By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay niya. “Sagutin mo, sagutin mo, sagutin mo….” Ang bulong ko, nanginginig ang kalamnan sa pagkainip na mag-ring ang kabilang linya. At nagring nga ito. Hindi pa nakatapos ang isang buong ring ay may sumagot na, “Hello!” “Si Kuya Rom!” Sigaw ng isip ko. “K-kuya…” ang nasambit ko lang gawa nang magkahalong saya at excitement na narinig muli ang boses niya. Para akong nakuryente na hindi makagalaw at nanatiling hinahawakan na lang ang cp sa tenga ko. “Anoooo?” ang tanong niya, marahil ay nainip sa hindi ko pagpatuloy sa sasabihin. “Hindi ka ba magsasalita? Wala man lang I love you, o sorry, o pigilan ako na huwag nang tumuloy?” Napahagulgol ako. “I love y

