CHAPTER 26---Another One

2116 Words
“Ayos lang ba kayo? Wala bang nasaktan?” Nag aalalang tanong ko nang makapasok na sila sa loob ng bahay. Agad kong nilapitan si Jin at chineck kung mayroon ba siyang sugat na anatamo, nang makita kung wala naman ay nakahinga ako nang maluwag. “I’m okay princess, don’t worry Tingnan mo si Xian. Sinalo niya ang ataki sa akin ng lalaki kanina.” Saad ni Jin na tinanguan ko naman. Nilapitan ko si Xian na ngayon ay naka upo na sa sofa. “Wala bang masakit sayo?” Tanong ko. Ngumiti lang ito sa akin, makakahinga na sana ako ng maluwag ng bigla siyang mapangiwi. “Anong problema?” Tanong ko. Itinaas naman niya ang kanyang damit at bumungad sa akin ang dumudugo niyang tagiliran. “What the heck! Anong nangyari sayo?” Biglang lapit ni Dale sa amin. Natataranta akong pumunta ng banyo at kinuha ang first aid kit doon. “Daplis lang ‘yan” Rinig kong saad ni Xian. Binuhusan ko ng alcohol ang alcohol ang kanyang sugat dahilan ng kanyang pag hiyaw. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pag lilinis ng kanyang sugat, totoong daplis lamang ito at hindi naman Malala pero labis pa rin ang pag aalalang nararamdaman ko ngayon. Ang bilis ng t***k ng aking puso. Nang matapos kong malagyan ng ban aid ang kanyang sugat ay umupo na ako sa kanyang tabi at tiningnan si Kuya Charles ng seryoso. Anong gulo ba kasi ang pinasok niya? “Kuya, ano po ba ang nangyari?” Kunot noong tanong ko. Bumuntong hininga ito bago tumingin sa amin isa-isa. “I’m sorry for bringing trouble to you kids.” Saad niya. “Kuya, you don’t have to say sorry. Ang gusto namin malaman bakit kayo nahuli?” Tanong naman ni Jin. “I’ve tried to go to the admin laboratory to confirm something. When I’m already there. Hindi ko namalayan na Malayan na may nakakita pala sa akin na tauhan ng paaralang ito. Kaya na corner nila ako.” Paliwanag niya. Tumango naman kami sa kanya. “May nakuha ba po ba kayong impormasyon?” Tanong naman ni Xian. Biglang sumeryoso ang mukha ni kuya Charles. “Alam ko naman na nag tatransact ng eligal na druga ang mga tao sa paaralang ito, ngayong gabi nalaman ko na hindi lang droga ang ginagawa nila kung hindi pati mga iligal na armas at bomba rin pala.” Seryosong saad Ng Aming guro. Napalunok naman ako sa narinig. Hindi pala talaga basta basta itong napasok namin. “Now, I need to ask the information you gathered about the death of your teacher.” Seryosong saad niya. Tumayo naman ako at pumunta sa white board. Pinaliwanag ko sa aming adviser lahat ng impormasyong nakalap namin. Habang nag sasalita ako at tumatango lamang siya at pa minsan minsan ay nag tatanong rin. “Okay, I got it. For now, mag lie low muna kayo tungkol sa kasong ito, Nakita pa naman kayo ng mga lalaking iyon, kung aalis man kayo ay huwag ninyong hayaan na kayo lamang mag isa. Dapat magkasama kayo. Since anim naman kayo at magkaklase klase naman sina Xian, Jel at Tim ay kayong tatlo rin ang inaasahan kong lagging magkasama.” Utos niya. Tatango n asana ako ng biglang itinaas ni Timmy ang kanyang kamay. “Kuya, pwede exchange kami ni Jin? Ang dalawang iyan kasi ay hindi maipaghiwalay, at ayaw ko rin pong maging third well kina Jel at Xian.” Reklamo niya. Inirapan ko naman ang aking kaibigan dahil sa sinabi. “Hmm. Sige, Para tig iisang babae rin kada grupo. Pero Timmy, kailangan mong mag hintay sa mga lalaki mong kaibigan kapag aalis ka ng room o kahit saan mo man gusto mag punta ay dapat kasama mo ang kahit isa sa kanila. At ganun rin sa iba. Maliwanag ba?” Tanong niya. “Noted po” Sabay na saad namin. “Okay, that’s it for tonight. Matulog na akyo. May pasok pa bukas.” Tumayo na ang aming guro at nag paalam na itong umalis. Nagsipasok naman na din kami sa aming mga kwarto at natulog na rin. Timmy’s POV Mahigit isang lingo na rin mag mula ng ma engkwentro namin ang mga kalalakihang hindi naman namin nakilala dahil nakataklob ang mga mukha nito. Mahigit isang lingo ko na rin na kasakasama itong dalawang asungot na ito, remind me again bakit mas pinili ko pa sila? “Timmy bilisan mo nga!” Pang sampong beses na ata tong tawag sa akin ni Dale. Nandito kasi kami ngayon sa mall at bumibili ako ng make up. Kanina niya pa ako minamadali. Hindi tuloy ako makapag concentrate. “8 na oh! Baka masarhan ka ng mall niyan?” Singit na naman niya. “Ron? Dalhin mo nga muna sa labas tong lalaki na ito bago ko pa siya ma sapak!” Inis na saad ko. Napapailing na lamang si Ron sa aking sinabi at hinila na nga si Dale palabas. Ngayon makakapili na ako freely. Nag titingin ako ng concealer at foundation na full coverage. Hindi naman kasi para sa akin itong bibilhin ko kung hindi para sa mga disguise namin in the future. Nang matapos na akong mamili ay pumunta na ako sa counter at pumili na, may tatlong babae pa na nasa aking harapan at nang tingnan ko ang bitbit nila ay mga 3-5 items lang naman ito kaya paniguradong mabilis lamang ito. Tiningnan ko ang aking relong pambisig, 08:12 pa lang ng gabi. Buti na lamang ay inuna namin ang kuman bago mamili. Naiisip ko kung sino kaya ang nakakaramdam ng pagiging third wheel sa kanilang dalawa ni Jin at Xian? Kasi kahit magkapatid iyang si Jin at Jel ay mas sweet pa yang mga yan sa matamis na cake, Jusko ha? kapag kasama ko iyang dalawa ay pakiramdam ko hindi ako mahal ng mga kapatid ko. Si Jel naman at Xian ay nararamdaman ko na amy something sa kanilang dalawa ih, mga pabebe lang. Kaya naisip ko sino kina Jin at Xian ang nakakaramdam ng paging third wheel? Hahahahhaha Hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod sa pila. Binigay ko nasa cashier ang mini basket na bitbit ko. Binayaran ko na ang aking napamili at lalabas n asana ng may biglang humawak ng braso ko. Nang linguni ko ito ay Nakita ko ang isang lalaki na nakatitig sa akin. “Yes?” Saad ko. “Ikaw po ba iyong myembro ng unknown club?” Tanong niya. Tumango naman ako. “Hihingi po sana ako ng tulong” Nahihiyang saad nito. Tuluyan na akong humarap sa kanya. “Sure pero pwede ba na bukas na lamang natin pag usapan ito? Kung hindi naman urgent at kung okay lang naman sayo. Pumunta ka nalang sa Clubroom bukas, lunchtime. Kung okay lang” Ngiting saad ko. “Sige po. Pasensya na po sa estorbo ah? Iniisip ko po kasi kanino hihingi ng tulong tungkol sa problema ng gf ko. Buti na alng Nakita kita ngayon.” Nahihiyang saad niya pa habang kumakamot sa kanyang batok. Natawa naman ako. “Wala iyon, by the way. Can I ask your number? So that I can communicate with you tomorrow.” Ngiting saad ko. Mabilis naman niyang kinuha ang telepono sa kanyang bulsa at binigay sa akin ito. “Type mo na lang po ang number mo sa phone ko, tetext po kita ngayon para ma save mo number ko.” Kukunin ko n asana ang telepono nang may na una sa akin sa pagkuha nito. “Here’s my number. Akon a lang tawagan mo. See you. Tara na Timmy.” Seryosong saad ni Ron. Awkward naman akong ngumiti sa lalaki at kumaway na sa kanya. Tahimik kaming lumabas sa Watson. “Nasaan si Dale?” Tanong ko. “Food court” maikling aniya. Problema nito? Nag kibit balikat na lamang ako at sumunod na lamang sa kanya. Jel’s POV Nasaharapan namin ngayon ang mag kasintahang Evo and Shaira. Nasabi na sa ain ni Tim na may lumapit daw sa kanya kagabi, hindi naman daw niya tinanong kung ano ang problema. Buti na lang hindi nahiyang pumunta sa club. “Ano ang maitutulong namin sa inyo?” Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa, pinisil ng lalaki ang kamay ng kasintahan para siguro bigyan ng lakas na mag salita. “I don’t know if you can call this a case but I just want to ask for help. Ilang lingo na kasing lagging nawawala ang gamit ko ih. I want to know who is the theft lang po.” Nahihiyang aniya. “Maaari ko bang malaman kung anong gamit ang kinukuha sa iyo?” Tanong ko ulit. Nagtaka naman ako nang biglang namula ang kanyang mukha. “Hmmm ano po ahhhh mga undies ko po” Nahihiya talagang saad niya. Napa tikhim naman ang kanyang boyfriend. “Manyak pala itong hahanapin namin.” Ngising saad ni Dale. “Can yu tell us more miss? I mean, paano mo napansin, at sa tuwing kailan nangyayari to?” Saad ko pa na hindi na lang pinansin ang sinabi ni Dale “Last last week po nag simul ana ang pagkawala ng gamit ko sa locker, noong una ay hindi ko lang pinansin kasi mga towel at spare shirts ko lang naman po, naisip ko baka pinag tripan lang, pero noong isang lingo ay bigla na lang pong Nawala ang isang underwear ko pagkatapos kong magpa laudry. Hanggang sa noong nagpa laundry ulit ako ay Nawala na naman po pati bra ko. Nahihiya po akong mag sumbong sa dormkeeper kaya sa inyo na lang kami lumapit ng boyfriend ko.” Paliwanag niya. “Sa laudry room ba nawawala undies mo Sharia?” Seryosong tanong ni Tim. “Yes po.” Sagot niya. “Hmmm. Dati nung first month ko pa lang sa dorm ay minsan rin akong nawalan, akala ko na misplace lang kasi d naman na ulit. Mukhang mayroon ngang manyak na kumukuha ng undies sa laundry room.” Saad ni Timmy. “Wala ka bang pinag hihinalaan shai?” Tanong ko. Sinagot naman ako ng babae ng isang iling. Tiningnan ko ang aking relong pambisig at nakitang 10 mins. Na lang ay mag sisimula na ang afternoon class namin. “Mag kita uli tayo after class para pag usapan ang plano natin. Wala na kasing oras para pag usapan ito dahil mag sisimula na rin naman ang klase.” Saad ko. Ngumiti naman ang mag kasintahan at tumango. “Salamat po sa tulong. We’ll be here at four po. Anong oras matatapos klase ninyo?” Tanong ni babae. “Same. We’ll meet here na lang.” Sagot ni Tim. Nag paalam naman na ang dalawa at maging kami ay umalis na rin. Nang kaming tatlo na lang ang natira sa paglalakad ay hinawakan ko ang braso ni Xian. Lumingon naman ito sa akin. “Kamusta ang sugat mo? Tanong ko. “Okay na, nag hihilom na s’ya. Syempre magaling nurse ko ih.” Ngising saad niya pa na inirapan ko lang. “Sa susunod kasi mag ingat ka” Mataray na saad ko. “Yes boss” birong saad niya nan aka salute pa talaga, natawa naman ako sa kanyang ginawa. “Jusmiyo marimar! Tigil tigilan ninyo ako sa paganyan ganyan niyo ah? Kinakagat na ako ng langgam!” Singit ni tim. Kumunot naman ang nuo ko sa kanyang tinuran. “Anong pinag sasabi mo?” Tanong ko. “Sus! Don’t me bes! Iyang mga ganyang galawan ay alam ko na saan papatungo iyan. Hindi na ako magugulat kapag nalaman ko na may namamagitan sa inyong dalawa!” Nakapamewang pang aniya. Lumaki naman ang mata ko narinig. Ano bang pinagsasabi nito? “Hoy Tim ah? Tumahimik ka! Pumasok ka na nga lang sa loob.” Inis na saad ko. Benelatan niya lang ako bago patakbong pumasok. Kung ano anong iniisip ng babaeng to ih. Papasok na rin sana ako nang may biglang bumulong sa akin. “Anong namamagitan naman kaya ang tinutukoy ni Tim?” Nanlaki ang aking mata nang pag lingon ko ay sobrang lapit g mukha anmin ni Xian. Napa titig ako sa kanyang mga mata. Nakangisi itong tumitig sa akin. “Ahem!” Napabalikwas naman ako ng tayo at natulak ko pa si Xian ng biglang tumikhim si Kuya Charles sa aming likod. “S-sir. Pasok po” Parang tangang saad ko pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa loob. King ina ‘yan. Ampupu naman! Nakakahiya. Tumatawang sumunod sa akin si Xian, hanggang sa makaupo kami ay hindi ko talaga siya nilingon. “Relax Baby” Bulong sa akin ng aking tabi. Kinurot ko ang kanyang hita at sinamaan ko siya ng tingin. Baby niya mama niya! Akala niya nakakatuwa? Hindi! Nakakakilig lang! Shems na boses yan pinapabilis ang t***k ng puso ko. “Tigilan moa ko Ace ah. Baka masapak kita ng wala sa oras.” Gigil na bulong ko. Kunwari galit para hindi mahalatang kinikilig. Mahinang tawa lamang ang isinagot niya sa akin. Bulang! Bakit pati pag tawa ang sarap sa feels? Inalis ko na lang ang mga naiisip ko tungkol kay Xian at sinimulan ng mag plano sa aking isip kong ano ang magiging plano namin mamaya. Hindi naman kasi ako na inform na hindi lang adik ang mayroon ang paaralang ito kung hindi pati manyak ay mayroon na rin pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD