"Ano? Nahanap niyo na ba si Veronica? Nakita niyo na ba ang asawa ko?" mabilis na tanong ni Zeus kay Chris. Malungkot na umiling si Chris. "Hindi boss. Hindi pa rin namin siya nahahanap." Bagsak ang balikat ni Zeus na naupo sa couch. Buong araw na nilang hinahanap si Veronica pero hindi pa rin nila ito mahanap. At buong araw na ring gising si Zeus. Ni hindi na nga siya kumakain. Hindi siya nakararamdam ng gutom. Ang tanging nasa isip niya lang ay mahanap ang asawa niya. "Boss, huwag kang mag- alala dahil hindi naman kami titigil para hanapin si Veronica. Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Kumain ka at matulog. Buong araw ka ng walang kain," wika ni Chris habang nakatingin kay Zeus. Mabilis na umiling si Zeus. "Ayokong magpahinga at ayokong kumain. Hindi ako nagugutom. Busog ako. Ang

