Nagtago sa isang gilid si Zeus upang pakinggan ang usapan ng dalawa pero hindi niya ito kaagad narinig. Hanggang sa nagpaalam na si James na uuwi na ito sa kaniyang apartment. Nagkunwaring may kinakalikot si Zeus sa kan'yang cellphone habang nakaharap sa pader. Kaya naman hindi siya napansun ni James at nagdidire- diretso lang ang lakad nito patungo sa kaniyang apartment. Hayop ka, James. Mukhang ikaw ang salarin sa pagpapadala ng message sa akin. At malamang, dahil iyon sa ginawa kong pagpatay sa kapatid mo. Pasimpleng sinundan ni Zeus si James. Habang si Veronica naman ay lumabas ng kaniyang bahay upang habulin sana si James. Ibabalik niya kasi ang tupperware na pinaglagyan ng pagkaing binigay sa kaniya ni James. "Zeus?" mahinang usal ni Veronica nang makita niya ang kaniyng asawa na

