"Love..." malambing na tawag ni Zeus may Veronica. Kasalukuyan silang nasa farm kung saan naisip kasi ni Veronica na mamitas ng iba't ibang prutas. "Bakit? Ayaw mo na bang mamitas ng mga prutas?" tanong ni Veronica sa kaniya sabay lapit. Umiling si Zeus. "Hindi. Gusto ko lang sabihin na...mahal kita." Napakagat labi si Veronica sabay hawi ng kaniyang buhok. At saka niya mahinang hinampas sa dibdib si Zeus. "Ene be, Love? Bet ke nemen genyen?" pabebeng sambit ni Veronica. Natawa ng mahina si Zeus. "Ang cute mo namang kiligin, Love. Para kang may sakit sa pag- iisip." Mariin siyang inirapan ni Valine. "May sakit talaga sa pag- iisip, Love? Grabe ka naman sa akin!" Malakas na tumawa si Zeus. "Joke lang, Love. Pero kahit ganiyan ka, ganiyan ka na talaga." Tila umusok naman ang ilong n

