"Ouch!" sambit ni Stella nang hampasin ni Veronica ang kamay niya sabay bawi sa braso ni Zeus. Pumaunahan si Veronica kay Zeus at saka nanlalaki ang matang nakatingin kay Stella. Napalunok ng laway si Stella dahil nakatatakot ang ginawang pagtingin sa kaniya ni Veronica. "Sino ka, ha? At anong it's nice to see you, honey? Honey- hin mo mukha mo! Anong karapatan mong hawakan ang asawa ko?!" gigil na bulyaw ni Veronica kay Stella. Nagsalubong ang kilay ni Stella. "Wait...what? Anong asawa? At kailan pa kayo kinasal?" Mapang asar na ngumisi si Veronica. "Kanina lang. At kakain lang sana kami ngayon dito pero nakiepal ka pa. Panira ka ba ng happy moments together ng asawa ko? Tumigil ka, ha? Kung ayaw mong basagin ko 'yang pagmumukha mo!" gigil na sambit ni Veronica kasabay ng pagtatangis

