bc

Billionaire's Forsaken Wife

book_age18+
8.1K
FOLLOW
85.7K
READ
billionaire
sex
dominant
goodgirl
dare to love and hate
tragedy
heavy
disappearance
wife
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Constancia Emmanuella Virata-Gallego is willing to do everything she can, to make her husband- Sancho Alastaire Gallego remember who she was in his life five years ago.

***

Ilang buwan matapos ikasal ni Cons kay Alas ay umuwi ng Maynila ang kanyang asawa ngunit hindi na ito nagbalik pa. May galit mang namuo sa puso ni Cons sa pang-iiwan sa kanya ni Alas, inisip niyang may dahilan ang asawa niya. Naghintay at kumapit sa natitirang pag-asang babalikan siya ng asawa ang ginawang sandigan ni Cons para magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga masasakit na pinagdaanan niya.

Limang taon ang matuling lumipas at nagbalik na sa wakas ang lalaking matagal niyang hinihintay ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig at huminto ang mundo niya nang mapagtantong hindi siya naalala ni Alas at ang pakay lang nito sa pagbabalik sa buhay niya ay para ipawalang-bisa ang kasal nilang dalawa nang sa gayon ay mapakasalan nito ang babaeng kasalukuyan nitong mahal.

"Kung sa loob ng tatlong buwan ay hindi mo pa rin ako naalala, kahit masakit at mahirap papayag na akong palayain ka, Alas."

-Constancia Emmanuella Gallego

chap-preview
Free preview
Teaser
“AYAN lang ba bibilhin mo?” Nilingon ko ang kapwa-guro kong si Mildred at tumango. Dalawang supot ang dala-dala kong pasalubong kay Nanay at sa kababata kong si Thomas. Huling gabi namin ngayon sa Baguio kung saan ginanap ang team building na inorganisa ni Ma’am Beth para sa aming mga teachers. “Oo, ito lang. Magkita-kita na lang tayo sa transient, medyo inaantok na ako e.” Hindi talaga ako mahilig sa galaan at kung hindi nga lang ni-required ni Ma’am Beth na sumama ako ay hindi ako dadalo. Nakita ko ang pag-iling ng mga kapwa ko guro. Bukod kay Mildred ay wala akong masyadong close sa kanila dahil wala pa namang isang taon akong nagtuturo sa St. Jude. “Sigurado kang kaya mong bumalik mag-isa?” Ngumiti ako at tinanguhan siya. “Hindi pa naman late. Marami rin namang naglalakad.” “Sige na nga, mag-iingat ka.” Habang naglalakad pabalik sa transient ay nakakita ako ng bilihan ng inumin. Habang hinihintay ang sukli sa akin ay iginala ko ang tingin sa paligid. Maraming tao at kita ang saya sa mga mata nila. Kung nandito ka lang sa tabi ko ngayon, siguro ang saya-saya ko rin tulad nila– Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatayo sa katapat na stall. “A-alas?” Nabitiwan ko ang hawak-hawak kong inumin at tangkang tatakbo na ako patungo sa kanya nang may malakas na katawang bumangga sa akin. “Hala Mago, nabangga mo si Ate!” “Omg sorry po ateng bigla ka kasi sumulpot–” Agad akong tumayo at hindi pinansin ang kamay na inaabot sa akin ng lalaking nakabangga sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa palad ko ngunit pilit kong isiniksik ang sarili sa biglaang dagsa ng mga tao. “Alas!” sigaw ko nang makitang wala na siya sa pwesto kanina. Inikot ko ang tingin sa paligid. Nanakbo ako at pilit na hinahawi ang mga tao. Ngunit bigo ako, hindi ko na siya muling nasilayan pa. Ang asawa ko… Namamalikmata lang ba ako kanina?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook