"Tang ina mo!" sambit ni Valine kay Jerick sabay suntok sa mukha nito. Habang naglalakad kasi si Valine ay napansin na niyang may mga matang nakatingin sa kaniya. Pero hindi siya nagpahalata na napapansin na niya iyon at nagkunwari lamang siyang walang alam. Huminto talaga siya sa gilid ng kalsada, sa may eskinita kung saan walang tao. At sinadya niya ring magkunwaring abala sa pagkalikot ng kaniyang cellphone para isipin ng taong sumusunod sa kaniya na busy siya. "Ito pang sa iyo!" malakas na sipa ni Valine sa p*********i ni Jerick. Halos lumuwa ang mata ni Jerick dahil sa sobrang sakit na dulot ng malakas na pagkakasipa ni Valine sa kan'yang alaga. Pakiramdam ni Jerick ay nadurog na iyon. "Anong akala mo sa akin? Tanga? Gunggong! Talagang hindi ka titigil 'no? Hindi na pagmamahal 'ya

