Vincent Nagulat ako nang makita ko si Patricia kanina sa study room dahil hindi ko inaasahan na magkikita kami doon. Ang plano ko ay makuha muna ang loob ng mga magulang nito bago ko ulit ito kausapin ang dalaga. Dahil once na nakuha ko na ang tiwala ng magulang nito ay hindi na ito makakatanggi sa inaalok niya. Akala ko noon ay magiging madali para sa akin ang basta na lang gawin ang condition ni Lola pero iba na ngayon ang sitwasyon. Mula kasi noong araw na narinig kong nagdadalang-tao si Patricia ay mas naging pursigido akong mapapayag ito. Bigla ko kasing naisip ang kapakanan ng magiging anak ko at ang kalagayan na rin ni Patricia. Noong nasa hospital kami at tinanong nito kung bakit gustong-gusto ko makuha ang kumpanya nagulat ako sa naging sagot ko. Hindi ko ma-explain pero may pa

