Chapter 1

1132 Words
Five years ago “CONSTANCIA EMMANUELLA!” Napangiwi ako sa malakas na pagtawag sa akin ng Lolo Eman ko sa labas ng silid ko. Paglabas ko ay hawak niya na ang tasa ng kape at minasdan ako mula ulo hanggang paa. “Parang ang iksi ata niyang bago nyong uniform, Constancia?” taas-kilay na pamumuna ni Lolo sa bagong uniform ng school na pinapasukan ko bilang isang kinder teacher. Napailing at pinigilan kong mapasimangot dahil tila isang inch na lang at aabot na sa tuhod ko ang haba ng palda pero dahil hindi iyon umabot maikli na para kay Lolo ang suot-suot ko. “Ang lolo ko talaga, kapag naman sobrang haba baka madapa ako. Saka Lo, tigil-tigilan nyo na ang kapeng barako, binawal na ‘yan sa inyo ng doktor eh.” “Kuu, lahat naman binawal sa akin ng doktor na ‘yon. Ano pang kakainin ko? Damo?” Nagsimula nang maglabas ng sentimyento ang lolo ko sa mga inumin at pagkaing ibinawal ng doktor niya dahil sa mga sakit niya. May diabetes at highblood siya idagdag pa ang tubig sa puso niyang ginagamot namin. “May pasok pa baa ng eskwelahan, anak? Mukhang hindi maganda ang panahon. Grabe ang ulan mula kagabi,” ani Nanay habang naghahanap ako ng magagamit na payong. Sinilip ko ang labas at ambon na lang naman ang meron. “May pasok pa rin ‘yan, Nay. Wala naman pong text galing kina Milet. Wala ring anunsyo sa tv.” “Paano ang gobyerno kulang na lang lumangoy ang mga tao bago nila maisipang mag-suspende ng klase. Akala yata robot kayo!” irita na namang saad ni Lolo na napansin kong nakakailang pandesal na kaya inginuso ko kay Nanay ang pandesal para itabi na gayundin ang peanut butter. “Aba Connie, hindi pa ako tapos kumain ah.” “Tay sosobra ka na naman sa matamis. Sige ka, dadalin ka na naman namin sa hospital ni Cons para maturukan ng insulin.” Umismid ang lolo ko at kukunin na sana ang kape niya na nasa kalahati pa ang laman pero inunahan ko siya at tinungga ko iyon. “Constancia!” “Lo, baka antukin ako sa klase. Salamat sa kape! Mauna na po ako.” Nagmano muna ako sa kanilang dalawa bago may pagmamadali nang umalis ako ng bahay. Nasa sampung minuto lang naman ang layo ng school sa bahay namin pero naisipan kong mag-tricycle dahil maputik ang daan. “Hi Cons, sakay ka na gusto mo?” nakangiting tinanggihan ko si Totoy at ang iba pang mga kababatang lalaki kong inaaya akong sumakay na sa mga motor nila. Mga manliligaw na noong una pa lang tinapat ko nang wala sa isip ko pa ang pagnonobyo. Kamalas-malasan nga lang ay puro may laman na pasahero ang tricycle kaya naglakad na lang ako. Limang minuto na akong naglalakad nang may dumaang kotse at sa bilis ng pagpapatakbo niya, nalubak siya at tumalsik sa akin ang putik na nadaanan ng gulong niya. Napanganga ako at minasdan ang beige kong palda at blouse na may mga malalaking mantsa ng putik. Pagtingin ko ay huminto ang kotse at bumaba ang lalaking matangkad at mestiso. Masungit ang awra ng mukhang minasdan niya ako at nilapitan. “I’m sorry for ruining your clothes. I didn’t mean to,” matatas niyang pag-iingles. Sa ayos at hitsura halatang may sinasabi siya sa buhay. Wala sa ugali kong mang-away at manigaw kaya kahit naiirita ako sa mantsa na iniwan niya sa bagong-bago kong uniform ay pilit akong ngumiti. “Ayos lang pero sa uli-uli magdahan-dahan ka pagmamaneho. Malubak ang daan at malapit ka rin sa eskwelahan baka makabangga ka ng mga estudyante.” “Noted. I’ll be careful from now on. But what would you do with your clothes? It’s ruin.” Minasdan ko ang suot-suot ko at alam kong wala akong ibang choice kung hindi ma-late at bumalik sa bahay para magpalit. “Babalik na lang ako ng bahay para magpalit.” Yumuko ako at hahakbang na paalis nang humarang siya sa daraanan ko. “Ihahatid na kita sa inyo, kasalanan ko naman kung bakit ka nadumihan.” Umiling ako at minasdan ang magarang kotse niya. “Hindi na madudumihan ko pa ang sasakyan mo, malapit lang naman ako.” “No, I insist. This is my fault after all.” Tiningnan ko siya at maihahalintulad ko siya sa mga artistang sa tv ko lang nakikita. Malalim kung tumingin ang mga mata niya, makapal ang kilay, matangos na ilong at manipis na labi— “Are you checking me out?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig siya at makita ko ang ngisi sa labi niya. Naramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi kaya yumuko ako at inismiran siya kahit ramdam ko ang kahihiyan sa ginawa kong pagtitig sa kanya. Sa pamimilit niya ay pumayag na rin akong sumakay sa sasakyan niya ngunit ingat na ingat akong huwag maitama ang dumi sa damit ko sa kinauupuan. “You should relax, ipapa-carwash ko rin naman ang kotse ko dahil puro putik na rin. So, saan ang bahay nyo?” Sinunod ko siya at sumandal na sa malambot na car seat. “Idiretso mo lang, kapag may nakita kang puting gate, doon ang bahay ko.” “I see, you’re a teacher?” Tumango ako at sinulyapan ang relo ko. Male-late na talaga ako. “So, anong grade ang tinuturuan mo?” “Kinder.” “I see, you like kids?” patuloy niyang pagtatanong at kung anong ikinabilis ng takbo niya kanina ay siyang ikinabagal niya ngayon. “Pwede bang bilisan mo nang onti? Male-late na kasi ako ‘eh.” “I thought you said magdahan-dahan ako?” Tumikhim ako at natahimik na lang. “Kidding. So, what’s your name?” “Constancia.” “Wow, ancient. Hulaan ko pangalan ng lola mo?” Hindi naman ako nainsulto sa sinabi niya kaya tumawa ako at tumango. “Oo.” “Same as mine, I’m Sancho by the way, galing din sa lolo ko. But I have a second name Alastair. Call me Alas, in short.” “Cons…ayon naman ang palayaw ko. Turista ka rito?” Tumango siya. “Yup. I’m here for a vacation, may nakapagsabing maganda ang mga island dito sa Isabela maging ang mga pasyalan. Too bad, masama ang panahon sa pagpunta ko but matatagalan naman ako rito, siguro naman hindi aabutin ng ilang buwan ang ulan dito?” Umiling ako at itinuro na sa kanya ang bahay namin. Inalis ko ang seatbelt at binalingan siya. “Bukas, makalawa gaganda na ang panahon dito sa Isabela. Welcome sa bayan namin, enjoy your stay here.” Ngumiti siya at naikuyom ko ang kamao ko nang maramdaman na tila may pumitik sa puso ko. “Thank you…see you around, Cons.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD