"Hoy, gaga! Anong ginawa mo sa itlog ni Chris? Balita ko binugok mo raw!" sambit ni Veronica sabay tawa. Napakamot naman ng ulo si Valine sabay ngiti ng alanganin. "Hindi ko naman sinasadya eh. Ewan ko ba pero biglang gumalaw ang binti at paa ko kaya nasipa ko siya. Para kasing nanggigil ako sa kaniya dahil magaling siya umiwas sa suntok ko." Muling natawa si Veronica. "Ayos lang 'yan. Ganoon naman talaga kapag seryoso ka sa ginagawa mo. May bagay na nagagawa ko na hindi mo namamalayan. Kahit ako eh, no'ng gigil na gigil ako sa pamamaril, nagulat na lang ako na halos lahat pala ng target ay naasinta ko." Bumuntong hininga si Valine. "Balak mo pa ba talagang maghiganti? Kumbaga, balak mo pa rin bang patayin ang taong nakapatay sa kapatid mo?" Humingang malalim si Valine. Nag iisip siya

