CHAPTER 3

1824 Words
Nang ma kompleto na kami ay nagsalita na si kuya chief. “Can you tell us your deduction kids? And please tell us if you already know the culprit. Hindi na kayo dapat pa na magtagal dito dahil malapit nang dumating ang iba ko pang kasamahan, baka makita pa kayo and I know you have classes to catch.” Napabuntong hininga na lamang ako, kailangan na pala talaga naming tapusin to. Ayoko rin namang mapagalitan si kuya chief dahil sa amin. Sobrang daming sermon na ang tiniis nya matulungan lang kami sa mga kasong gusto naming hawakan. Kuya chief is just a normal police officer, hindi sya ang cheif of police pero yun ang tawag namin sa kanya dahil naniniwala kami na mararating rin nya ang posisyon na iyon balang araw. Mga supporter nya kami kumbaga. Palagi nya kaming sinasama sa mga kasong hinahawakan nya at binaback-upan sa lahat ng gusot na pinapasokan naming magkakaibigan. Hindi naman kami ganun ka bad, slight lang. Tilutulungan nya kami lalo na kapag may kaso kami na gustong lutasin pero ayaw kaming palapitin ng ibang police, lage syang tumutulong para makapag imbistiga parin kami. Cool nya nu? Swerte nga namin dahil may nakilala kaming isang police officer na gaya nya. Salut for kuya cheif! Kahit naman na may ibang police officer na humingi ng tulong sa amin ay may iba parin talagang may ayaw at palagi kaming pinapalayas sa crime scene or worse ay binibigyan pa kami ng free ticket, trip to police station. Kaya ang swerte naming magkakaibigan dahil simula nang sinimulan namin ang karerang to ay may isang tao talaga na handang gumabay, sumupurta at naniniwala sa aming kakayanan. He's been with us since day 1. Alam nya kung gaano kami ka pursigudo pagdating sa pagreresolba ng kaso. Kadalasang nangyayari kasi kapag ibang officer ang kaharap namin ay kung hindi kami pagtatawanan ay mamaliitin. Kaya the best tong si kuya cheif eh! Sana lahat ng Police ih nakikinig sa opinyon ng mga tao sa kanilang paligid. Mas mapapadali pa ang trabaho nila! Magsasalita na sana ako nang biglang tumawa ang bestfriend kuno ng biktima. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Ano namang problema ng doctor na ito? Sarap bigwasan ehy! I'm sure mamaliitin lang kami ng isang to. Kesho anong alam at magagwa ng bata sa trabahong pang pulisya? “Nagpapatawa ka ba? Ano naman ang magagawa ng mga batang yan? Baka kung sino sino nalang ang ituro ng mga totoy nato?” Sabi ko na nga ba eh! Ngumiti lang si kuya chief sa kanya at tinangoan kami bilang senyalis na magpatuloy sa pagpapaliwanag. I just smirked at him. We don’t have time for his sh*ts in life. Magreklamo sya sa sarili nya hangga't ma satisfied sya! Kaloka to. Totoy pala ah? Tingnan natin kung anong magiging reaksyon mo kapag isiniwalat na namin kung sino ang salarin. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isa sa inyong tatlo ang pumatay kay Mr. Macaraig.” Walang ka gatol-gatol na wika ni Jin. Lokong Jin to. Inunahan pa ako. Pero sige, ibigay muna natin sa kanya ang spotlight. Humarap sya sa mag kasintahan at sinimulan na itong tanungin. “I asked you two a while ago why you are here. Sabi nyo ay nag check-in kayo sa hotel nato 1 hour before dumating ang biktima. Sa 5th floor kayo at saktong sa baba lang ng room nato ang room ninyo tama?” Tumango naman ang babae sa sinabi ni Jin.  Nakita ko pa kung paano humigpit ang hawak nya sa kanyang kasintahan. Toko ka ghurl? Kapit na kapit? “Nalaman ninyo lang na patay na ang biktima nang naki-usisa kayo sa floor nato dahil nagkakagulo ang mga tao. Nasaan kayo noong nagaganap ang krimen?” Tanong ulit ni Jin sa kanila. “Nandito lang kami sa kwarto magdamag hanggang sa nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Noong una ay hindi lang namim ito pinansin dahil baka may nag popropose o nag aaway lang sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay narinig namin ang serina ng mga pulis. Dahil sa pagtataka ay umakyat nga kami dito at nalaman na patay na ang kapatid ko. Ni hindi ko nga alam na nandito sya eh.” Bigla naman umiyak ang kapatid ng biktima kaya kaagad na hinimas ng nobyo ang kanyang likod. May binubulong bulong pa ito na sila lang din ang nakakarinig. Naging bubuyog sya bigla! Tinitigan ko ng maigi ang magkasintahan hanggang sa marinig ko ang boses ni Tim. “Mr. Palomares.” Tawag ni Tim sa Ginoo. “Ano ang ginagawa ninyo sa hotel na ito?” Huminga muna ng malalim si Palomares bago sinagot angbtanong ng aking kaibigan. “Tulad ng sabi ko kanina, nakatira sa hotel na ito ang aking anak. Sa 10th floor sya naka check-in. Noong pagdating ko sa hotel, nakita ko si Macaraig dahil nakasabay ko sya sa elevator. May dapat pa kaming pag usapan sa proyekto na ginagawa nya dahil hindi pa nya na erireport sa akin ang detalye. Palagi itong wala sa opisina nitong nakaraang araw kaya gusto ko syang maka-usap, sinabi nya naman sa akin ang kanyang room number. Umakyat muna ako sa hotel room ng aking anak bago sya pinuntahan. Nakailang katok na ako sa kwarto ngunit hindi parin nya binubuksan ang pinto. Makalipas ang ilang minuto ay tatawagan ko na dapat sya ng pagpihit ko sa siradora ay hindi ito naka kandado kaya pumasok na ako, at doon ko nga nakita ang kanyang katawan na puno na nang dugo.” Mahabang paliwanag nya sa amin. Medyo kumalma narin sya kumpara sa kinikilos nya kanina na akala mo naman ay kakatayin sa sobrang pangingig. Kaya napagkakamalan eh. Halata kasi masyado. Biglang tumunog ang cellphone naming magkakaibigan at mukhang galing lamang ito sa iisang tao. Galing sa lolo Ron nyo! Ito yung binulong ko kanina sa kanya, I ask him to look over every CCTV in this building at e text kami pag may nakita syang makakatulong sa kaso. Nung nabasa ko ang huling laman ng mensahe ay napangisi na lamang ako. Huli ka boy! Tama nga ang hinala ko, I just need this confirmation. “Basi sa sugat na natamo ng biktima ay hinampas sya ng isang matigas na bagay. Katamtaman lang ang lakas nito kaya hindi gaanong ka laki ang c***k sa kanyang ulo. Yun nga lang dahil lagpas kalahating oras na bago sya natagpoan kaya hindi narin nagtagal pa ang kanyang buhay. Sa sobrang dami ng dugo na lumabas sa kanyang ulo impossible talaga na maka survive pa sya. Malas lang nya't maaga syang sinundo ni kamatayan.” Binatokan naman sya ni Tim dahil sa huling tinuran nito, napa “what” nalang si Dale sa kanya. Buti nga sa kanya! Seryoso na nga ih, sinisingit nya talaga ang kalokohan. Napabuntong hininga nalamang ako bago magsalita. “Ms. Macaraig. Why did you kill your brother?” Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Lalo na ang magkasintahan sa aking harapan. Gulat kayo nu? Ayoko nang patagalin pa ito. Masyado nang madaming oras ang nasayang. Umiling-iling nalang ang mga kaibigan ko habang winawagayway pa ang kamay, pahiwatig na magpatuloy ako sa aking sinasabi. Supportive talaga. Hihi kaya lab ko yang mga yan ih. “Hoy bata! Bakit pinagbibintangan mo ang girlfriend ko ha? Hindi pa ba halata na yang si Palomares ang pumatay sa kaibigan ko? Halatang halata sa mukha nya! Doctor ako kaya alam kong sya ang pumatay basi sa mga kinikilos nya!" Nagagalit na sigaw ni Karl sa akin. Kita ko ang panginginig ng babae habang humahagolhon at sinasabing hindi sya ang pumatay. Arte pa! Hindi ko nalang ito pinansin sa halip ay nagpatuloy ako. "Hindi porke't ganyan ang hitsura nya ay sya na kaagad ang pumatay kay Mr. Macaraig. You are a doctor yet you didn't notice the symptoms of this man? He has an acute Social Anxiety Disorder kaya ganyan sya mag react. Am I right Mr. Palomares?" Gulat naman na napatingin sa akin si Mr. Palomares, makalipas ng ilang segundo na pagkatulala ay dahan dahan itong tumango sa akin. "I'm always like this when I'm in shock or my mind is consumed with fear." Wika nya. Tiningnan ko naman ang kaibigan ng biktima at tinaasan ng kilay. Ano ka ngayon? Pinagyayabang pa ang pagiging doctor! Bigwasan ko kaya sya ih! Aanhin nya ang kanyang propesyon kung simpling symptoms ng pasyente ay hindi nya pansin? Napayuko nalang ito kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita. Pahiya sya ih “Sinabi mo na hindi mo alam na nandito sa hotel ang kapatid mo. Ngunit ano ito?” Pinakita ko ang litrato nilang tatlo sa lobby ng hotel. Makikita sa larawan na para silang nag-aaway. Nakita ko naman kong paanong namutla ang kanilang mga mukha. Hindi nagsisinungaling ang ebedinsya ateng! “Ngunit hindi sapat na basihan iyan para pagbintangan mo ang girlfriend ko sa pagpatay ng kapatid niya!” Galit talagang sigaw ni Karl sa akin. “Nag away kami dahil nakita kami ng kuya nya na naghahalikan, hindi alam ni Jordan ang relasyon naming dalawa kaya ganun nalamang ang galit nya. Hindi naman namin alam na andito din pala sya sa hotel na ito. Pero pagkatapos nang pagkikita namin sa lobby ay hindi na ito nasundan pa.” Pagpapatuloy pa nya.Tumatango-tango naman akong pumunta sa katawan ng biktima. Sinoot ko muna ang gloves na nakalagay sa bulsa ko bago ko pulutin ang maliit na hikaw. Maliit na bilog lamang ito kaya hindi mo talaga mapapansin lalo na't natatabunan ito ng kamay ng biktima. Pinakita ko ito sa kanila at bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat, unti-unting nabalisa ang kanyang mukha. Sobrang putla na nito na akala mo ay tinakasan ng dugo sa katawan. Bakas naman ang gulat sa mukha ng kanyang nobyo at parang di makapaniwala sa nakita lalo pa’t pag tiningnan mo ang kanyang dalawang tenga ay wala na ang isang hikaw ng kanyang nobya. “I asked Ron to checked every corner of this building. And nakita nya si Ms. Jean na may itinapon sa basurahan. Sa una ay hindi mo mapapansin na ang murder weapon iyon dahil nakalagay ito sa isang trashbag. But when Ron checked it. It ended was the weapon she used to kill her brother. Noong una ay hindi agad makilala na si Ms. Jean ito dahil sa cap at mask na soot but after that person go to comfort room hindi na ito nakitang lumabas instead" Tiningnan ko si babae. "Ms. Jean Macaraig show up.” Pagpapatuloy ko. Gusto kong matawa kung paano tumanggi si Jean sa kasalanang ginawa habang ang boyfriend naman nito ay natulala na lamang. Hindi siguro ito makapaniwala na kaya itong gawin ng kasintahan. Who would thought na ang babaeng mahal mo ay kaya palang pumaslang? “Paanong nangyari na hindi sya nakita ng CCTV na pumasok at lumabas sa kwaro ng biktima?” Tanong ni kuya chief. I just smirked. Sasagot na sana ako nang “Nice question chief”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD