DENNIS POV Natapos ang lahat. Tahimik na humiwalay si Lucario sa akin. Habang ginagawa niya ang ang pakikipagsayaw kanina ay nakatitig lang siya sa akin. Tila isa siyang scanner na binabalatan ang mukha kong puno ng palamuti. Duda ako may alam na siya kung sino ang nasa harapan niya. Di ko mapigilan mapatingin sa kanya na bumalik sa kanyang pwesto. Hindi ko lubos maiisip na ang isang tulad niya ay nasa harapan ko at isa sa kikilatis kung paano namin bibigyan ng hustisya ang kasarian na naka atang sa bawat naming pagkatao. Pisti man ini si lucario, pirmi ko nalang nababayad sa mga arog kining pagkakataon! Kumbaga kadikit na ata ng buhay ko na makita siya lage. Pero napakagwapo niya ngayon. Napakagalang niyang tignan sa kanyang suot na lalong nagpapalabas sa kanyang kagwapuhan. Hup

