chapter 15

1590 Words
Pagdating ng mga babae tinawag ko 'agad sila papasok sa kuwarto. “Bakit 'andito tayo sa kuwarto? Is it important?" tanong ni Mau. “Yes! Hindi maganda ang pakiramdam ko para mamaya at isa pa, alam na nila Tito at Tita ang totoong tayo." “Akala ko ba ayaw mo pang ipaalam?"-Fritzia “May nangyari kanina na hindi maganda at sobra ang kaba ni Tita. Mabuti na lang at pumunta ako sa kanila." “Kaya pala hindi ka sumama sa amin! Tapos hindi mo sinabi na masama na ang kutob mo?" nagtatampo na sabi ni Via. “I can manage girls. I don't want to ruin your day. Pero mamaya I need you all, okay?" “What's the plan then?" tanong naman ni Cassy. Nag-uusap pa kami ng biglang kumatok si Nay Sali sa kuwarto. “Nandito na sila Franz Iha." “Nay pasabi po hindi po kami matutuloy sobrang sama po ng pakiramdam ni Pia eh," sabi ni Via. Akala namin umalis na sila pero hindi pala. “Hey baby what happen?" tanong ni Dark na binatukan naman ni Franz. “Aray ko Franz ha! Concern lang ako kay Pia, makabatok wagas?" “Bakit kasi may pa baby baby ka pa kasi nabatukan ka tuloy ng wala sa oras," natatawang sabi naman ni Brent. “What happen?" tanong ni Franz sabay lapit kay Pia. “Sobrang sakit lang ng ulo ko. Siguro dahil sa sobrang init summer na kasi." “Hindi kasi puwede kay Pia ang sobrang init aatake ang hika niya. Hirap siyang huminga 'pag hinika siya eh." paliwanag ni Cassy “Ang balak nga namin tatapusin na namin ang bakasyon namin." dugtong pa ni Via “Hindi problema 'yon marami naman ang kuwarto kina Franz eh and I'm sure walang problema kina Tita at Tito 'yon." sabi naman ni Orson. “Wala kasing Aircon dito kaya sa mansion na kayo tumuloy pansamantala." “Really Franz? Oh My God makakahiga na rin sa malambot na higaan." excited na sabi ni Via. “Nakakahiya kina Tito, Isa pa baka makaka abala lang kami sa inyo." sabi ko naman. “Hindi ko kayo aalukin kong hindi puwede kaya bumangon ka na diyan bago pa kita buhatin. Kami na ang bahala sa mga gamit niyo." “Sige na susunod na ako girls, kausapin ko lang si 'Nay Sali." Habang nag-aasikaso sila sa mga gamit pinuntahan ko naman si 'Nay Sali sa kusina at saktong Kasama nito si Mina. “'Nay, I have a favor po sa inyo ni Mina." “Ano 'yon Anak?" “Puwede po ba kayong lumuwas mo na sa Manila?" “Bakit po Ate ganda?" tanong ni Mina. “Mahirap ipaliwanag pero para ito sa inyong kaligtasan, so please po bukas po ako luluwas gusto kong sumama na po kayo sa akin at doon ko po ipapaliwanag Nay, Mina." pakiusap ko sa kanila. “May tiwala ako sa'yo Anak kaya Sige sasama kami bukas pagbalik mo sa Manila." “Salamat Nay, ako na po ang bahala sa school ni Mina. Doon po pala kami titira pansamantala sa mansion ni Franz Nay." “Sige Iha, mag-iingat ka palagi ah at palaging magdasal sa Dios para gabayan ka pa niya lalo." “Opo Nay, bukas po ng Umaga ang alis natin. Hindi ko po kayo masusundo para na rin po sa kaligtasan niyo kaya magkita na lang po tayo sa airport." “Pia let's go." tawag sa akin ni Franz. “Well go ahead Nay." Bago kami umalis sa bahay nagpaalam mo na ang mga kaibigan ko kay Nay Sali hindi pa nila alam ang balak ko bukas. Nakarating kami sa Mansion at nakita kong naabang na si Tito at Tita. “Alam na nila?" tanong ko kay Franz. “Yup! Tumawag ako para ipahanda sa mga katulong ang mga kuwarto na gagamitin niyo." sabi niya sa akin at tango lang ang isinagot ko. “Matutuloy pa rin pala ang inuman mamaya dito nga lang sa loob ng bahay." sabi ni Anton. “Oo nga! Mag movie marathon na lang kaya tayo?" sabi pa ni Orson. “Good idea, atleast 'di maboboring si Pia na manood sa atin." sabi naman ni Dark “So it's a deal then, mauna na ako sa taas para mamili ng papanoorin natin." Sabi naman ni Orson sabay takbo papasok sa loob ng bahay. “Hi Tita, Tito. Mang iistorbo po mo na kami ng mga kaibigan ko baka po kasi lumala ang hika ko." “Your verry welcome Iha pati na rin ang mga friends mo atleast magiging maingay na rin ang bahay namin ang tahimik kasi." sabi naman ni Tita sa amin. “Pasok na tayo sa loob para makapag hapunan na." yaya ni Tito sa amin. “Tapos na po kami Tito, nagluto po kasi si Nay Sali ng marami nakakahiya naman po kong hindi namin kakainin." “Mag dessert na lang tayo Iha." sabi naman ni Tita. “Sige po." sagot ko rito para 'di magtampo. “Mom mag mo-movie marathon po kami kaya dalhin na lang namin ang mga foods doon sa taas." “Hala sige , ang damot mo kay Pia," nakasimangot nitong sabi. “Mom! Baka kasi mabusog na kami eh iinom pa kami." “Asus, ang sabihin mo gusto mo lang makatabi sa upuan si Pia eh. Torpe ka naman Anak, ang bagal mo 'di ka gumaya kay Daddy mo." sabi ni Tita na sobrang ikinapula naman ng mukha ko. “Bahala ka na nga diyan Mom!" sabi ni Franz sabay hila sa akin paakyat sa hagdan." “Bilisan mo Anak ah sabik na kami sa Apo." sigaw ulit nito na ikinatawa ni Tito. Pagkapasok namin ni Franz sa movie room nagkakagulo na sila dahil nag uunahan sa pagpili ng aming papanoorin. Hay sa wakas 8pm kami pumasok sa movie room pero 10pm kami nakapanood ng horror movie. Habang seryoso sila sa pinapanood hindi naman ako mapakali kaya nagpaalam mo na ako na papasok sa kuwarto. Nakasalubong ko naman si Tita at Tito na papasok na sa kuwarto nila. “Doon po mo na kayo dumeritso sa library Tito, Tita mas safe po." pabuling kong sabi “Bakit Iha?" tanong ni Tita sa akin. “Sobrang dami po nila sa labas ng mansion at wala kayong mga tauhan na nagbabantay sa gate niyo." “s**t! Bakit ngayon pa kong kailan paalus pa lang ang mga tauhan ko sa Manila upang magbantay rito." Galit na sabi ni Tito. “Ako na po ang bahala sa ngayon. Kaya please po sa safe po mo na kayo pumunta at yayain mo ang mga kasama ko at magdahilan na lang kayo." “Ikaw lang mag-isa ang kikilos Iha? tanong ni Tita sa akin na nag-aalala ang itsura. “As of now Tita, alam na ng mga kaibigan ko na may emergency kaya please po make it faster." “Mag-iingat ka Iha at pati na rin kayong magkakaibigan," tango lang ang isinagot ko kay Tito samantalang niyakap naman ako ni Tita. This is it ang nakaka exciting na labanan. May pinindot ako pang alarm code na tanging kami lang ng mga kaibigan ko ang may alam. "Let's get it on!" sabi ko sa sarili ko sabay bunot ng katana at baril na maliit at hindi basta-bastang bala lang ang nilalabas nito dahil may mga lason din ang mga bala ko. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko at sinenyasan sila na nakuha naman 'agad nila ang pinapahiwatig ko. Pagbukas ko sa gate may Lima ka agad akong naka laban may mga samurai sila at katana kaya doon pa lang alam kong mga assassin's sila. “F*ck Pia mga assassin's sila at ang dami nila." sabi ni Via sa akin na nasa likuran ko lang pala. “I know pero mas magaling pa rin ako sa kanila," Sabi ko rito sabay bato ng katana na nakuha ko sa napatay kong kalaban." “Hindi na talaga maalis sa systema mo 'yang kayabangan mo. Bahala ka na nga diyan." Dahil malakas ang pakiramdam ko lalo na sa gabi naging madali sa akin ang paglaban. Shit muntikan pa akong tamaan doon ah mabuti na lang at naka ilag ka agad ako. Sa tingin ko mga 50 ang mga assassin's ang sumugod ngayon. May nakita akong papasok na sa loob ng bahay kaya dali-dali akong tumakbo pabalik. Binaril ko ito at tinamaan sa ulo. Akala ko siya pa lang ang papasok sa loob pero pagkapasok ko may mga nauna na pala. Shit 'asan ang mga babaeng 'yon sabi ko dito lang sila malapit sa pinto. Mga limang assassin's na ang napatay ko sa loob ibig sabihin kong nahuli ako sa pagbaba kanina baka napahamak na sila ni Tito at Tita. F*ck nadaplisan pa ang braso ko ng katana. Dahil malapit lang ito sa akin tinakbo ko ito ng mabilis at nilabanan ng mano-mano. "Punyeta ka bakit mo pinatama sa maganda kong braso ang katana mo?" sabi ko rito habang nakikipaglaban. Hinawakan ko ito sa leeg at pinilipit na naging dahilan ng pagkamatay nito. Inikot ko ang bawat kuwarto pero wala na akong nakita. Hanggang sa buong mansion na ang naikot ko. Ibig sabihin kakapasok pa lang nila rito sa loob ng bahay. Paglabas ko sa bahay nakita ko na rin ang Apat na papalapit sa akin. “Done and clear," sabi ni Via. “Paano ang mga bangkay?" tanong ni Cassy. “Papunta na rito ang mga tauhan ni Tito, malapit na raw sila." sagot ko rito. “Napagod ako ang dami nila." reklamo ni Mau. Napaupo na lang kami sa damuhan upang makapagpahinga. Bahala na bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD