Napalunok si Valine nang makita ang itsura ni Aila. Halos mamaga ang mata nito at putok rin ang labi. Nanginginig ang kalamnan ni Valine habang naglalakad siya palapit kay Aila. Pilit itong ngumiti nang makita siya. "Hi! Ikaw na si Valine, tama ba?" sambit ni Aila at saka pilit na ngumiti. Marahang tumango si Valine hababg nakatingin sa mukha ni Aila. "Anong...anong nangyari sa iyo? Si Jerick ba ang may gawa nito?" Mabagal na tumango Aila. "Oo siya. Ang tanga ko 'no? Sobrang mahal na mahal ko kasi siya. Na kahit alam kong ikaw ang mahal niya, nanatili pa rin ako sa tabi niya. Umaasa na sana ako naman ang mahalin niya. Pero nagkamali ako. Hindi nagbago ang nararamdaman niya sa iyo, Valine. Ikaw lang talaga ang mahal niya. Ayos nga lang sa akin kahit na maging parausan niya ako basta maka

