Pasado alas 2 ng madaling araw dumating ang mga tauhan ni Tito kaya bago mag-umaga nalinis na ang mga dugo at naalis na rin ang mga bangkay.
Ganoon pa man kahit pagod at puyat bumangon pa rin ako ng maaga dahil nga paalis ako pa Manila. Panatag naman ako kahit papa-ano dahil may nadagdag na tauhan dito.
Nasa hagdan pa lang ako ng sinalubong ako ni Tita at Tito.
“Ang aga mo 'atang nagising Iha! Alam namin na pagod ka." sita sa akin ni Tita.
“May importanteng lalakarin lang po ako Tita."
“Mag-almusal na mo na tayo Iha!" yaya sa akin ni Tito na pinagbigyan ko na lang total 6:30am naman ang usapan namin ni 'Nay Sali.
“Napanood namin sa CCTV ang pakikipaglaban niyo Iha, talagang hindi nagkamali si Mr. Valdez na kayo ang ibinigay niya sa amin." sabi ni Tito na ikinahiya ko naman.
“Ginagawa lang po namin ang trabaho namin Tito. Kaya namin ibuwis ang buhay namin para sa tungkulin namin. Pero hindi naman po ako papayag na matigok baka po kasi 'pag nangyari 'yon mababawasan na ang maganda sa mundong ibabaw," sabi ko sa kanila ng seryoso pero nagulat na lang ako dahil tumawag sila ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Bulong ko sa sarili
Magpapa-alam na sana ako sa mag asawa ng biglang sumulpot si Franz at Anton.
“Mom, Dad, Mine, nalasing ba kami kagabi at tulog na tulog kami?" tanong sa amin ni Franz.
“Impossible naman 'yon Pare hindi naman tayo nalalasing sa ganoong klaseng alak." sabi naman ni Anton.
“What mga Anak, tinulugan niyo pala ang mga bisita?" tanong kun'wari ni Tita na parang walang ka-alam alam sa mga nangyari. Atleast 'di na ako mahirapan mag explain.
“Wala po akong maalala Mom! Nagising na lang ako ng nasa kuwarto ko kaming lahat na nakatulog. Hindi ko nga maalala kong paano kami nakarating doon."
“Iba talaga ang nagagawa ng alak Anak. Pero nakakahiya kayo sa mga bisita niyo." pagalit na sita pa rin ni Tita na akala mo totoo sa galing nitong umarte.
“s**t malapit na mag 6am. Tumayo na ako ulit sa upuan at magpapa-alam na umalis. Tita, Tito, Franz, Anton mauuna na ako sa inyo at may lalakarin pa ako."
“Samahan na kita?" sabi ni Franz.
“Hindi na babalik din ako ka agad," kaya bago pa ito tumutol nagmadali na akong tumalikod pa alis."
Habang papuntang airport tinawagan ko si Boss para magpadala ng private plane dahil kailangan kong makabalik ka agad dito.
6:15 dumating si 'Nay Sali at Mina at 6:50 dumating naman ang private plane ni Boss.
45mins ang biyahe Manila to Tacloban kaya medyo naka idlip pa ako ng ilang minute sa biyahe.
Ginising na lang ako ng Pilot dahil nag landing na kami sa itaas ng building sa opisina namin.
“Thank you kuya," pasalamat ko sa piloto.
“Let's go 'Nay Sali, Mina. Saan mo gusto 'Nay sa bahay o sa condo ko?"
“Sa bahay na lang ninyo Iha, na mi-miss ko na ang Mommy mo. Isa pa baka ma boring lang kami ni Mina sa condo mo.
“Kayo po ang masusunod Nay, pakihintay na lang po ako rito sa lobby 'Nay kakausapin ko lang saglit ang Boss ko."
Papasok na sana ako sa opisina ni Boss ng sakto naman na papalabas na ito.
“Hey Boss! Miss me?"
“Pia 'wag mo akong umpisahan ganitong nagugutom na ako. Report!"
“Ang suplado mo Boss kaya wala kang jowa eh!" sabi ko rito na ikinalilisik naman ng kaniyang mga mata.
“Pia baka gusto mong kainin kita ng buhay?"
“Huwag Boss 'di tayo talo. Sayang virginity ko kong sa'yo ko lang ibibigay!"
“Pia! Kailan ka ba nakausap ng matino? Maubusan mo na ako ng dugo sa'yo bago ka maka usap ng matino!"
“Edi sana matagal ka nang Patay Boss di ba?" sabi ko sa kaniya with matching peace sign. Baka kasi mabato na ako nito ng flower base na nasa harap niya.
“Serious mode na ako Boss. Gaano karami ang kalaban namin?"
“Sobra! Sa isang pamilya 2 or 3 grupo. Ang iba mga madali lang sa inyo pero ang iba mga magagaling na assassin."
“Bakit kasi Boss hahawakan namin silang lahat? Bakit 'di niyo bigyan ng proteksyon bawat pamilya?" reklamo ko rito.
“Lima sila, Lima kayo, anong problema roon? Edi pagtag-isahan niyo! Minsan ginagamit ang utak Pia hindi lang ang ganda."
“Ganoon Boss? Try mo kayang paghiwalayin sila para kaniya-kaniya kaming laban di ba?"
“Problema niyo na 'yon Pia 'wag mo na akong idamay diyan. Sa rami ng problema ko pati 'yan largo ko pa?"
“Ay wow Boss! Ikaw kaya ang nagbigay ng problema sa amin! Kaya whether u like it or not kasali ka rito. Isa pa 'wag masyadong seryoso sa life Boss malapit ka nang mapanot," sabi ko rito sabay alis.
“Bye Boss!"
Habang naglalakad ako naisip kong lumakas at mag imbestiga sa pamilya nila Anton.
Doon ako magsisimula. Bukas na ako ng Umaga babalik sa Baybay.
“Tara na po 'Nay."
“Dito ka pala nagtatrabaho Iha? Ano ba ang trabaho mo rito?"
“Maliban sa pagiging sikat na Modelo 'Nay, Isa rin akong Agent pati na rin ang mga kaibigan ko."
“Talaga Ate? Ang astig mo naman po!" sabi ni Mina sa akin na ikinangiti ko lang.
“Daan po mo na tayo sa office ko may kukunin lang ako."
Habang nasa daan kami lahat ng mga nakasalubong namin ay bumabati sa akin.
“Kilala ka nila rito Ate? tanong ni Mina na napalakas ang boses kaya narinig ng mga nakasanayan namin.
“Si Ate Pia mo ang nangunguna sa pinakagaling dito. Kaya ginagalang siya ng lahat." sabi ng katabi ni Mina sa gilid at kasabay namin sa paglalakad.
“Ang galing ni Ate Pia ko pala!"
May kinuha lang akong papeles sa opisina bago kami dumiretso sa bahay.
Nagulat at naman si Mommy at Daddy sa biglang pagdating namin. Kaya ayon nag-iyakan sila.
Iniwan ko na sila at nagmadaling umalis ng walang paalam sa kanila.
Nakarating ako sa bahay ni Anton at nagmamatyag sa paligid. Nasa itaas ako ng Puno sa kabilang kalye kaya hindi nila ako mapapansin dito.
Sa may ikalawang kanto may nakita akong nakaparadang magarang sasakyan na naka parada.
Dali-dali akong bumaba sa Puno at kun'waring dadaan lang sa gilid ng kotse sabay dikit ng maliit na bagay o spy cam para makita at marinig ang nagsasalita na malapit dito.
Bumalik ulit ako sa itaas ng Puno at tinitingnan ko sa cellphone ko ang nasa loob ng kotse.
What are doing there magandang binibini? Sana hindi ka kaaway dahil kong sakali mababawasan ang magaganda rito sa mundong ibabaw.
Maya-maya pa nag ring ang cellphone nito. Got yah!
“Hello Dad! Ilang araw na akong pabalik balik dito pero Wala pa rin si Anton. No Dad! Huwag mong sasaktan si Anton mahal ko po siya. Kaya nga ako ang nagtyatyagang magbantay rito nang hindi siya masaktan ng mga tauhan mo eh."
Sabi nang babae na binagsakan 'ata ng cellphone sa kabilang linya. Nakita kong umiiyak ito. Mahal niya siguro talaga si Anton.
Sa ngayon hindi pa masyadong dilikado ang buhay ni Anton dahil kahit papa-ano may babaeng po-protekta sa kaniya.
Babalik na mo na ako sa mansion upang magpaliwanag kay Mommy at Daddy baka itakwil na nila ako biglang Anak.