CHAPTER 34---Jel's 18th Lavander

2295 Words
“Like a pretty flower that attracts bees and butterflies, Jel will be surrounded by 18 equally handsome gentlemen who will represent the debutant’s 18 lavanders. This flower equates the traditional 18 roses during debuts. For a quick trivia, lavender is Jel’s favorite flower because of its meaning and fragrance. Lavender flowers are known to represent purity, silence, devotion serenity, grace and calmness. In addition to the flower's significance, its purple color also comes with great symbolism. Purple is the color of royalty and speaks of elegance, refinement and luxury. Swak naman talaga sa ating debutante ano po? So, to start up, let’s start with our debutant’s twin brother, our birthday boy Jon Ivan Noe Hamilton, Mr. Hamilton please guide your princess to the dance floor.” Tumayo na agad si Jin matapos marinig iyon at lumuhod ito sa aking harap pagkatapos ay inilahad n’ya ang kanyang kamay sa akin. Ngumiti ako at tinanggap iyon. Iginaya n’ya ako sa gitna ng hall kung saan magsisilbi itong dance floor ngayong gabi, narinig ko ang pag tugtog ng beautiful by crush sa paligid, instrumental lamang ito kaya naman ang sarap nito lalo sa pandinig. Napangiti na lamang ako sa ganda ng musika na bumabalot sa paligid. Binigay sa akin ni Jin ang lavender flower na hawak hawak n’ya. “Happy birthday princess” ngiting bati sa akin ni Jin, habang sinasabayan ng sayaw ang kanta. “Happy birthday bro!” nakangiti ring saad ko sa kanya. “Ang magical lang ng gabi na ito, akalain mong kumikinang sa ganda ang buong hall ngayon, parang hindi nabagay sa theme natin na mysterrious effects ih haha ” Medyo natatawa pang anya. “Magiging magical talaga to bro! mga kaibigan ba naman natin tsaka si mommy ang nag isip ih ewan ko na lang. Nag expect na nga talaga ako dati pa na magiging weird yet wonderful celebration itong birthday natin. Akalain mo ngang naging parang sosyal na lamay pa ang party natin.” Tumatawang saad ko. Natawa rin naman s’ya sa banat ko na ‘yon kaya nagtatawanan na kaming dalawa habang sumasayaw. Ang sarap lang sa pakiramdam ang ganito. Nang malapit ng matapos ang kanta ay bigla na lamang akong niyakap ng aking kambal na siyang ikinagulat ko. "Sana kahit gaano pa kahirap ang pagdadaanan mo---natin, ay hindi mo malimotan na mahal na mahal kita princess. Gagawin ko ang lahat maging safe ka lang. Pangako ko iyan sayo." Saad ni Jin aa akin na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang takot na takot s'yang pakawalan ako sa mga bisig niya. “Ang sweet naman ng mga anak ko, can I have this dance princess? Matagal na mag mula ng huli kitang maisayaw. Nag tatampo na ako”. Napabitaw ako sa pagkakayakap ni Jin nang mgsalita si Dad sa likoran ko, napangiti na lamang ako at tinanggap  ang kanyang nakalahad na kamay. Humalik muna sa nuo ko si Jin bago ito bumalik sa upoan namin. Binigay sa akin ni daddy ang bulaklak na hawak-hawak n'ya na malugod ko namang tinanggap. Saktong pagkalagay ng kamay ko sa balikat ni dad ay tumugtog ang daddy’s girl. “Ang laki na ng prinsesa namin.” Ngiting saad ni dad sa akin. Nakikita ko ang pag kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “I’m so proud of you princess.” Saad pa muli sa akin ng aking ama. Ramdam ko ang pagmamahal sa boses ni daddy nang sinabi n’ya ang mga katagang iyon. Hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin s’ya. I'm so lucky to have him as a father. Hindi ko man naging ama ang lahat ng tatay sa mundo pero masasabi ko na siya ang pinaka da-best na tatay sa buong kalawakan. “Thank you, dad. I know I didn’t say this often but always know that I love you and mom and my bros. Kayo ang the best na magulang na nakilala ko, kung pa ulit-ulit akong papipiliin ng magulang, kayo at kayo pa rin ni mommy ang pipiliin ko.” Puno ng pagmamahal na saad ko sa kanya. Tinatap naman ni daddy ang aking likoran at hinalikan niya ang aking buhok. “I know princess, I know, and we love you too. How I wish hindi na lang kayo lumaking mga anak ko. I’m afraid of the responsibilities and pains ahead of you. Marami pang pag subok at bubog na lalakarin ninyo. Be strong for me ohrayt? Andito lang kami lagi ng mommy mo to support you and your brothers. Kahit anong laban pa yan, andito kami lagi sa likoran ninyo” Saad ni daddy. “Pwede ba na ‘wag ka na muna mag drama dad?” Napahiwalay kami ng yakap ni daddy ng biglang mag salita si kuya Hunter. “Kuya” masayang tawag ko rito. Masaya ako at naka uwi siya sa espesyal na araw ko. Palagi na lamang silang wala sa bahay ng iba ko pang mga kuya ngunit ganun pa man, they never failed to make me feel that I'm loved. “Ako naman ang mag sasayaw sa prinsesa namin na ngayon ay nagdadala---ay! dalaga na ngang pala ang aming prinsesa.” Ngising saad n’ya. Tumawa naman kami sa kanyang sinabi. Binigay sa akin ni kuya hunter ang pangatlong bulaklak. “Happy birthday kid” Ngiting saad ni kuya sa akin. Napalitan na ang kanta ng Destiny nang lumapat ang aking kamay sa balikat ng aking nakakatandang kapatid. “Thanks kuya! Kailan ka mag aasawa?” Ngising tanong ko sa kanya. “H’wag mo akong binubugaw kapatid dahil masakit sa dibdib!” Kunwari’y nasasaktan n’ya pang anas. Napahalakhak na lamang ako sa kanyang tinuran. "Ang tanda mo na kasi kuya, gusto ko na rin ng pamangkin!" Ngiting saad ko pa. "Mag hintay kaya kayo, 'tsaka anong matanda?! Hoy princess! 28 pa lng ako. Maka matanda naman ito." Nakasimangot na bulyaw sa akin ni Kuya Hunter. Hindi na ma biro. Tumawa nalang ako sa kanyang sinabi at pinag patuloy na lamang ang pagsasayaw. Nang akala ko ay hindi na magsasalita ang aming panganay ay nagkakamali ako, dahil nang malapit ng matapos ang kanta ay bigla na lamang itong tumikhim. "Bunso, pasensya ka na ah? Sayo pa na pasa ang responsibilidad na dapat ako ang pumapasan. Pasensya ka na at kailangan mong pag daanan ang proseso." mababakas ang lungkot sa boses ng aking kapatid habang sinasabi iyon sa akin. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "Ano ka ba kuya, naiintindihan ko, namin ni Jin. 'tsaka hindi mo kasalanan kung abnormal ang sistema ng pamilya natin. Huwag ka mg sorry, andyan ka naman para gabayan kami ni Jin diba?" Sabi ko sa kanya upang pagaanin ang kanyang loob. "Andito lang ako lagi para sa inyo" Madamdaming sagot niya sa akin. "Ang cheesy mo boiii" Biglang sigaw ng isa ko pang kuya. Natawa na lang si Kuya Hunter at hinalikan muna ang aking nuo bago bumalik sa kanyang upoan. Puro asaran at kantsawan lang ang ginawa ng mga kapatid kong lalaki at pati ng mga pinsan ko. Dalaga na daw ako at pwede na daw nila akong maibenta sa supermarket ng mga single. Mga baliw talaga. “Can I have this dance?” Napangiti ako ng makitang si Dale ito habang nakayuko pa at nakalahad ang mga kamay na may bulaklak sa aking harap. “Why not? Coconut?" Pabirong sagot ko. The gift naman ang tumutugtog ngayon. Bago ko nilagay ang aking kamay sa kanyang balikat ay tinanggap ko muna mula sa kanya ang pang 16th lavanders ko. “Happy birthday, birthday girl! Alam mo bang naiinggit na si Timmy sa’yo? Nakuha pa talagang mainggit ng pandak na ‘yon.” Simangot na saad n’ya. Nag aaway na naman “Ewan ko sa inyong dalawa, bakit hindi na lang kasi umamin sa tunay na damdamin” Pahina ng pahina ang boses kong aniya. “Uyy anong umamin? Rinig ko ‘yon Pres ah? Bakit naman ako aamin sa kanya? Ako? magkakagusto sa pandak na iyon? Never PRES! Never! as in N E V E R NEVER!" Naka simangot na aniya. Tuluyan na akong natawa sa sinagot n’ya. Ang epic pa ng kanyang mukha dahil tudo simagot talaga siya habang sinasabi iyon. “Defensive ka Dale. Sinabi ko bang gusto mo sya? Ang sabi ko bakit hindi ka pa umamin na maganda siya tonight.” Natatawang saad ko sa kanya. Para naman itong napahiyang nag kamot nalang sa kanyang batok. “S’ya kasi ih” maktol pa na ani Dale. “Hay nako Dale! naestres ako sayo Dale.” Saad ko rito "Ako naman ang isayaw mo kung naeestress ka na sa kanya" Napalingon ako sa aking likod  at doon nakita ko si Ron na nakangiti sa akin. Naks! naging makata na ang lolo n'yo. Iginaya ako ni Dale papunta kay Ron, yumuko pa ito bago umalis. “Musta beerde girl?” Ngising saad ng aking kaibigan. “Ayos lang, masakit sa paa.”Sagot ko sa kanya. “Takon takon pa” saad n’ya, natawa na lang ako sa kanya. “Ang ganda ni Tim nu?” Pa innocent na tanong ko. “Pwede na” Nakangiwing sagot n’ya, sus kunwari pa! if I know. Nakoooo lab trayangol talaga tong mga kaibigan ko. “Na enjoy mo naman ba ang debut mo?” Tanong sa akin ni Ron. “Hmmm” Tumatangong saad ko. “Dapat ma enjoy mo. Nakakapagod mag asikaso ng mga bagay bagay. Tapos hindi mo lang ma eenjoy.” Ngiwing saad n’ya ulit. Luh sya! Nangwenta pa ang gagi. napahagikhik na lamang ako habang isinasayaw niya pa rin. Nagkukwenrohan lamang kami ni Ron hanggang sa hindi namin namalayan natapos na pala ang kanta. “Can I have her?” Nilingon ko ang lalaking nag salita na ngayon ay nasa tabi ko lang pala. Medyo napa igtad pa ako dahil sa gulat, d ko siya napansin kanina ah? “Mom at Dad at mga kapatid n’ya tanungin mo huwag ako.” Bored na saad ni Ron. Napangisi si Xian sa sinabing iyon ng kaibigan. “Soon bro, soon” Nakangiting saad n’ya. Lumuhod ang lalaki sa aking harapan at ibinigay n’ya ang pang huling bulaklak na matatanggap ko sa sayaw na ito. Tumugtog naman ang kantang perfect ni Ed Sheeran.. Tinanggap ko ang inilahad n’yang bulaklak sa akin. Hinawakan n’ya ang aking kamay at masuyo itong nilagay sa kanyang balikat. “Hi birthday girl, enjoying tonight's party?” Bati n’ya sa akin. May ngiting hindi maipaliwanag na nakapaskil sa kanyang labi. “Hello baby boy!” Ngising saad ko pa. “Happy birthday.” Aniya habang masuyong isinasayaw ako kasabay ng musika na nag papaganda pa lalo sa sandalling ito. “Thank you.” Ngiting sagot ko. “Ahm you’re gorgeous.” Nahihiyang saad n’ya sa akin, habang nakayuko ang kanyang ulo. Napangiti ako lalo sa kanyang inasta. “Thank you.” Sagot kong muli. “Alam mo, hindi ko inaasahang dadating ka sa buhay ko.” Saad n’ya habang unti unting inaangat ang kanyang mukha at tinitigan nito ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay biglang huminto ang buong paligid. At kaming dalawa lamang ang narito sa lugar na ito. “I thought isa ka lang pakialamerang babae na nag fe-feeling hero sa gabing nanganib ang buhay ko.” Patuloy n’ya pa. Nakangiti itong pinagmamasdan ang mukha ko. “But I was wrong, after knowing you. I realized how amazing you are. You’re like a treasure that I want to keep forever. Whenever you smile, my heart beats faster than its normal beat. Whenever I’m with you, I always thought about how lucky I am to be with you. You don’t know how much you mean to me. I never cared for someone like this, I don’t know why you make me crazy just by knowing that you’re not okay. Whenever you’re away and I know that you may get harmed, my mind and heart become uneasy, you make me so damn crazy over your safety Elise.” Hindi ko maipaliwanag kong ano ba ang dapat na maramdaman ko sa pagkakataong ito. Lalo na nang makita ko ang mata n’ya na sinisigaw ang pangalan ko. Ramdam ko ang sensiredad n’ya sa bawat salita na kanyang binibigkas. “Bakit mo sinasabi iyan Ace?” Litong tanong ko. “Elise, I don’t want life without you. Sa mga nagdaang buwan na kasama kita, na-realize ko na sa daang tinatahak natin, walang kasiguraduhan ang buhay.” “Ano bang sinasabi mo?” Putol ko sa speech n’ya. Nginitian lang n’ya ako. “Hindi ko na maimagine ang buhay ko kung wala ka.” Ngiting saad n’ya, naluluha ang kanyang mata at maging ako ay naging ganun rin. Shocks! Ano bang nangyayari? Biglang nag iba ang tugtog, from perfect to A thousand years. Napasinghap ako ng biglang lumuhod sa harapan ko si Xian. “O my God!” Rinig na rinig ko ang sigaw na ‘yon ni Timmy. “Jennie Ellise Lavander Hamilton,in front of our friends and your family, I'm officially asking you,  Can I court you?” tanong n’ya sa akin habang nakapaskil ang isang napakagandang ngiti sa kanyang labi. Holy Mother of Christ! Is this for real?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD