"Baby? Saan ka pupunta? Aalis ka na naman?" tanong ni Chris kay Valine. Alanganing napangiti naman si Valine. "Ah...eh...oo. Bakit? May lakad ba tayo ngayong araw?" Umiling si Chris. "Wala naman pero napapadalas yata ang pag- alis mo. At hindi ko naman alam kung saan ka nagpupunta. Sino ba ang kasama mo? At saan ka ba nagpupunta? Eh 'di ba dati gumagala ka lang naman kapag kasama mo si Veronica? Wala naman siya ngayon kaya sino ang kasama mo?" Napakagat labi si Valine sabay iwas ng tingin. Kikitain niya kasing muli si Veronica. Excited nga siyang makita ito kung ano na ba ang itsura ni Veronica. Kung may nagbago ba sa itsura nito dahil sinabi nito na siya ay buntis. "Ha? Basta kaibigan ko lang. Saglit lang naman ako at hindi naman ako magtatagal...babalik din ako kaagad," sabi ni Valin

