Patricia "So kailan ninyo balak na magpakasal?" tanong ni Mama at bigla akong nasamid. Pagkatapos namin na mag-usap ni Vincent sa study room ay pinatawag kami para kumain. Lutang pa rin ang isip ko dahil sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala sinira na naman nito ang plano ko. "Wala pa po kaming napagkasunduang date pero gusto ko po sana ay as soon as possible habang hindi pa po malaki ang tiyan ni Patricia." sagot ni Vincent habang hinihimas nito ang likod ko. Pinigilan ko ang sarili na iwasan ang ginawa nitong paghimas sa likod ko dahil nasamid ako. Kailangan na magpanggap kami nito na okay na kami. "Okay ka lang ba, Patricia?" nag-aalalang tanong ni Mama at napatingin ako dito. Naalarma ako sa nakita ko na pag-aalala sa mukha ng magulang ko. Ito ang iniiwasan kong man

