"Veronica..." tawag ni James nang makita niya ang dalaga na nakatambay sa labas ng bahay nito. "O bakit payat?" nakataas kilay na sabi ni Veronica sa kaniya. Mahinang tumawa si James. "Grabe ka naman makapayat sa akin diyan! Hindi nga ako payat! May laman nga ako!" Tumawa naman si Veronica. "Eh anong magagawa mo kung payat ka sa paningin ko, ha? Manahimik ka diyan basta payatot ka sa paningin ko, payat tawag ko sa iyo." Napakamot na lang si James ng kaniyang ulo sabay tawa. "Nga pala, sumahod na ako doon sa pinapasukan kong bakery. Gusto sana kitang ilibre ng kahit tuhog lang doon sa kanto. Kain sana tayo doon," sambit ni James sa malambing na boses. "Wow! Congratulations! May sahod ka na rin! Pero sure ka ba? Dapat itabi mo 'yan para may ipon ka eh," sabi naman ni Veronica. Natataw

