"Ano?! Paano 'yon? Saan natin hahanapin si Veronica?" nanlalaki matang sambit ni Chris matapos sabihin ni Zeus na iniwan na siya ni Veronica. Pinahid ni Zeus ang kaniyang mga luha na umagos na naman sa kaniyang mata. Namumula na ang kaniyang mata kaiiyak at naninikip pa ang kaniyang dibdib. Hindi siya makapag- isip ng ayos at nanghihina na rin ang katawan niya dahil sa kaiisip kay Veronica. Inaalala niya kung ayos lang ba ito. At mas lalo siyang nasasaktan kapag naiisip niyang kinamumuhian na siya ng kaniyang asawa. "Pinaligpit ko na ang bangkay ni James. Okay na ito. Tanga rin ng hayop na 'yon. Hindi na lang nanahimik sa buhay niya. Kakalabanin niya tayo eh wala naman siyang alam sa ganito. Negosyo at pagpaparami lang ng pera ang alam niya," sambit naman ni Chris. Totoo naman kasi ang

