Tahimik na pinagmamasdan ni Veronica ang natutulog na si Zeus. Naglalaro kasi sa kaniyang isipan ang sinabi ni James. Na mayroon daw sikreto ang kaniyang asawa at ayaw daw ni Zeus na malaman niya iyon. At mas lalo tuloy siyang napapaisip kung ano nga ba iyon. Dahil ang sabi ni James, maaaring maglaho ang pagmamahal niya kay Zeus kapag nalaman niya ang sikreto nito. Ano kaya ang siktreto sa akin ni Zeus? At paano naman kaya iyon nalaman ni James? Nahihiwagaan tuloy ako sa pagkatao ni James. Hindi kaya...nagpapanggap lang siya na isang ordinaryong tao pero ang totoo eh kalaban siya ni Zeus? Humingang malalim si Veronica at saka hinaplos ang buhok. Ewan niya ba pero bigla siyang naiyak. Zeus...may tinatago ka bang sikreto sa akin? Bumuntong hininga si Veronica at saka pinunasan ang kan

