"Boss...kumain ka muna oh," sambit ni Chris sabay abot ng pagkain kay Zeus. "Ayoko. Gusto kong kasabay ang asawa ko. Umalis ka na, Chris," walang ganang sambit ni Zeus na nakahiga sa kama. Bumuntong hininga si Zeus at saka tinabihan sa kama si Zeus. "Zeus ano ba? Kumain ka na para may lakas ka. Paano mo mahahanap ang asawa ko kung nanghihina ka, 'di ba? Baka mamaya mahimatay ka na lang diyan..." sambit ni Chris sabay lapag ng pagkain sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Zeus. "Sabing ayoko ngang kumain bakit ka ba namimilit!" malakas na sigaw ni Zeus. Nagulat naman dahil doon si Chris kaya siya napatayo palayo kay Zeus. Narinig naman iyon ni Valine kaya nagtungo siya sa kinaroroonan ng dalawa. "Ano bang problema mo, Zeus? Bakit ka naninigaw, ha? Ano bang ginawa sa iyo ni Chris? Si

