia because this will affect your life. I know every woman want to have a child." paliwanag nito at nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil sa sobrang gulat. Never kong na-imagine na mangyayari ang bagay na ito sa akin. Alam ng mga kaibigan ko na ayaw kong magka-anak dahil nanatakot ako na hindi ako maging mabuting magulang kaya ayaw kong magkapamilya. Alam kong mababaw na rason iyon pero dahil na rin sa hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang kaya ako natatakot. Hindi ko lubos akalain na darating ang araw na kakainin ko ang mga sinabi ko noon.
"So kung magpapa-opera ako ngayon pwedeng hindi na ako mabuntis? Gugustuhin ko nga bang mangyari 'yon? Once na makapag-decide ako wala nang balikan. Hindi ko kaya pagsisihan ang desisyon ko pagdating ng panahon? Paano kung dumating ang panahon na gusto ko ng magka-anak pero hindi na pala pwede?" mga tanong sa isip ko.
"Pat." tawag ni Mia sa akin.
Nagulat ako ng tabigin nito ang siko ko at nagtatakang napatingin ako dito. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Hinawakan ni Mia at Ram ang kamay ko na nanginginig sa mga oras na 'yon.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng dalawa at napabuntong-hininga ako.
Sa mga oras na 'yon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Wala akong planong magka-anak dahil sa takot pero mas nakakaramdam ako ng takot sa posibilidad na hindi na ako tuluyang magka-anak. Noon madali para sa akin ang sabihin na hinding-hindi ako magkaka-anak pero ngayon ay biglang nabago ang lahat. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"You have to consult this matter to your partner first." sabi nito at napatingin ulit ang dalawa sa akin.
"Okay Doc." sagot ko bago pa magsalita si Mia.
Nakita kong nakatingin ang dalawa sa akin na puno ng pagtataka. Nilakihan ko na lang ng mata ang mga ito para hindi magsalita. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang magiging desisyon ko.
"I'll prescribe you some antibiotics and vitamins for the meantime. Also you need to come back at the end of the month for another check-up. You can also call me anytime you feel something not normal." sabi nito habang nagsusulat.
"Yes po Doc." walang ganang sagot ko dito.