By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Matapos mahuli ng mga pulis ang natirang tauhan ni Kris na sumurrender, agad na dinala nila ang mga ito sa presinto habang si Kris ay dinala sa ospital at sinamahan ng ilang escorts na pulis. Dinala rin namin sina Noel at Kuya Rom sa pinakamalapit na ospital. Si Noel ay conscious bagamat medyo malakas ang pag-agos ng dugo galing sa tama niya sa braso. Ngunit doon ako natatakot sa kalagayan ni Kuya Rom. Mistula itong patay at hindi gumagalaw. Inalam ni Kuya Paul Jake kung pumipintig ba ang puso niya at nag thumbs up naman ito. Hindi naman ako mapigil sa kasisigaw, “Kuya Rommmmmm!!!” Ipinasok kaagad sila sa emergency room. Habang inasikaso sila ng mga doktor, hindi ako mapakali. Pakiramdam

