Kasalukuyang nagwawalis si Veronica nang may isang lalaking natumba sa kaniyang harapan. "Ay tite ng kabayo!" malakas na sambit ni Veronica sabay lapit sa lalaki. Kaguwapo naman nito! Pero syempre mas guwapo ang asawa ko! "Ayos ka lang ba kuya?" tanong niya sa lalaki. Marahang tumango ito at saka pinagpagan ang kaniyang sarili. Tumingin siya kay Veronica at pilit na ngumiti. "Oo ayos lang ako. Medyo nahilo lang ako kaya ako natumba. Pasensya ka na kung nagulat kita," malumanay na sambit ng lalaki. Agad na umiling si Veronica sabay ngiti. "Naku wala iyon! Hindi naman ako nagulat ng bongga na tipong inatake sa puso. Bakit ka pala nahihilo?" Tumikhim ang lalaki. "Ah siguro...dahil sa gutom? Kalilipat ko lang kasi sa maliit na apartment na iyon," sambit ng lalaki sabay turo sa maliit na

