CHAPTER 41---Finally Awake

2486 Words
"Jin, Jel! Gising na si Xian! Gising na siya!" Sigaw ni Tim. Napabangon ako bigla sa aking higaan matapos ko marinig ang sigaw ni Tim. Gising na siya! Talaga bang gising na siya? Nagmamadali akong bumaba sa aking higaan, "pupuntahan ko siya" pahayag ko ngunit mabilis akong pinigilan ni Jin. "Kakagising mo lang rin princess  kailangan mo munang magpahinga. Mamaya na lang kapag bumuti na ang pakiramdam mo" Pakiusap sa akin ni Xian Umiling ako sa kanya ng pa ulit-ulit at sinubokan pa rin na tumayo. "Hindi bubuti ang pakiramdam ko Ivan kapag hindi ko nakikitang maayos na siya" pagpupumilit ko pa. Napabuntong hininga na lamang siya at hinawakan ako sa balikat. "Alright, just wait here. Kukuha lang ako ng wheelchair." saad niya, pagkatapos ay hinalikan ako nito sa noo at lumabas na. Nilapitan naman ako ni Tim at inalalayan pa upo. "Don't force yourself Jel, makakapunta ka pa rin sa bebeboy mo." Ngising saad nito na inilingan ko lang. "Jel, anong pinag usapan niyo kanina? Papasok kasi sana ako ih pagkabukas ko ng door narinig kong sabi ng lalaki na it's not your decision that matters daw, the decision lies to us--your friends. Anong decisions?" Nalilitong tanong nito. Para naman akong binuhosan ng malamig na tubig sa narinig, napakagat na lang ako sa aking labi, wala akong plano na sabihin sa kanila ang sinabi sa akin ng heads kanina. Ang iniisip ko ang kaligtasan nila, napaka delikadong trabaho ang susuongin namin. Ayaw kong maranasan nila 'yon. The last thing I want to see is them, suffering because of me. Balak ko sabihin sa heads na hindi sila pumayag. But how can I? Narinig ni Tim ang usapan namin! Sana lang hindi pa mag tanong si Tim upang hindi ako mahihirapan mag sinungaling. "Uyy Jennie ghurl ah? hindi ko naman sinasadya na marinig yun. kaya nga umalis na ako pagkatapos ko marinig yung tell your friends lines ih, okay lang naman kahit hindi mo pa masabi sa ngayon kasi naiintindihan ko naman na stress ka sa mga nangyayari. Ang dami ko ngang tanong ih, pero pinipigilan ko lang ang ka daldalan ko. Makapaghihintay naman ako---kami. So don't pressure yourself. Okay?" Ngiting paliwanag nito. Napabuntong hininga na lang ako at niyakap siya. I'm really sorry Tim. "Ayokong mapahamak kayo Tim, ayokong mahirapan kayo." emosyonal na saad ko sa kanya. Hinagod ni Tim ang aking likod at hindi na lamang ito kumibo, hindi ko mapigilan ang luha ko. Natatakot ako para sa aking mga kaibigan, ayokong dumating ang araw na pagsisihan nila na naging mag kaibigan kami. Ngayon pa lang na hindi pa sila kasali sa organisasyon ay nadamay na sila sa gulo ko, ngayon ay nasisiguro kong binabantayan na ng mga kalaban ang bawat galaw nila. Alam ko na papayag sila kapag tinanong ko sila kung sasama ba sila sa amin, kilala ko ang mga kaibigan ko, hindi nila ako tatanggihan. Ang ikinakatakot ko ay baka hindi nila kayanin, baka pagsisihan nila iyon. "Huwag ka na muna mag isip, sa ngayon bisitahin na lang muna natin si Xian, siguradong hinihintay ka na niya" Ngiting saad sa akin ni Tim at pinahid ang luha sa aking mukha Sakto naman na dumating si Jin dala ang wheelchair, inalalayan nila akong dalawa na makaupo. Itinulak na ni Jin ang Wheelchair habang si Tim naman ay nasa aking tabi lang nakahawak sa aking kamay. "Huwag kag mag alala Jel, hindi na tayo masusundan dito ng kalaban, andito tayo sa hospital namin, pinapabantayan din nina daddy mo ang buong building  though hindi halata pero 'yon ang sabi niya sa daddy ko. Narinig ko lang actually. hihi. kayo lang rin ni Xian ang pasyente sa floor na ito, kaya wala talagang makakapasok na kung sino, taray ng erpats mo ah? may pa security sa buong hospital. Yayamanin ang lolo namin! At alam mo ba na may nakita pa akong paparazi sa labas? Artista ka te? And we're here na nga pala!" Huminto kami sa katabing kwarto ko lang. Akala ko malayo pa, katabi lang pala. Kinakabahan akong napatitig sa pinto. Bakit ba ako kinakabahan? Unti unting binuksan ni Tim ang pinto at bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na seryosong nakatingin kay Xian, habang nakakunot lang ang noo nito na nakayuko. Tuloyan na kaming pumasok, tinulak ni Jin ang wheelchair palapit sa higaan ni Xian. Nag angat ito ng tingin at kunot nuong tumitig sa amin. Parang pinag aaralan nito ang mga mukha namin. Para bang litong lito siya sa nangyayari. Tinitigan ko lamang siya, masakit pagmasdan na nakaratay siya ngayon dahil sa akin. Ang dating makinis niyang mukha ngayon ay puno na ito ng pasa. Gusto kong hawakan ang mukha niya ngunit natatakot ako, gusto ko siyang yakapin ngunit pinipgilan ako ng pagkalito sa mga reaksyon niya. "Ace, kumusta ka?" mahinang tanong ko, pinagmasdan ko nang maigi ang mukka niya, kahit na puno ng pasa ito ay hindi pa rin maipagkakaila ang taglay niyang kagwapohan na minsa nang nakapagpatulala sa akin. Sininyasan ko si Jin na mas ilapit pa ang aking upoan sa kinaroroonan ni Xian, nang makalapit ako ay hinawakan ko ang kamay niya. Puno ito ng gasgas at pasa. Hindi ko mapigilan ang mapaluha, ako ang dahilan kong bakit siya nasaktan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay, hawak na para bang ayaw ko na itong bitawan. "Ace, sorry, kasalanan ko kung bakit ka nandito." Saad ko habang nakatitig sa kamay naming magkahawak. Tiningnan ko ang mukha niya pero nakakunot pa rin ang kanyang nuo. Hindi kagaya kanina ngayon ay mababakas mo ang pagkalito at pagkadisgusto niya. Parang piniga ang puso ko nang bawiin niya bigla ang kanyang kamay mula sa akin. "Sino ka ba?" kunot nuong tanong nito sa akin. Napapikit ako sa narinig. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kumawala sa aking mga mata sapagkat kanina ko pa ang mga itong pinipigilan na lumabas. "Anong karapatan mo na hawakan ang mga kamay ko gayong ikaw na rin mismo ang nagsabi na ikaw ang dahilan kung bakit ako nakaratay sa pisting hospital na ito?" Mas lalong piniga ang puso ko sa kanyang tinuran, inaasahan ko na ito. Kanina pa lang, pagpasok namin. Sa nakita ko na reaksyon niya ay alam ko na. Nawala nga ang memorya niya. hindi ko lang alam bakit ako nasasaktan ng ganito. Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko. Ngumiti ako sa kanya, "Ako to si Ellise, alam ko hindi mo ako naaalala pero tutulongan ka namin para maalala mo kami, sa ngayon magpahinga ka na muna. Alis na muna ako. Kailangan ko rin kasing magpahinga." Saad ko kahit nagbabadya na naman ang mga luha ko, tatraydorin na naman ako. Kahit alam kong ayaw niya ay kinuha ko muli ang kanyang kamay at hinalikan ito. "please, alalahanin mo ako" mahinang bulong ko. Tiningnan ko si Jin at tinanguan. "Balik na muna kami sa kwarto ni Jel, she need to rest. Balitaan niyo na lang ako mamaya." Saad ni Jin pgkatapps ay tinulak na ako nito palabas. Nang makarating kami ng kwarto ay nandoon na ang aking mga kapatid, sinalubong ako ni kuya Hunter ng yakap. "You made me worried sick princess, ang haba ng tulog mo!" Saad pa nito, sunod naman akong niyakap ni Kuya Damon. "Hindi mo na ata nahintay magising ang prinsipi mo at inunahan mo na siyang magising" Asar pa ni Kuya Damon. Napatigil naman ako sa sinabi ni kuya Damon. Napabuntong hininga na lang ako. Maingat akong tumayo at pumunta sa higaan ko. "Anong problema?" Tanong sa akin ni Kuya Tyler. Hindi ko mapigilan ang mapayakap sa kanya, at doon umiyak. Ang sakit malaman na hindi na ako maalala ni Xian. Kanina hindi ko pa maintindihan kung bakit ako nasasaktan pero matapos kong tumalikod na hindi man lang niya ako tinawag ay doon ko napagtanto ang dahilan. Ngayon ko lang na realize na gusto ko rin pala siya kung kailan hindi niya na matandaan ang mga pinagsamahan namin. Hinagod lang ni Kuya Tyler ang likod ko at hindi na kumibo. "Kasalanan ko kuya kung bakit siya nasaktan, kasalanan ko kung bakit nawala ako sa memorya niya, siguro iyon ang karma ko dahil sa nagawa kong iyon." iyak na pahayag ko. "Shhh. huwag mong isipin 'yan, hindi mo kasalanan, walang may kasalanan. Ginusto ka lang niyang iligtas, alam ko hindi siya matutuwa kapag nalaman niya na sinisisi mo ang sarili mo sa nagyari. Tahan na" Pagpapakalma pa sa akin ni Kuya Tyler. Sa dami ng iniisip ko at sa bigat ng pakiramdam ko. hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig ng aking kuya. TIM'S POV "YAH! BAKIT NIYO NAMAN PINAG TRIPAN SI JEL?!" Sigaw ko sa mga kaibigan kong lalaki. Ang lakas talaga nila mang-trip kainis. Napakamot na lang si Xian sa kanyang batok. "Sabi kasi ni Dale ih. Saka gusto ko rin makita kung anong magiging reaction niya" ngiti pang saad ni Xian, nasisiyahan siguro sa naging reaction ng kaibigan ko. Unti na lang iiyak na ih! Ay hindi, umiyak na pala pinabalik lang amg luha. Maygad! "Kahit na! Sobrang nag aalala 'yong tao tapos gagagohin mo lang!" Sigaw ko pa ulit. "Uy Tim ah?! Hindi ko siya ginagago. Gusto ko lang makita ano magiging reaction niya." Depensa pa ni Xian. Palosot pa, parehas kang naman 'yon. "Ay ewan! Parehas lang 'yon! Don't talk to me!" inis na saad ko sabay upo sa sofa. Natahimik naman ang tatlo at lalabas na sana sa pinto sina Dale at Ron. "At saan kayo pupunta?" pagtataray ko. "Kay Jel, kukumustahin ko lang. Bawal pa si Xander na tumayo kaya ako na gagawa nun para sa kanya" sagot ni Dale, inirapan ko naman ito. "Huwag na! Andoon ang mga kuya niya. Baka masuntok lang kayo ng mga 'yon kapag nalamang pinag titripan niyo lang ang prinsesa nila." Ngiwing saad ko. Mabilis pa sa kidlat na bumalik sa upoan sina Dale at Ron. "A-andoon kuya niya?" utal pa na tanong ni Xian, "Oo! Kaya ihanda mo na ang sarili mo!" pananakot ko pa. Napatikhim naman si Xian sa sinabi ko, humiga ito at nag kunwaring tulog. Napatawa na lang ako at pinag patuloy ang pagbabasa sa group chat ng klase namin. Sobrang daming chismis ang naglalabasan. Dalawang araw na na hindi pumapasok ang dalawa kaya ang dami nilang mga spekyolasyon. "@Jennie, ano na siz? when kayo babalik ni @Xander? para lang kayong nag honeymoon ah?" Chat ng bakla kong kaklase. "Ang taray ng dalawa, birthday kasi ang ganap, hindi kasal. Bakit may pa bakasyon te?" sagot naman ng isa. Nag simula naman akong mag type ng reply. "Hey hey! Baka mapikon sa inyo ang dalawa mga bakla, saka ilang beses ko ng sinabi na hindi nga sila magkasama. Si Jel ay binigyan lang ng 1 week vacation ng parents niya sa isang new open resort, gift lang nila 'yon. While Xian is out with his family in another country. May inaasikaso lang. Ang kukulit n'yo ah" Pagkatapos kong e type iyon at e send ay bigla namang nag reply si Jel. "Anong honeymoon pinagsasabi n'yo?" Sagot ni Jel "What the f**k?! Honeymoon my ass! And who the f**k are you?" iyan naman ang reply ni Xian. "Yieehhh sabay pa talaga silang nag reply. Ye ye mga sir ma'am, edi hindi kayo nag honeymoon. Defensive mga siz at ang papa Xian niyo, nag honeymoon lang nagka amnesia na agad. Grabe siguro ang yugyugang naganap." asar pa ng kaklase naming bakla. Natatawa na lang akong tinignan ni Xian na kunot ang nuong nakaharap sa kanyang cellphone. Parang any minute from now sasabog na siya. At talagang kinarer pa talaga ang amnesia act niya. qaqu talaga. Mang aasar na sana ako sa gc nang mapansin ko na nilipat ni Dale ang channel ng TV. Nang maibaba niya ang remote ay agad ko itong kinuha at nilipat sa channel na gusto ko. "HOY TIM!" Sigaw ni Dale sa akin. Hindi ko siya pinanain at pinag patuloy lang ang pag tipa sa aking phone. "Ano ba! Hoy piglet!" Sigaw niya ulit. Para namang nag pantig ang tenga ko sa narinig. PIGLET?! "ANONG SABI MO?! PIG-PIGLET?! Are you calling me baboy ha?" Inis na sigaw ko pabalik sa kanya. "OO BABOY! Bakit mo nilipat ng channel ha? akin na nga yang remote!" Sigaw niya at sinubokang kunin ang remote control sa mga kamay ko ngunit mabilis ko itong nilayo sa kanya. "At why ko naman ito ibibigay sayo? ako ang nauna, bakit mo nilipat?" Irap na aagot ko kay Dale. Napapalingon na si Ron sa amin na ngayon ay may kinakalikot na naman sa laptop niya. "Kasi po madam, hindi kanamn nanunuod. Puro ka selpon. At saka ang jeje mo ah? Barbie talaga?" Pang aasar niya pa. "Pakealam mo ba sa winawatch ko ha? If gusto mo, mag watch ka ng sayo. You make bili a television if you want." Pag tataray ko pagkatapos ay umupo sa sofa. Para naman itong inis na inis na tumingin sa akin perp ninelatan ko lang siya na aiyang mas nakadagdag ng inis niya. Jeje pala ha? "Can you please stop being so "conyo"? It irritates the hell out of me! Ebalik mo sa akin ang remote!" Inis na talagang sigaw ni Dale sa akin. Hahablotin niya na sana ito kaya mabilis kong iniwas ang aking kamay. Kala niya ah. "Well then be irritated!" Ngising saad ko. Hindi na siya nagsalita pa at sinubokan uli na hablotin ang remote sa akin ngunit mabilis akong tumayo sa sofa at itinaas pa lalo ang kamay ko para hindi niya maabot. "Akin na sabi yan pandak!" Inis na saad ni Dale. Kanina peglit ngayon pandak naman? Talagang inaasar ako ng lalaking to ah? Sinipa siya at mabilis na bumaba sa sofa upang pumunta sa mesa at doon tumayo. "Bumaba ka dyan! Akin na sabi!" Sigaw niya habang nakasunod sa akin. Hindi ko siya pinansin at mas lalo pang itinaas ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang tumayo siya sa silya at pilit na kinukuha sa akin ang remote. Hindi nagtagal ay inawat na kami ni Ron habang si Xian naman ay patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro. "Para kayong mga bata. Tigilan niyo na yan! Ano ba!" Sigaw no Ron ngunit walang nagpaawat sa aming dalawa. Lumipas ang ilang minuto na ganun pa rin ag aming sitwasyon ng may biglang tumikhim. Pag lingon ko sa pintoan ay doon ko nakita ang magkapatid na Jin at Jel, kasama ang kanilang mga kuya na si Hunter, Damon, at Tyler. Si kuya Charles naman ay kunot nuong nakatingin sa amin. Sa paraan ng pagtitig niya ay para niya na rin kaming pinagalitan. Mabilis pa sa kidlat kami na bumaba at umayos ng tayo, maging si Xian ay nilapag ang librong binabasa at seryosong tumingin sa mga bagong dating. "We have an urgent meeting, I have something to propose to you." Biglang saad ng seryosong si Jel. Magsasalita na ba sila? at ano naman kaya ang proposal ng magkakapatid na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD