CHAPTER 10

1805 Words
"I guess they are not the only ones whose death is unknown" Nagkatinginan kaming mag kakaibigan sa sinabi ni Xian. Say what? What did he mean by that? "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ron. Bumuntong hinga muna ito at kinuha ang kanyang cellphone. Hiniram niya ang laptop ni Ron at isinaksak ang kanyang phone sa USB nito. Makalipas ang ilang minuto ay iniharap niya ito sa amin. Isang picture ng lalaki na duguan, may nakatarak na kutselyo sa kanyang noo at may bula sa bibig nito, nakadilat din ang mata ng lalaki. This way of killing is so familiar, ganitong ganito ang hitsura nina Mr. Caballes at Ms. Ajero! Nagtatakang tiningnan ko si Xian. "Sino 'to?" I asked "That's Mr. Zobero. Chemistry teacher of my previous school. He died 1 year ago, 1 kilometer away from Bright High. Sinusubukan kong lutasin ang misteryo sa pagkamatay niya ngunit kapag malapit na akong makakuha ng impormasyon o clues sa pagkamatay niya ay palagi nalang dead end ang napupuntahan ko. A month ago may na tanggap akong mga death threats, sinasabi ng nagpapadala nito na dapat ay tigilan ko na ang pag iimbistiga kung hindi ay buhay ko na ang kapalit. Hindi ko ito pinansin at mas lalong hinalungkat ang kaso dahil pakiramdam ko may mas malaking sekreto sa pagkamatay ng aking guro, kasi kung wala lang ito, bakit may mga death threats akong natatanggap? Ngunit noong nakaraang linggo ay muntik na akong mabawian ng buhay. Sunod sunod ang pag atake sa akin kaya alam ko na hindi nag bibiro ang kung sinuman ang nagpapadala ng death threats sa akin. Kaya napagpasyahan ko na lumipat ng paaralan. Balak ko sana muna na mag lie low, elalayo ko muna sana ang aking sarili sa mata ng kriminal. Ngunit hindi ko inaasahan na makakatagpo ako ng kaparehas  ko, na naghahanap rin ng mga kasagutan na pilit ikinukubli ng salarin." Mahabang paliwanag ni Xian sa amin. Natahimik naman kaming lahat sa narinig. So hindi lang sa school na ito ang may namamatay? This case is getting complicated. Pinagmasdan kong mabuti ang litrato ng biktima. Binasa ko ng maigi ang impormasyon na ipinakita niya, kalaunan ay may napansin ako. Isasatinig ko na sana ito ng maunahan ako ni Jin. "Hindi ninyo ba na papansin ang pag kakapareho ng identity at pagkamatay nila?"Tanong ni Jin sa amin. Tumayo ito at kinuha ang mga litratong nakalap namin, simula sa kaso ni Mr. Caballes hanggang sa lirato ng dating guro ni Xian. Pumunta siya sa whiteboard at pinag dikitdikit ang mga ito. "These three has a common way of killing and has a common clue. First, parehong natapuan ang isang bottones sa lugar ng crime scene, same button, same design. Second, they are all a chemistry teacher. Different schools but hindi natin pwedeng isantabi ito." Tumango kami sa sinabi ni Jin. Napatingin ako kay Dale na nag taas ng kamay. Ito na naman ang ugali niya na parang nagrerecite lang sa klase. "Saan ba kadalasan matatagpuan ang mga chemistry teacher?" He asked Nagkatinginan naman kaming lahat sa sinabi niya. A smirked formed into our lips. "Laboratory" We said in unison. Nakakitaan ko na ng pag-asa ang kasong ito. Hindi kaagad namin naisip iyon noong nagdaang taon dahil wala namang ibang guro ang namatay sa paaralang ito, not until now. "Alam nating lahat kung ano ang ginagawa sa isang laboratory, ang hula ko ay may nalalaman ang mga biktima na hindi dapat malaman ng ibang tao kaya maagang natapos ang kanilang buhay. Kailangan lang natin malaman kung ano ito." Sabi ni Xian. Tumango kaming lahat sa kanyang sinabi. Hindi man ganuon kalayo ang nalaman namin ngayon ngunit nakakitaan ko ng progress ang kaso na matagal ng na stock sa folder namin. Hindi katulad nang nagdaang taon na wala man lang kaming lead maskin kaunti. Narinig namin ang tunog ng bell hudyat na kailangan na naming pumasok sa aming afternoon class. Sabay sabay kaming tumayong anim. "That is all for today, magkita-kita nalang tayo bukas. Wag nalang muna tayong mag kita mamaya dahil alam kong pagod kayo kakaisip. E relax muna natin ang ating mga utak. Kailangan din natin mag chill minsan." Ngiting sabi ko sa kanila. Bigla namang humagalpak ng tawa si Dale. Nababaliw na ba siya? "Alam mo pala ang salitang Chill Jennie? Galing pa talaga sayo yan ah?" Binatokan naman ito ni Tim kaya nakasimakot itong humarap sa kaibigang babae. Mag aaway na naman 'yang mga 'yan panigurado. "Para saan 'yon?" reklamo ni Dale "Ano ba kasing akala mo sa best friend ko? Hindi marunong mag relax? E kung piktusan kaya kita dyan?" S8gaw ni Tim kay Dale "Oh sige! Lumalaban ka nang pandak ka ah?" Bwelta naman pabalik ni Dale. "Nakooo Dominique! Fight me!" Naka pamewang pa na saad ni Tim. Natawa na lang kami sa kanilang dalawa, kahit kailan talaga. Umawat na si Ron sa dalawa at hinila ito palabas ng room. Ako ang na aawa dito kay Ron, siya palagi ang taga awat at minsan eh nadadamay pa sa kalokohan ng dalawang kaibigan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Xian, tinaasan ko ito ng kilay habang nginisihan naman niya ako. Anong tinitingin tingin nito sa akin? Alam kong maganda ako, hindi lang halata :3 "Oh! Mukhang may staring contest pa kayong dalawa ah? Tigilan ninyo 'yan dahil baka ma late na tayo sa klase. Let's go princess." Biglang awat ni Jin. Hinila na ako palabas ng aking kambal kaya hindi na ako nakapag reklamo. Sumunod naman si Xian sa amin at ni lock muna ang pinto bago tuluyang umalis. Mahirap na at baka may makapasok pa doon. "What do you think about Xian?" My twin asked "What about him?" I replied "Sa tingin mo mapagkakatiwalaan kaya siya?" Tanong niya sa akin. Napa-isip naman ako sa sinabi ng aking kakambal. Mapagkakatiwalaan nga ba namin ang lalaking iyon? "Walang dahilan para mag duda tayo sa kanya Ivan. At saka pinsan siya ni Andre, hindi naman tayo ipapahamak ng kaibigan nating iyon. Ang dapat na huwag nating pagkatiwalaan ay ang mga taong nakapaligid sa ating anim. Maging ang mga pulis. Kasi kung iisipin nating mabuti, parang may mali sa paaralang ito at saka kung walang tinatago ang kapulisan ay dapat madali lamang para kay Ron na makakuha ng impormasyon." Paliwanag ko sa kanya. Hindi niya na na sagot aking sinabi dahil nakarating na kami sa harap ng aking silid aralan. Hinarap ko naman si Jin at hinawakan ang kanyang kamay. Kanina ko pa kasi na papansin ang pananahimik nito. Na bobother ako. "Kanina ko pa na papansin ang pananahimik mo. Let me know if you have problem okay? And please don't worry too much. Mas lalo kang pumapangit dahil sa sobrang kunot ng nuo mo." Biro ko sa kanya. Tumawa naman ito sa aking sinabi at ngumiti. Sa wakas! Hirap nya pangitiin ah? Tsk. Baka sobrang na stress niya lang sa pangyayari. Ang hilig pa naman mag overthink nito. "Opo. Huwag kang mag alala ayos lang ako. Pamilyar lang sa akin si Xian kaya kanina pa ako walang imik, iniisip ko kung saan ko siya nakita. Sige na princess pumasok ka na. Paparating na ang teacher ninyo." Nginitian ko sya at nagpa alam na. hinalikan nya muna ang aking noo bago tuluyang umalis. Papasok na sana ako nang makita kong nakasandal sa gilid ng pintuan si Xian. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Problema na namin nito? "Oh, bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong ko sa kanya. Hindi ito umimik at tuluyan nang pumasok sa aming classroom. Nagkibit balikat na lamang ako at sumunod sa kanya. Saktong pagka upo ko ay pagkapasok naman ng aming guro sa math. Isinubsob ko na lamang aking ulo sa desk nang marinig ang sinabi nya. Ibinalita niya sa lahat ang pagkamatay ni Ms. Samantha. Bakas sa mukha ng aking mga kakaklase ang lungkot. May iba pang napa luha sa nalaman. Hindi na nagtagal pa ang prof namin at lumabas narin ito, hindi niya pa siguro kayang magturo. Mukhang malapit sila ni Ms. Samantha dahil bakas sa kanyang mukha ang labis na sakit at pighati. Tumingin ako sa labas ng bintana at napakunot ang aking nuo nang makita na naman ang mga grupo ng estudyante na nag kakagulo sa field. "So, uso rin pala ang mga ganyan sa school ninyo?" Nilingon ko ang aking katabi dahil sa tanong niya. "What do you mean by that?" I asked "Sa Bright High kasi ay nag kalat na rin ang mga gangs at frats, may iba pa na namamatay. Hindi ko naman sila magalaw dahil nag iisa lamang ako ngunit may iba din na napapaki alaman ko ng hindi sinasadya kaya minsan ay napapa away ako. kaya ganun ang unang pag kikita natin dahil sa mga kolokoy na gang na iyan." Turan niya Na alala ko ang unang pag kikita namin. Kaya pala nasangkot siya sa ganoong gulo. Akala ko pa naman drug p****r siya kaya kinorner. Napaka antipatiko kasi ih. Tsk! "Sabi rin sa akin nina dale ay may mga estudyante rin daw na namamatay sa school na ito. Hindi ko alam ang iba pang detalye dahil hindi naman kami nag dodorm dito ni Ivan" Sagot ko sa kanya. Sumeryoso naman bigla ang kanyang mukha, tila nag sisimula na namang lumalim ang iniisip nito. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa nang bigla nya akong tanungin. "Sa tingin mo, konektado rin kaya ang mga nangyayari dito at sa dati kong school? Kung tutuosin ang Bright at Illustrious High ay magkakapatid na paaralan lang kaya hindi malabong mangyari iyon" Sabi niya. Napa isip naman ako sa kanyang tinuran. May posibilidad rin na totoo ang hula niya. "Possible ang mga sinabi mo, ngunit hindi pa rin tayo pwedeng basta-bastang mag espectakola sa mga bagay na iyan lalo na at wala tayong nakikita na ebedinsya na pwedeng e konekta sa kasalokoyang kaso na hinahawakan natin." Sabi ko na lang. Tumango naman ito sa aking sinabi. Marahil na isip niya na mayroon akong punto. "Indeed, mas mabuti sana kung dito rin kayo ng boyfriend mo nag dodorm sa school upang makapag imbistiga tayo. Alam mo na lumalabas ang mga halimaw pag gabi." Ngising turan niya. Napangisi naman ako sa kanyang sinabi. Sang ayon ako roon. Ngunit sinong boyfriend ang sinasabi nya? Never pa nga akong nagka boyfriend ano! Hindi ko nalamang ito pinansin pa dahil baka nag ka mali lamang siya ng bigkas. Napbuntong hininga na lamang ako. Kailangan ko na talagang kombinsihin sina mommy at daddy tungkol sa bagay na ito. "Mukhang kailangan ko na talagang kombinsihin sina mom at dad na dito na ako sa school mag dodorm upang mas makapag imbistiga ng maigi." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang makita siyang ngumiti sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. What the! That was the first time I saw his smile! What the fuvk is wrong with you heart?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD