CHAPTER 35---Where Is Jel?

2002 Words
“Jennie Ellise Lavander Hamilton,in front of our friends and your family, I'm officially asking you,  Can I court you?” tanong n’ya sa akin habang nakapaskil ang isang napakagandang ngiti sa kanyang labi. Hindi makapaniwala ko syang pinagmasdan. Court? As in ligaw? For real? Wait, bakit? Paanong? Is this a prank? Liligawan niya ako? bakit parang ang bilis naman ata? I mean.. Ilang months pa lang mag mula ng magkakilala kami? Pero hindi naman mag mamatter sa time yun diba? Sa fellings! Pero bkit kailangan sa harap pa ng magulang ko siz? nakakahiya! Hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa harapan niya dahil sa gulat. “Ellise? Okay lang kung hindi mo sasagutin ngayon. I’m not expecting anything. But wether you like it or not, I like you and I'll court you even you answered no so you really don't have a choice" ngiting saad niya sa akin habang nakaluhod pa rin. Bakit pa kasi kailangan na lumuhod? Pakulo talaga nyeto ih. Pinantayan ko ang kanyang pagkakaluhod at hinawakan ang kanyang mukha. Rinig na rinig ko ang pagtitilian ng mga tao sa paligid, nangunguna roon ang boses ni Timmy. Paniguradong puro png asar lang ang matatanggap ko sa kanila mamaya. “Of course you can court me Ace, you got my permission. But be prepared for the consequences. Hindi madaling makuha ang OO ko, kaya ihanda mo na sarili mo” Ngising saad ko. Gulat na napahawak ako sa kanyang balikat ng bigla n'ya akong niyakap. “I will make sure to make you happy every single day. Until you say yes to me. Don't worry, hindi naman ako madaling mapagod at sumuko lalo na sa babaeng gusto ko.” Bulong n’ya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ang puso ko ay parang lalabas na sa sobrang tuwa. Nararamdaman at naririg ko ang t***k ng puso ni Xian na sinasabayan ang pag t***k ng puso ko. Jusme, sobrang kaba ang nararamdaman ko, ano kaya masasabi nina mom and dad? pati ng mga kuya ko? Dapat siguro ay warningan ko na si Ace sa maaari niyang kaharapin. Paniguradong hindi siya papauwiin ngayon ng mga kuya ko ng wala man lang ginagawa. Matapos ang eksenang iyon ay hinatid ako ni Xian sa aking upoan habang s’ya ay bumalik na sa mesa ng aming mga kaibigan. “Saya natin ah? Well, goodluck sa kanya at sayo. Nakakakilabot ang tinginan ng mga kapatid mo.” Pang aasar na saad ni Jin. Inirapan ko lamang s’ya ngunit andoon pa rin ang ngiti sa aking labi. Kinakabahan man sa magiging reaksyon nina kuya, mom at dad ay mas lamang pa rin ang tuwa sa aking puso. Nagpatuloy ang selebrasyon na puno ng saya. Nag bigay ng mensahe ang aking kaibigan na si Timmy sa aking 18th candle. “Jennie ghurl! Dalaga na you! HAHAHAHA sinasabi ko na nga ba na may something something kayo nitong si Xian ihhhh. But anyways, mamaya na natin pag usapan ang iyong love life. Tonight, I just want to greet you a happy happy happy 18th birthday! Alam mo ba na sa lahat ng kaibigan ko ay ikaw ang pinaka masungit? Pinaka nakakainis dahil sa sobrang sarcastic, at higit sa lahat pinaka savage! Pero ikaw lang rin ang kaibigan ko na tinawag kong best friend at tinawag akong tunay. Hindi naman sa inaano ko mga friends ko out there but dahil birthday n'ya ngayon ay pagbigyan na natin.” Natatawang saad n’ya. Naluluha pa talaga ang bruha. Baliw. Hihihi “Jel, you are the sister I longed to have, ikaw yung tipo ng tao na hindi showy, hindi rin malabulaklak kung mag salita para lang isipin ko o namin na nag aalala ka. Pero sa simpling mga pa alala mo lang at mga simpling ginagawa mo para sa akin—sa amin. Ramdam na ramdam namin ang care at love mo for us. 18 ka na! Mas matanda ka na ulit sa akin ng taon, wish ko lang talaga ngayong birthday mo ay maging masaya ka. Fill your heart with love tonight and even for the rest of your 18th year. Andito lang ako lage for you, kahit minsan ay sakit ako sa ulo, always know that I'm here for you. I’m thankful to be part of our unknown fam. Thank you for being an amazing leader, ate and friend. I love you mader paker! HAHAHAHA Happy birthday!” Naluluha pang dagdag ni Timmy. Oo! Naluluha s'ya pero tumatawa. Baliw talaga kahit kailan. Tumayo ako at niyakap s’ya. Natutuwa ako at naiintindihan nila at na aappreciate ang mga ginagawa ko. Akala ko ay hindi nila nakikita ang aking effort para sa kanila. “Thank you, Timmy.” Senserong saad ko. Bumalik ako sa aking upoan at nag patuloy naman ang pagbibigay ng mensahe ng mga babaeng pinsan ko sa akin. Wala akong mga kaibigang babae kaya mga pinsan ko na lang ang kinuha sa aking 18th candle. "Hi couz! It's been so long since we last bond, I'm really looking forward on going shopping with you soon  I hope you'll make it happen before I go back to the states. And yes, I'm demanding even if it's your day because why not? I fly all the way here for your debut, so yes! you owe me one. But anyways, happy birthday my lovely and badass cousin! I still remember when ww were ypung, you literally kicked the boy qhou bullied me back in elementary days." Natatawang saad ng pinsan ko. Natawa naman ag mga bisiti sa mga sinasabi niya, jusme ilalaglag pa ate ako nito. "Back then, you were so really cool in my eyes. I know you'll be an amazing and cool woman in the future, and that is you now. Couz, whatever problem you have now and will face in the future, just call me and I'll gladly fly our distance to help you. Don't let the responsibility burden you, just enjoy it. Happy birthday again!" Pagtatapos niya, tumayo naman ako at niyakap siya. "Thank you eren" Ngitong pahayag ko. "Your welcome, but seriously you owe me some kwento. Who's that gwapo who confessed to you awhile ago?"kinikilig pang aniya. Tumawa lang ako at pinabalik na siya sa kanyang upoan. Nagpatuloy sa pagbibigay ng mensahe ang aking mga pinsan  Nang malapit na matapos ang selebrasyon ay bigla ko na lamang naramdaman ko ang tawag ng kalikasan kaya nag paalam muna ako kay Jin na pupunta muna ako ng banyo. Mabuti na lang at walang tao kaya mabilis akong naka pasok at ni lock ang cubicle na aking pinasukan. Nang matapos akong mag bawas ay lalabas na sana ako pero hindi ko ma buksan ang pinto. Bakit naka lock ito? Nagulat ako ng may usok na  unti unting pumapasok sa loob ng cubicle. Shyt! What’s this? Na realize ko lang na gas iyon na pampawala ng ulirat nang unti-unti na akong nawawalan ng malay, pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pagbubukas ng pinto sa aking harapan. Timmy’s POV Hindi ko alam kung bakit biglang tinapos agad ang party. Maraming bisita ang nag tataka ngunit sumunod na lamang at umuwi na. Kaming mag kakaibigan naman ay nanatili sa aming upoan at hinintay na makalabas lahat sa hall ang mga tao. Nang halos lahat ay nakalabas na ay nilapitan namin sina tita at tito. “Tita? Anong nangyayari?” Nag aalalang tanong ko. Nagulat ako ng bigla n’ya akong yinakap at humingi ito ng tawad. Nalilito kong tiningnan ang mga tao sa paligid. Seryoso silang lahat. Si Jin ay hindi mapakaling pa lakad lakad sa aming harapan, mahahalata ang galit at pag aalala sa kanyang mukha. Teka---Nasaan si Jel? Hindi ko siya nakikita! “Ano bang nangyayari?” Rinig kong anas ni Dale. Tila hindi na ito nakapag pigil na mag tanong sa sobrang kalituhan sa nangyayari. “Si Jel, nawawala.” Seryosong saad ni Tito Harold sa amin. “WHAT?” Gulat na sigaw namin. “Wait, wait po. What do you mean by nawawala?” Litong sagot ko. Hinawakan ko ang balikat ni Jin. Hindi s'ya maperme! “Jin?” Tawag ko sa kanya. “I don’t know okay? Nag paalam lang sya na mag C-CR pero lumipas na ang sampong minuto ay hindi pa rin s’ya bumabalik. Kaya naman sinundan ko na sya sa loob, ngunit pag pasok ko ay walang Jel na andoon. Nilibot ko na ang buong lugar ngunit wala s’ya. Nang binalikan ko ang banyo ay doon ko lang napansin ang tangki ng gas at isang gas mask.” Seryosong saad n’ya. Nakakuyom ang kanyang kamao at hindi ito mapalagay. “Damn it!” Rinig kong mahinang anas ni Xian. Nang lingunin ko siya ay nakakatakot na mukha ang aking nasilayan. Makikita ang sobrang pagdidilim ng kayang mukha dahil sa galit at pag aalala. “Ron, can you track her?” Seryosong tanong ni Xian sa kanya. “I’ll try. Hindi ba n’ya hinubad ang relo n’ya? Naka infolens ba sya ngayon?” Sunod sunod na tanong ni Ron. Tiningnan naming lahat si tita. Bumuntong hininga lamang ito at parang napipilitan lamang na ngumiti sa aming harapan. “Don’t worry kids, we’ll handle this. Kami na ang mag liligtas sa anak namin.” Seryosong saad nito. “But tita! We want to help!” Reklamo ko. “Sorry but our FAMILY we’ll handle this, you can go home now.” Saad ni Tito sabay walk out. Sumunod naman sa kanya si Tita. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang seryosong sina kuya Tyler. Kasama nila si kuya Charles na s’yang ipinagtataka ko. Nagulat ako ng biglang nag aya pauwi si Xian. Na una itong lumabas sa pintoan, patakbo ko siyang hinabol dahil hindi ako makapaniwala na basta basta lang s'yang pumayag sa gusto nila tita. “Xian! Ano ba? Bakit basta basta ka nalang pumayag sa gusto nila? Ayaw mo bang malaman kung nasaan si Jel? Kung sino ang kumuha sa kanya? Hindi ba tayo tutulong upang makuha ang kaibigan natin? XIAN!” Inis talagang tawag ko sa kanya dahil dere-deretso lamang itong naglakad na hindi man lang ako nililingon. “XIAN!” huminto naman ito at nilingon ako. Sobrang dilim na ng kanyang mukha at anytime ay para bang sasapakin nya lahat ng kakausap sa kanya. “Kung ayaw nilang tanggapin ang tulong natin. Pwes tayo mismo ang maghahanap sa kanya. Kahit ipilit pa natin sa kanila na tutulong tayo ay paniguradong hinding hindi papayag ang mga 'yon. Kaya natin na hanapin si Ellise ng walang tulong nila” Seryosong saad n’ya sa akin at pa dabog na binuksan ang pinto ng sasakyan ng grupo namin. Tuluyan na s’yang pumasok sa loob ng sasakyan. Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na sumunod sa kanya. Nang aalis na sana kami ay nagulat kaming apat ng biglang bumukas ang pinto ng aming van at pumasok si Jin. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba at KAYO NG PAMILYA mo LANG ang mag hahanap kay Jel?” Inis na tanong ko. “Alam kong hahanapin ninyo ang kakambal ko. Sasama ako.” Seryosong saad n’ya. Nagulat man sa kanyang tinuran ay tumango na lamang kami at agad na umalis sa mansion na iyon. God! Sana ay nasa maayos na kalagayan ang kaibigan kong si Jel. Sobra sobra ang pagkagulantang ko ngayon. Kani kanina lang ay sobrang saya ng paligid tapos bigla nalang ganito. “So anong plano? Tanong ni Dale. “We’ll kill those bastards. That’s the plan” May diing sagot ni Xian na sinang ayunan naman ni Jin. Nakakakilabot na mukha ang ipinapakita n’ya ngayon. Shyt! Jel sana mahanap ka kaagad namin dahil kung hindi baka makapatay nga itong kambal at lalaki mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD