Matapos magpunta ni Veronica nang patago sa ospital, maiyak- iyak siya nang malaman niya ang resulta ng kaniyang pagbubuntis. Lagpas isang buwan na siyang buntis. Pero hindi pa rin ito halata. Parang ganoon pa rin ang tiyan niya. "Anong sabi sa iyo ng doktor? Kumusta ang fetus diyan sa matres mo?" tanong sa kan'ya ni Valine nang makapasok siya sasakyan. Ngumiti si Veronica. "Ayos naman ito. Kinabahan lang ako kasi nagtataka ako kung bakit hindi pa talaga siya halata sa tiyan ko." Natawa bigla si Valine. "Gaga ka talaga! Malamang lagpas isang buwan pa lang ang anak mo. At saka madalas na nahahalata na 'yan kapag mga tatlong buwan. Pero dahil sa tinatago mo ang anak mo, hindi talaga lalaki kaagad 'yan. Sa amin dati may babae doon na tinago ang anak niya tapos parang nakikisama rin ito. U

