CHAPTER 9

1916 Words
"She's dead." Hindi ko mapigilan ang mapapikit nang marinig ko ang sinabi ni Xian. Is Ms. Samantha really dead? H-how? B-bakit? "Oh my god!" "Shyt!" "Damn!" Rinig kong komento ng aking mga kaibigan na katulad ko ay nagulat at hindi rin makapaniwala sa nakita at nalaman. Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa buong banyo, nagbabakasakali na may makita akong clue kung sino ang gumawa nito sa aming guro. Damn! Sa lahat ng pwedeng patayin, bakit si Miss pa? Napakabata pa nito para mamatay! Kumunot ang aking nuo nang may makita akong pamilyar na butones sa sahig, malapit lang ito sa kamay ni Miss Samantha.  Mukhang hindi lang ako ang nakakita nito dahil nang akma ko na itong kunin ay naunahan ako ng isang kamay. Pagka angat ko ng tingin ay nakita ko si Jin na seryosong seryoso ang mukha. "It's the same button." Napakunot ang nuo ko sa narinig. The same button? What's the same? Nagtataka kung kinuha ang butones sa kamay niya. Pinagmasdan ko itong mabuti. Totoong pamilyar ang butones na ito, hindi ko lang ma alala kung saan at kailan ko ito nakita. Hinalungkat ko ng mabuti ang aking memorya, nagbabakasakali na makita ko kung saan, kailan at paano ko ito nakita, sobrang pamilyar talaga ng bagay na ito, pakiramdam ko kailangan kong malaman saan ko ito unang nakita upang malaman ko ang totoong nangyari kay Miss, minuto ang nakalipas pero hindi ko talaga ma isip kung saa---ah! I remembered! "Nakita din natin ang ganyang butones noong namatay si Mr. Caballes" Tumango ako sa sinabi ni Ron. Tama! kaya pala pamilyar sa akin ito dahil minsan na namin itong nakita sa unang kaso na hinawakan namin. Sa kaso ni Mr. Caballes. "Is there a possibility na iisa lang ang killer ni Sir Caballes at Maam Ajero?" Rinig kong tanong ni Tim. "Possible pero wag muna tayo agad mag jump into conclusion, dahil baka ma mislead natin ang imbistigasyon. Iimbistigahan muna natin ito bago pa dumating ang mga pulis. Let's spread out and find a clue. Tanungin niyo na rin ang mga kasama ng biktima baka isa sa kanila ang pumatay." Saad ni Jin. Sinunod naman kaagad namin ang sinabi niya at nag kanya kanya na ng pwesto. Nakita kong lumabas ng Restaurant si Ron habang si Tim at Dale naman ay lumapit sa mga staff ng resto at kasamahan ng biktima. "Pupunta ako sa likuran baka doon dumaan ang killer" Paalam sa akin ni Jin. Tinapik ko ang kanyang balikat. "Mag iingat ka." I said. Tinangoan lamang niya ako at umalis na. Nanatili kaming dalawa ni Xian sa banyo. Sinuri ko ng mabuti ang bangkay ng aming guro, mula ulo hanggang paa. Habang ginagawa ko iyon ay nag libot libot naman si Xian sa paligid. Pinagmasdan ko ang dilat na mata ni Miss Samantha, hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Kanina lang ay nakita ko pa siya sa school na nakikipag kwentohan sa kapwa guro niya, ngayon ay naka handusay na siya sa aking harapan at wala ng buhay. "Look." Tawag pansin ni Xian. Nilapitan ko naman kaagad siya. May itinuro siya sa akin kaya sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay at nanlaki ang mata ko sa nakita. Agad ko naman itong kinuhanan ng litrato. Malaking bagay na ito. "DG" basa ko sa nakasulat na dugo sa sahig hindi kalayuan mula sa pinaglalagyan ng biktima. Paniguradong sinulat niya ito bago siya namatay. Nilibot kong muli ang aking paningin sa kabuoan ng banyo. Hindi kakikitaan ng panlalaban ang biktima dahil walang bakas ng kalmot o dugo ang ibang parte ng cubicle na ito. Maliban nalang sa distansya ng sinulat na letra gamit ang dugo, hula ko ay dito unang bumagsak si Miss Samantha, na sulat pa niya ito bago siya hilahin ng kriminal. Paniguradong isa itong surprise attack. Mukhang nakilala ng biktima ang salarin kaya naisulat nya ito bago paman nawalan ng buhay. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi man lamang siya nanlaban o sumigaw? Gayong maririnig naman sa labas kung sakaling humingi siya ng saklolo. Maaari kayang alam niya na, na may mangyayari sa kanyang ganito? Nalunod ako sa sobrang pag-iisip kaya hindi ko na namalayan na pumasok na pala ang kapulisan sa banyo. "Kayo na naman? Bakit ba kapag may nangyayaring krimen ay lagi kayong present?" Napatayo ako sa narinig na boses. Here comes the annoying officer. Napakunot ng nuo si Xian sa narinig at tumayo na rin mula sa pagkaka-upo. Lalabas na sana kami ng banyo nang biglang bumanat na naman si SPO1 Alvarez. "Kita mo nga naman! Nag sama-sama na  ang mga batang nag fefeeling Sherlock Holmes. Long time no see Cy! Anong nangyari sayo't ngayon lamang ulit kita nakita sa mga ganitong pangyayari? Ang akala ko naman ay nag retiro ka na sa pangingi-alam ng buhay ng iba, ayon naman pala at nakipag sabwatan ka na dito kina Hamilton." Mahabang bwelta ni Alvarez. Nginisihan ni SPO1 Alvares si Xian habang seryoso lamang ang mukha ng kaharap. Mukhang kilala ng police na ito ang bagong myembro namin. Hindi na ako magtataka dahil na rin sa narinig ko mula sa pinsan niya, hindi malabo na sanay na itong makaharap ang mga pulis. "It's very nice to see you too SPO1 Alvarez. Now, if you'll excuse us." Bored na wika ni Xian. Napangisi nalang ako ng nilagpasan lang ni Xian ang kaharap na Pulis. Nasaksihan ko kung paano sumama ang mukha ng officer habang nakatingin sa papalayong si Xian. Ano ka ngayon? Nganga ka sir? "Oh ikaw Hamilton? Wala ka rin bang balak na umalis? O gusto mong isama pa kita sa presento?" Sigaw sa akin ng officer. Inirapan ko lamang siya at nilagpasan ito. Rinig ko pa ang bungisngis ng kanyang kasamahan sa inakto ko. Sanay na sila sa ka malditahan ko, hindi ako tuta na napapaamo sa pa sigaw sigaw niya. Duhhh Pagkalabas ko sa banyo ay nilapitan ko ang aking mga kaibigan na ngayon ay seryoso na ang mga mukha. Ang kaninang masiglang si Tim ay bigla nalang naging matamlay maging si Dale ay mahahalata mo na malalim ang iniisip nito. Maloko man ang dalawa kong kaibigan pero pag dating sa mga kaso ay hindi nila ito ginagawang biro lalo na't hustisya para sa taong namatay ang aming maibibigay kung sakaling mahuli namin ang salarin. "Let's go back to the Clubroom first, let's discuss there everything we gathered here." Tumango lang kami sa sinabi ni Jin at walang imik na lumabas sa resto. Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating sa Clubroom. Ilang minuto na rin kaming tahimik at nag iisip lang sa loob ng room, hanggang sa binasag ko na ang katahimikan. Walang mararating ang pananahimik namin. Kailangan naming alamin kung konektado ba ang pagkamatay ng dalawa naming guro o hindi. Kung konektado man ay ano ang dahilan? Mahigit dalawang taon naming hinanap ang salarin sa pagkamatay ni Mr. Caballes, ngunit wala kaming mahanap hanggang sa nagparamdam na naman ito ngayon. "I know that we are all in shocked right now, but we need to figure out how Ms. Samantha died and who the culprit is, as soon as possible. I have a bad feeling about this case" Seryosong saad ko. Tumango naman sila sa aking sinabi. "Let's share information shall we? Ano ang nakalap ninyong impormasyon kanina?" Dagdag ni Jin. Sumeryoso lalo ang mukha nina Dale at Tim, mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin nila. "Tinanong ko ang waiter na nag serve sa lamesa ni Ms. Samantha kung meron ba silang napansin na kakaiba sa grupo nina Miss. Wala naman daw at mukhang nagkakatuwaan pa nga ang mga ito nang inabot niya ang kanilang orders. Narinig pa daw niya na mukhang nag paplano ang magkakaibigan para sa kasal ng isa sa kasamahan nila" Saad ni Dale. Tumango-tango naman kami sa sinabi ni Dale. Sunod na nagsalita ay si Tim. "Tinanong ko rin isa-isa ang mga kasama ni Ms. Samantha. Napag alaman ko na mga dati niya itong kaklase sa koleheyo. Nagtipon-tipon daw sila sa restaurant na iyon dahil ikakasal na daw ang isa nilang kasama, mahigit isang taon na rin daw ang nakalipas nang huli silang nag kita, bali iyon na ulit ang panahon na nag kitakita silang magkaklase" Seryosong saad ni Tim. Hmmm... In short, chismoso ang waiter ma 'yon. "Mga anong oras umalis ang biktima sa grupo? Hindi ba at kasamahan niya ang unang nakakita sa bangkay?" Tanong ko. "Ang sabi nila ay patapos na daw silang kumain nang may biglang tumawag sa biktima at nag paalam ito na pupunta lang saglit ng banyo. Mahigit sampung minuto ang nakalipas ay hindi pa rin daw bumabalik ang biktima kaya sinundan na ito ng isa nilang kaibigan at nakita nalang daw niya ang katawan ni Ms. Samantha na nakahandusay sa sahig, duguan at wala ng buhay." Paliwanag ni Tim. Pagkatapos mag paliwanag ni Tim ay nabalot ulit kami ng katahimikan. Na lunod na naman sa kanya-kanyang iniisip. "Wala bang nakita sa CCTV na may ibang pumasok sa banyo bukod sa biktima?" Rinig kong tanong ni Jin. Tiningnan naming lahat si Ron ngunit tanging iling lamang ang isinagot nito sa amin. "I Checked every CCTV in the vicinity pero wala akong makita na ka hina-hinala. Noong pumasok ang biktima sa banyo ay wala nang iba pang pumasok na tao, hanggang sa natagpoan ang kanyang bangkay. Wala rin akong nakitang lumabas sa mga oras na iyon." Pagkarinig ko pa lamang sa sinabi ni Ron ay mas lumakas ang hinala ko na konektado nga ito sa pagkamatay ni Mr. Caballes. Same patern of killing. At parehong walang tao sa lugar ng krimen. Walang traces na makikita na may kasama ang biktima sa pinangyarihan ng krimin at wala ring makuhang ebedinsya. May inilapag si Jin sa mesa kaya tiningnan ko ito. A cellphone. "Nakita ko ito sa likod ng restaurant. Ito ang phone ni Ms. Samantha." Sad niya. Nabuhayan ako ng loob sa narinig. Marahil dito na kami makakakuha ng sagot sa ilan naming katanungan. Mag tatanong na sana ako ng maunahan ako ni Jin. "Pero." Bitin na dagdag niya "Wala nang laman ang phone na iyan, pagkabukas ko n'yan ay na bura na lahat ng data at apps. Maging mga messages at calls ay wala narin. Palagay ko ay nilinis muna ito ng salarin bago ito itapon." Mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Dead end na naman ba? "Ron? Baka pwede mong ma retrieve ang laman ng phone na ito?" Tanong ko kay Ron. "Susubukan ko. Give me until tomorrow" Sabi niya sa akin at kinuha na ang cellphone sa mesa. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, ipinakita ko naman sa kanila ang bottones na natagpoan namin ni Jin kanina sa banyo. "Is that the same button ng matapoan ang bangkay ni Mr. Caballes?" Tanong ni Dale Tinanguan ko naman siya. "So malaki talaga ang posibilidad na konektado ang pagkamatay ni Ms. Samantha at Mr. Caballes base na rin sa pattern of killing at sa ebidensyang ito." Kombinsidong saad ni Tim. Tumango lamang kaming tatlo sa kanya. Habang pansin ko naman ang pagkabalisa ni Xian. Kanina pa ito tahimik at para bang napaka lalim nang iniisip. Tinapik ko ng bahagya ang kanyang balikat upang makuha ang kanyang atensyon, unang tapik ay mukhang hindi pa niya ito na pansin. Tinapik ko syang muli at sa wakas ay lumingon na ito sa akin. "Care to share your thoughts?" I asked. Bumuntong hininga muna ito bago tumingin sa aming lahat. "I guess, they are not the only ones whose death is unknown." Nagkatinginan kaming mag kakaibigan sa kanyang sinabi. Say what?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD