DENNIS POV Nagpasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin para makasurvive sa pageant na sinalihan ko. Nung gabing iyon ay nagkaroon kame ng problema ng di ko maalalang hanapin si Karim. Natagpuan namin eto ni Joey na tuloy na nakakulong sa Storage Room. Andaming tanong sa isip namin kung sino ang may gawa nun. Theory ni Karim ay ako talaga ang planong ikulong sa Storage. Nakwento ko rin sa kanila yung pagtatagpo namin ni Carlito sa Stage entrance. Kaya naisip namin kagagawan ng baklang yo’n ang pagkakakulong ni Karim. Mabait parin sakin ang tadhana at naituloy at naipanalo ko yung contest. Masiramun gyud sa pagmati! X X X Kinabukasan ay muling nagtipon ang lahat ng Studyante sa Gymnasium ng TIS. Over-all champion ang TIS na may 48 na panalo sa buong olympics. “Eto ang

