"Hoy payatot! Kinain mo ba ang pagkaing binigay ko sa iyo? Baka tinapon mo lang, ha! Masama magtapon ng pagkain dahil grasya 'yon!" sabi ni Veronica kay James nang makita niya ito. Mahinang tumawa si James sabay kamot ng ulo. Sa dami ng kanin na ibinigay sa kaniya ni Veronica ay naubos niya lahat iyon dahil sa sarap ng pagkakaluto ni Veronica sa kaldereta. "Hindi ko tinapon. Kinain ko nga ito. Hanggang hapunan nga ay umabot ito. Naging matipid ang buong araw na pagkain ko. Salamat pala sa masarap mong luto," sambit ni James sabay ngiti. Ngumiti ng malawak si Veronica sabay hawi ng buhok. "Well...maliit na bagay. Nga pala, bakit ba wala kang pera pambili ng pagkain mo? Ay wala ka ba talagang pera pambili o sadyang ayaw mo lang bumili ng pagkain mo?" Tumikhim si James. "May pambili naman

