"Kumusta, Chris?" sambit ng isang lalaki na bigla na lang lumitaw sa harapan ni Chris. Napahawak tuloy sa kaniyang tagiliran si Chris kung saan nandoon ang kaniyang baril. Habang ang lalaking nasa harapan naman niya ngayon ay nakangisi lang. "Woah. Hindi ako nagpakita sa iyo para makipagpatayan. Gusto ko lang malaman kung...kumusta kayo, ni Valine? Inaalagaan mo ba siya ng maayos? Minamahal mo ba siya ng maayos?" nakangising saad ni Jerick. Umarko ang kilay ni Chris. "Eh sino ka bang lalaki ka? At bakit kilala mo si Valine?" Tumikhim si Jerick. "Sino ako? Ako lang naman ang inaanak ni Billy na kaaway niyong dalawa ni Zeus. At ako rin ang nag- iisang nagmamahal ang totoo kay Valine noon. Nakakalungkot nga lang dahil ginawa ko ang lahat para umabot ako sa ganitong estado ng buhay pero hi

