CHAPTER 40---It's Time

1885 Words
Jel's POV "Don't touch me!" Iyak na sigaw ko sa mga hindi ko kilalang mga lalakim Hinahawakan nila ako sa aking hita, pinipilit ko itong tanggalin ngunit para itong mga linta na ayaw matanggal! "Bitawan ninyo ako!" Sigaw ko pa. Nagtaka ako noong waang boses na lumalabas sa bibig ko. Bakit nawala boses ko? Sigaw ako ng sigaw ngunit wala parin akong boses, hindi ko mapigilang mag panic lalo na at gumagapang pataas ang mga kamay na nasa aking mga hita. "Jel! Wake up! Princess!" Help! Get me out of this place! Ivan? Ace! "Jel!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lamig ng tubig na bumalot sa aking mukha. "Bakit mo binuhosan ng tubig si Jel? Tim!" Rinig kong sigaw ni Dale. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Puro kulay krema ang nakikita ko, Nandito ang aking kambal at mga kaibigan. "Duh? Kung hindi ko ginawa 'yon baka hindi magising si Jel sa bangungot niya---Oh may gad Jel! You're awake finally!" iyak ni Tim pagkatapos ay niyakap ako nito ng sobrang higpit, pipigain ata ako ng babaeng 'to. Nang makita ni Jin na hindi na ako makahinga ay hinila niya na si Tim palayo sa akin. "Tama na Tim, Tinatanggalan mo ng hininga ang kapatid ko sa ginagawa mo ih." Pagtataray ni Jin, inirapan na lamangbaiya ni Tim at tumabi ito sa akin. "Kumusta ang pakiramdam mo Jel?" May pag alala na tanong nito sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at nginitian ito, "ayos lang ako, don't worry." Sagot ko sa kanya. Tiningnan ko sila isa isa, bakit parang kulang kami? "Nasaan si Ace?" Tanong ko sa kanila. makalipas anh ilang minuto ay wala pa rin akong nakuhang sagot, nagsiyuko lamang ang mga ito. Nagsimula na akong kabahan, ang huling na aalala ko ay noong pumasok sa kwarto sj Jin at niligtas ako sa mga hayop na iyon, ang sabi niya nasa labas lamang daw sina Ace at Andre, ibig sabihin magkasama sila nang pinuntahan ako. "Seriously guys, nasaan si Ace? Ano bang nangyari?" Seryosong tanong ko. Narinig ko naman silang napabuntong hininga, tumabi sa akin si Jin hinawakan nito ang aking kamay. "You see princess, tatlo lang kami na pumasok sa mansion para iligtas ka at napakarami ng mga bantay sa mansion na iyon. Nagpaiwan sina Dale at Xian sa unang palapag upang e distract ang mga kalaban at makuha kita agad, unfortunately na saksak si Xian, and maraming dugo ang nawala sa kanya. Kinaya naman niya hanggang makasakay tayo sa chopper pero nasundan tayo ng kalaban, binangga ang sinasakyan natin and nabagok ang ulo ni Xian sa bakal. Sinugod kaagad siya sa Hospital, kayo to be exact. Pero dahil sa daming dugo na nawala sa kanya at rare pa ang blood type niya kaya medyo nahirapan pa kami sa paghahanap. Fortunately, nalaman namin na same pala ng blood type si kuya Charles at Xian, kaya naging maayos naman ang operation, ang hinihintay nalang ngayon ay ang pag gising niya. Ang sabi ng doctor may posibilidad daw na magkaroon si Xian ng amnesia." Hindi ako nakagalaw agad sa narinig. Hindi ko mapigilan ang aking luha na nag uunahang lumabas sa aking mga mata. "Kasalanan ko 'to" bulong ko. Kung hindi lang sana ako naging mahina, kung naging malakasnlang ako, hindi sana mangyayari to. "Shhh.. hindi mo ito kasalanan Jel, walang may kasalanan. magiging maayos rin ang lahat. Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi magugustohan ni Xian 'yan." Pagpapatahan sa akin ni Jel. Hindi ko mapigilan ang mapayakap sa kanya at doon umiyak sa kanyang mga balikat. Nang medyo kumalma na ako ay doon ko na na realize na naka uniform sila. "ilang araw na kaming nandito?" tanong ko habang pinuponasan ang aking mga luha  "It's been 4 days, ang sabi ng doctor kaya daw ang tagal mong nagising ay dahil sa sobrang na drain ng katawan mo, wala ka na daw talaga lakas. Kaya parang bumabawi ang katawan mo." Sagot sa akin ni Tim. Tumango naman ako, linibot ko ang aking paningin sa paligid, tulad ng napansin ko kanina ay kulay krema ang buong kwarto, hindi ito typical na kulay sa isnag hospital. May dalawang long sofa na siyang inuopoan ni Dale at Ron ngayon. May hindi kalakihan na mesa sa harap ng sofa. May maliit din na Ref katabi ng side table ko. "Bakit andito kayong lahat? Bakit walang nagbabantay kay Ace?" Tanong ko. Sinuboan ako ni Jin ng orange na tinanggap ko naman. "Ayaw ng parents niya na may bumibisita sa kanilang anak. Galit na galit sila nang malaman kung anong nangyari." Sagot ni Jin "Ganyan talaga yang sina Tita, nag iisang anak kaai iyang si Xander kaya ganoon na lamang sila ka galit, pero mawawala rin 'yan. Don't worry" Ngiting saad sa akin ni Dale, pinapagaan ang loob ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko naman sila ma sisisi, ganyan talaga siguro ang mga magulang. Kahit sina mommy nga sobrang protective. "Jel, I know this is not the right time to ask this, but I want to know what happened?" Mahinahong tanong ni Jin sa akin. Ano nga ba ang nangyari? Ang bilis kasi ng pangyayari doon sa banyo , nagising nalang ako, wala na akong magawa. Hays.. Sasagot na sana ako sa aking kambal ng biglang bumukas ang pintoan ng kwarto. Napatingin ako sa mga taong dumating at ganoon na lang ang aking kaba nang makita ko sina dad at mga head sa agency. Nagkatinginan na lamang kami ni Jin, hinawakan niya ang aking kamay at alanganin itong ngumiti sa akin. "Pwede ba naming makausap ang aking mga anak?" Ngiting tanong ni Dad. Mabilis nman na tumayo ang tatlo at nagpa alam na sa akin. Pupuntahan na lang daw nila si Xian, baka wala daw doon nag parents nito. "Princess, I'm glad you're finally awake!" Saad ni Daddy at niyakap ako nito ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik. Parang ang tagal na mula ng maramdaman ko ang init ng isang yakap. Bangungot ang nangyari sa akin, akala ko perpekto na ang gabi na iyon, lahat masaya, lahat perpekto, ngunit sadya nga sigurong ayaw ng panahon na magpakasaya ako---kami, habang hindi pa rin nahuhuli ang sindikato na iyon. Ang daming nadamay at nasaktan dahil sa pag liligtas sa akin. "Dad, kamusta ang mga agents? wala naman bang nasaktan sa kanila? o namatay?" Nag aalalang tanong ko. Masuyong hinawakan ni daddy ang aking mukha at magaang ngumiti ito at tumango. "Hindi basta basta ang training na pinag daanan nila kaya hindi rin sila basta basta mapapatumba sa mga sindikatong iyon,anak. Huwag ka ng mag alala sa kanila, ang alalahanin mo ay ang iyong sarili." Saad ni Dad sa akin, tinangoan ko naman siya. "Ahem!" Biglang tikhim ng isa sa mga head sa agency. Tatlo ang head ng agency namin, ang isa is head of weapons, siya ang nag aasikaso sa mga baril, katana, shurikin, granada at iba iba pang mga weapons. Siya ang head sa weaponry department. Sa department na iyon, gumagawa sila ng mga new weapons, sa tulong ng sensya ay mga high technology na ang weapons na ginagamit ng mga agent. Head of Technology department, siya ang nag aasikaso sa mga gadgets na ginagamit ng mga agents. Katulad na lang ng cellphone na ang agency at agents lang namin ang mayroon, airbuds, contact lens na parang katulad lang rin ng infolens, pati ang mga high technology na sasakyan ay sila rin ang gumagawa. Parang yung katulad lang sa company ni Ron. Pero mas enhance at mas madaling gamitin ang mga gawa namin. Yyng iba ay hindi mo maiisip na nag eexist pala Last but not the least is ang Head of Trainings, siya ang nakaatas na mag asikaso sa mga training ng mga agents, ang sabi sa akin ng mga kuya ko ay para kanraw bumisita sa impyerno kapag nag titraining. Sobrang strikto daw ng mga instructor at sobrang higpit pa sa training. Nandito silang tatlo ngayon, may ideya na ako kung bakit. Natatakot lang ako sa sasabihin ng mga kaibigan ko. Buwan kaming mawawala ni Jin kung sakali. "Magandang tanghali sa inyo Jin and Jel, siguro ay may ideya na kayo kung bakit kami nandirito, Sa susunod na buwan. 10 days from now ay magsisimula na ang training ninyong dalawa." Seryosong pahayag ni Head Suarez. "But sir, hindi pa magaling si Jel" angal ni Jin. "10 days pa naman iyon Jin, magaling na ang iyong kambal sa panahong 'yon." Sagot naman pabalik ni Head Suarez. Hindi na lamang umangal pa muli si Jin dahil hinigpitan ko rin ang hawak sa kanyang kamay, pahiwatig na hayaan na lamang. "But aside from that, we want your team to join your training." Biglang saad ni Head Montero. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay para bang hindi malaking rebelasyon angbkanyang winika, na parang normal at maliit na bagay lang iyon. Nagkatinginan naman kami ni Jin at nanlaki ang mga mata namin sa narinig. "WHAT?!" Sabay namin na sigaw ni Jin. "We want your team to join your training" muling saad ni Head Montero "Ano?!" Sagot ko naman ulit. "We want your team to Join your training" Ulit niya, napabuntong hininga na lamang ang dalawang head sa sagot nito. "I mean, bakit?" Tanong kong muli. Ngumiti ito at umupo sa silya na katabi ng aking higaan. Nakapandekwatro itong tumingin sa akin. "We saw how your team worked, we've been observing you since Charles become your adviser. And I can see that you are a great team. You all have the quality to become a best agents, may kanya kanya kayong kayang gawin and you have the cooperation. That is why we decided to recruit your team in our agency Mr. and Ms. Hamilton." Sagot nito sa akin Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Dad, "but sir, hindi pa nila alam kung ano kami ni Jel and I don't want my friends to be in this kind of situation." Angal ko naman. sumeryoso naman bigla ang mukha nito. "Ano nga ba kayo? at anong sitwasyon ba ang mayroon kayo? This is your responsibility as a heir of this agency---of this organization. You need to make tough decisions, you need to face it. And its not your decision that matters this time Ms. Hamilton, the decision lies in your friends. You just need to tell them, that's all. If you don't want to. I'll ask Charles to do it for you. Prove yourself to us Jel, prove to everyone that you'll become a great leader and tght you are worthy to die for." Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumayo na ito, nag bow pa muna siya sa amin bago ito tuloyang umalis. "We're here to help, you don't need to worry" Sagot naman ni Head Santos. Nag bow pa muna ang dalawang head bago pa man ito sumunod sa naunang head. Napabuntong hininga naman ako. "Princess, nasa kanila naman 'yon kung papayag sila o hindi. you still have 10 days. they still have 10 days to decide. Don't worry too much okay? Papapuntahin ko si Charles para tulongan ka mag explain sa mga kaibigan mo." Saad ni Dad natinangoan ko lang. Hinalakan ako nito sa noo at nagpaalam ng umalis. Nang nasa tapat na siya ngnpinyo ay bigla na lamang bumukas iyon at bumungad sa akin ang umiiyak ngunit nakangiting si Tim. "Jin, Jel! Gising na si Xian! Gising na siya!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD