CHAPTER 39---Rescued

1940 Words
"There is only one way to be on the second floor. It's using the stairs, well that's quite obvious. Now, it's dangerous to have your way there. Maraming bantay sa ikalawang palapag. Makikita kaagad kung mayroong tatapak sa hagdan. So this is the plan. Dale and Xian, kayo ang haharap sa nga kalaban. Kayo ang mauunang pumunta sa hagdanan, kapag nakita na kayo ng mga kalaban, distract them. Habang ikaw naman Jin ang pupunta sa kinaroroonan ni Jel. Hanggat maaari ay huwag kang magpapahuli sa mga mata nila. I'll figure out ways para makatakas kyo kaagad kapag nakuha ninyo na si Jel" Mahabang paliwanag ni Ron. Katulad ng plano ay sina Dale at Xian ang ang naunang umakyat na kaagad namang nakita ng mga lalaki. Mabilis silang sinugod ng mga ito dahilan upang hindi napansin ng mga sindikato ang pag akyat ni Jin. Xian's POV sinangga ko ang sipa ng lalaking aking kaharap at mabilis na inikot ito at pinaulanan ko ng suntok nang nasa sahig na ito, nang maramdaman ko na may paparating ay mabilis akong gumulong dahilan kung bakit ang kasamahan ng lalaking sumugod sa akin ang natamaan ng baseball bat na bitbit nito.  Sa tantya ko ay nasa mahigit bente ka tao ang nakapalibot sa amin ni Dale ngayon. "Paramihan tayo ng taong mapabagsak insan. Para naman hindi maging boring ang pakikipagbuno natin sa mga ito." Ngising saad ni Dale sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko kung paanong ekspertong iniilagan niya ang bawat hampas ng mga lalaki at mga sipa at suntok nito. Napailing na lamang ako at sinagot siya  "4 down" Saad ko matapos mapatumba ang lalaking sumalubong sa akin ng suntok. Nabali ko tuloy ang kanyang kamay dahil sa gulat. Tsk tsk Nakita ko na may susunggab na sana sa nakatalikod na si Dale kaya mabilis kong dinambot ang nakita ko na balisong at pinunterya ang kamay ng lalaki dahilan kung bait nabitawan niya ang balisong na bitbit. Sapol! "Thanks!" sigaw ni Dale. Nginisihan ko lamang siya at nagpatuloy sa pakikipag suntokan. Hinanap ng aking mga mata si Jin, hindi ko na siya nakita dito sa papag kaya naman napatingin ako sa itaas. Doon nakita ko siya na kakalanding lang, lumingon siya sa akin at tumango. Mabilis siya tumakbo patungo sa kaliwang bahagi. Napahinga ako ng bahagya sa isiping maililigtas na namin sa wakas si Ellise. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang pag tawag ni Dale sa pangalan ko. "Xian sa likod mo!" Sigaw ni Dale. Humarap ako at mabilis kong naramdaman ang sakit sa aking tiyan. Nang tiningnan ko ito ay nakita ko ang masasaganang dugo na lumalabas sa aking tiyan. Mabilis ko na sinuntok ang lalaki at umatras. "Xian!" Rinig kong tawag ng aking mga kaibigan. "Ayos lang ako. Mag focus tayo sa laban. Huwag kayong mag alala  daplis lang ito." Sagot ko sa kanila. Pinunit ko ang aking t-shirt at itinali ito sa aking sugat. Nakita ko si Dale na pinapalibutan ng tatlong lalaki, kaya mabilis ko na binunot ang aking baril at pinaputokan ang mga ito. "Son of a b*tch!" Sigaw ni Dale kaya napatawa ako. Kahit kailan talaga! Humihingal kaming napasandal sa isa't-isa. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Apat na lang ang natira. Lahat ay nakabulagta na sa sahig. "Kaya mo pa ba insan?" Tanong sa akin ni Dale, may halong pang aasar at pag aalala sa kanyang boses. Napatawa ako at sinagot siya. "Hindi ako weakling na mapapatumba sa isang saksak lang Dominique! Taposin na natin to. Gusto ko na matulog" Napahalakhak naman siya sa aking sinabi. "Ohrayt! Lez get it! Nag hihintay na ang mga pagkain sa akin" Ngising pahayag niya. "Ahhhhh!!" Sigaw ng apt na lalaki papasugod sa amin. Binunot ko ang mga shurikin sa aking mga hita at pinatamaan ang mga hita ng dalawang lalaki, ng mapahinto sila ay doon ko binunot ng katana sa aking likod at iwinasiwas ito sa dalaw dahilan kung bakit nasugatan ang mga balikat nila. Bubonot na sana ang mga ito ng baril pero inunahan ko ito sa paghiwa ng kanyang kamay. "Ahhhhh!!" Sigaw nito sa sakit. Dahan-dahan ko itong nilapitan habang bitbit ang aking katana. Napapa atras naman ang lalaki. "huwag po! Maawa kayo sa akin! May pamilya ako. Maawa kayo" Iyak nito sa aking harap. Hindj ko mapigilan ang galit sa aking puso at siniluntok ito dahilan ng pagkawala ng kanyang ulirat. Tsk! May pamilya siya pero pumasok sa ganitong klase ng trabaho. Ganitong klase ng buhay ba ang ibibigay niya sa kanyang mga anak? "Easy Xian! Huwag mong ibunyon ang galit mo sa kanila. Tara na, sundan natin si Jin sa itaas." Saad ni Dale sabay tapik sa aking braso. Tumango lang ako at tumayo. "Xian kaya mo pa ba?" Rinig kong tanong ni Tim sa akin. "Kaya ko pa Tim. Daplis lang 'to" sagot ko. Umakyat na kami sa hagdanan ng biglang narinig ko ang pagpapanik nina Ron at Tim. "Shyt! Xian! Dale! Huwag na kyong timuloy sa itaas. maigit isang daan ang mga kalaban na naghihintay sa inyo!" Sigaw ni Ron. Ngunit huli na dahil nasa ikalawang palapag na kami kaharap ang mga naglalakihang lalaki na bitbit ang kanilang mga pistola. Shyt! aatras na sana kami ngunit nang tingnan namin ang baba ay puno rin ito ng mga armadong lalaki. Kailan ba mauubos ang mga to? "Lord! Ayoko pang mamatay ng Virgin!" Rinig kong dasal ni Dale. Ako po Lord, ayoko pa na mamatay ng hindi man lang napapasagot si Ellise! "Huwag kang mag alala Dale, hindi ka mamamatay ng hindi pa nakakatikim." Rinig kong saad ng isang boses. Sabay kaming napatingala ni Dale sa itaas kung saan nanggagaling ang boses. Holy mother of earth!! Someone's POV "Questo sta diventando interessante (This is getting interesting)" Hindi ko akalain na magaling pala talaga makipaglaban ang mga bubwet na ito, ang akala ko ay grupo lamang ng mga pakialamero ang mga 'to ngunit laking gulat ko na lamang nang malaman ko na tagapagmana pala ng hamton ang kambal. "Dios,Ecco le informazioni su quei ragazzi, non posso credere che provenissero da quella famiglia. Penso che il destino abbia giocato davvero bene questa volta.(Lord, here are the information about those kids, I can't believe they ce from those family. I think fate really played well this time.)" Nilingon ko si Uno at kinuha ang nga papelis na nasa kanyang kamay. Binasa ko at hindi ko mapigilan ang mapatawa sa aking mga nababasa. " Sono entusiasta di come questo destino contorto si accompagni all'amicizia dei bambini. Non sono io quello che li distruggerà. Si distruggeranno! Sarò solo qualcuno che diventerà il cosiddetto eroe! (I'm excited on how this twisted fate come along with the kids friendship. I'm not the one who will destroy them. They will destroy themselves! I will just be someone who will become there so called hero. )" Sagot ko. Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak sa isipin na sila mismo ang magpapatayan sa isa't-isa. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman nila kjng anong klaseng pamilya ang pinagmulan nila? Napatingin ao sa screen ng makita ko na pinapalibotan na ng aking mga taohan ang mag pinsan. Sa isang kwarto naman ay nandoon ang kambal, patuloy na nakikipaglaban ang lalaki upang maprotektahan ang kambal na babae na wala pa ring maay hanggang ngayon. "Hamilton è qui, signore (Hamilton is here, Lord)" Bulong sa akin ni uno. Tumingin muli ako sa screen at doon nakita ko na napapalibotan na ng mga taohan ng mga hamilton angaking mansion. Napangisi na lamang ako. "Rimuovi tutte le possibili prove contro la nostra organizzazione (Remove all the possible evidence against our organization)" Goodluck with your twisted faith Unknown! Xian's POV Nagulat ako ng makita si Kuya Hunter sa itaas ngunit mas nagulat ako ng makitang wala ng bobong ang mansion. What the! Kailan pa nila tinanggal yan? "Sorry we're late. Well, alam mo na. Heroes tend to be late." Ngising saad niya. Hindi na ako nagulat ng may biglang mga lalaki na nagpapadaosdos pababa. sobrang daming helicopters sa itaas! "Kami na ang bahala rito. tulongan ninyo si Jin. May naghihintay sa inyo na helicopter sa labas nggusaling ito. andoon na sina Rin at Tim. Bilis!" Utos ni Sir Charles. Nagugulat man ay sinunod pa rin namin ang kanyang utos. mabilis kami na tumakbo ni Dale patungo kay Jin. Kumikirot na ng sobra ang sugat ko at nagsisimula na na magdili.ang aking paningin ngunit ininda ko lamang ito. Hinfi ako pwede mawalan ng malay hanggat hindi pa namin naililigtas si Ellise. Nang makapasok kmai sa kwarto ay nakaluhof na si Jin sa pagod habang nakahandosay naman si Ellise sa kanyang likod. Kahabag habag ang hitsora nito, puno ng pasa ang buo nyang katawan! Nandilim ang paningin ko sa nakita at sinugod ang mga lalaki. Hindi ko na alam ang aking ginagawa basta ang alam ko lang ay papatayin ko ang mga hayop na ito!! "XIAN! TAMA NA!" Hindi ko mapapatawad ang mga hayop na 'to! Anong karapatan nila para saktan si Ellise?! "XIAN! TAMA NA! TAMA NA ANO BA!" Napahinto ako ng may sumuntok sa akin. "Tama na! ekalma mo nga ang sarili mo! Umalis na tayo dito, kailangan nating gamotin ang mga sugat mo. Kailangan na rin natin ilayo si Jel sa lugar na ito. Halika na!" Ani Jin. Doon lang ako nataohan, nilibot ko ang kabooan ng kwartong iyon, Nakabilulagta ang mga lalaki, ang iba ay putol ang kamay at paa. Di-did I did this? "XIAN ANO BA?!" Rinig ko na namang sigaw ni Dale, Nilingon ko sila at nakitang nakakunot noong nakatingin sila sa akin. Nabitawan ko nalang ang aking katana at hahakbang na sana palapit sa kanila ng biglang kumirot na naman abg sugat ko. Bigla akong nakaramdam ng hilo dahilan kung bakit ako napasuray. Naramdaman ko naang ang pagkuha ni Dale sa kamay ko aylt isinukbit ito sa balikat niya. "H'wag ka na muna mag isip ngayon, kailangan na nating gamotin ang sugat mo. Napakarami ng dugo na nawala sayo." Saad ni Dale. Hindi na lamang ako kumibo at nagsimilula na lamang akong humak bang. Lalabas na sana kami ng biglang may ingay natanggal ang bobong sa kwarto. Hindi na ako nagulat ng makita sa kuya Damon sa chopper. "Guys! Mag lalaglag kami ng rolling ladder. Kumapit lang kayo! Huwag na kayo umakyat, mapupunta rin kayo dito sa itaas!" Rinig kong sigaw ni Tim. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na na humakbang patungo sa hagdan. ng makatapak na kami ay bigl nalang nag roll ang hagdan. Nang nasa pintoan na kami ng chopper ay tinulongan kmai nina Ron at Tim upang maka pasok sa loob. Nang sa wakas ay makapasok na kami, isinara na ni kuya demon ang pinto. Napahinga ako ng maluwag ng magsimula na kaming lumayo sa lugar na iyon. "Xian, kaya mo pa ba? Hindi, I mean kayanin mo!" Natatarantang wika ni Tim habang tinatanggal ang tela na binalot ko sa aking bewang. "Ahhh!" hindi ko na mapigilan ang mapasigaw nang biglang kumirot na naman ang sugat ko. "Oh may gad! Sobrang putla mo na! Ang dami ng nawala na dugo sayo. Kuya Damon! Bilisan n'yo po!" Natataranta na talagang sigaw ni Tim habang tinatakpan ng panyo ang aking sugat. Patuloy pa rin ang pagkawala ng mga dugo sa aking tiyan. Umupo ako ng maayos, at ningitian si Tim. "Ayos lang ako. Si Ellise?" Tanong ko. Lumingon naman sya sa kaliwa na sinundan ko rin ng tingin, doon nakita ko si Jel na wala pa ring malay. Lalapitan ko na sana siya ng biglang umalog ang chopper, naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumama sa aking ulo, then everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD