CHAPTER 24---Gala in Katalina

2137 Words
"Mr. Dave Andres. 26 years old, isang bangkero sa lugar na ito side line mo ang pag babangka habang nasa bakasyon ka, o bakasyon nga ba?" Ngising saad ko. Napapalunok naman ang lalaki sa aking tinuran. "Nakita ko ang sasakyan mo na nakaparada sa likoran ng villa na inuopahan mo. Ang sasakyan na iyon ang iyong ginamit sa pag pick-up sa mga babaeng biktima. Pina check ko kay Ron ang CCTV na makikita ang bahay mo at doon nga nakomperma o na iyo ang sasakyan dahil chineck mo pa ito kaninang umaga." Saad naman ni Xian. "Sinubukan mong patayin si Andrea ngayong gabi dahil siya ang nag iisang witness sa kriming ginawa mo." Si Tim naman ngayon ang nag salita. "Paano ninyo naman nasasabi ang mga bagay na iyan? Wala kayong ebidensya!" Kinakabahang sigaw nito sa amin. Ngumisi naman kami sa kanya. "Ebedensya ba kamo? Ron, ipakita mo nga ang ebedensyang hinahanap niya." Saad ko. Tumango naman si Ron at prinent ang mga larawang nakalap. "Una, ay ang sasakyan na nakaparada sa likod ng bahay mo. Match ang plate number ng sasakyan na nagpasakay sa tatlong babae." Ipinakita ni Ron ang mga larawan sa lahat. Lumayo ang katabi niya sa kanya at takot na nag kompolan ang mga ito sa gilid namin. "Pangalawa ay ang lubid na gamit ni Andrea sa kanyang pagpapakamat, o nagpakamatay nga ba siya? Ang lubid na iyon ay sa bangka mo lang matatagpuan." Muli ay ipinakita ni Ron sa lahat ang mga litato ng lubid sa kanyang bangka at ang lubid na gamit ni Andrea. "Pangatlo ay nandoon ang fingerpprint mo sa cellphone ni Andrea. at maging sa lubid na gamit sa pagbitay sa kanya." Napangisi ako ng na puno ng pawis ang kanyang mukha at nanginginig na ang mga kamay nito. "Pang-apat ay ang mensahing iniwan ni Andrea." pinakita nI Ron sa lahat ang sulat ni Andrea. Nagsalita naman si Jin upang magpaliwanag. "Kung mapapansin ninyo ay may mga letra na naka-capitalize. Kung isusulat ito sa at pagdudugtungin lahat ay mabubuo ang dalawang salita" Isinulat ni Jin ang mga capitalize letter sa isang papel. "TULONG. DAVE." Basa ng mga tenants. Napasinghap ang mga ito at magkahalong takot at galit na tumingin sila sa salarin. "HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAAHHAH Ang akala ko ay magiging mapayapa ang pananatili ko rito ngunit nagkamali ako. Mga pakealamera!" Sigaw niya sabay bunot ng baril sa kanyang likod at itinutok ito sa akin. Mabilis naman na lumapit sa akin si Xian at Jin. "Huwag kayong gumalaw! Kung hindi ay ipuputok ko ito sa ulo ng babaeng ito!" Sigaw niya. Naririnig ko ang impit na sigaw at hikbi ng mga tenants na kasama namin. Mahinahon naman akong lumingon sa mga ito at nginitian sila. Binalik ko ang aking tingin sa baliw na lalaki. "Sabihin mo? Bakit mo ginawa iyon?"Mahinahong saad ko. Napansin ko naman ang dahan dahang pag lapit ni Dale sa kinaroroonan ng lalaki. "HAHAHAHHAHAHAHA Bakit ko ginawa iyon? Dahil ang iingay ng dalawang iyon! Tapos may gana pang saktan si Andrea! ih hindi hamak na mas maganda naman si Andrea kaysa sa kanila! Pinatay ko sila para mawala na ang mga mapanakit niyang kaibigan at ako na lang ang kakausapin niya. Pero ang walang hiyang babaeng iyon ay imbis na matuwa---Nagalit pa siya! Ginawan ko nga ng pabor! Kaya naman pinatay ko na rin. At pinaako ang pagpatay. HAHAHAHAHAHAHHAHAHA Lintek naman talaga ang talas ng kokote ninyo ano? Kaya lang kahit anong talas ng pag iisip ninyo kung wala kayong armas ay ma---Ah!" Naputol ang sasabihin sana ng kriminal ng may pumatid sa kanyang mga kamay. Lumipad ang baril na hawak niya na agad namang nasalo ni Dale at agad na itinutok iyon sa salarin. "Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Ngising saad ni Dale. Ang dami kasing kuda ih. Itinaas naman agad ng salarin ang kanyang mga kamay. "Luhod!" Utos ni Dale habang nakatotok pa rin ang baril sa kkokote ng salarin. Sumunod naman ito kaya agad na pinusasan ni Dale ang mga kamay nito. Tumingin ito sa amin at ngumisi. "Iyon na ba 'yon? Ang akala ko ay mas ma aksyon pa dito ang mangyayari, weak naman pala ang hayop na ito. Napatawa nalang ako sa inusal ni Dale. Kahit kailan talaga. Na rinig ko na ang serena ng mga pulis. Mabilis naman na lumapit si Sir Bright sa amin na may ngiti sa mga labi. "You did well kids. Now, I want you to go upstairs. Kami na ni Ket ang haharap sa mga pulis." Saad sa amin ni Sir na siyang sinunod naman agad namin. Nakasalubong namin si kuya Ket sa hagdan. Malapad ang ngiti nito at naka thumbs up pa. "Mahusay ang inyong ginawa. Na tapos ninyo ang kaso ng wala pang isang araw." Masiglang saad nito. Nagpasalamat naman kaming anim at dumeretso na sa kwarto na inookopahan namin ni Tim. Sa kwartong ito na lang siguro kaming lahat mag hihintaykay Sir. "Ang galiing talaga natin!" Nag mamayabang na saad ni Dale. "So dahil na tapos natin ang kaso ngayong araw. Makakapag libot pa tayo bukas! Nyay!" Masayang bigkas ni Tim. Nag tatalon pa ito sa kama na parang bata, Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Sa wakas ay makakapag-relax na rin kami after how many weeks of being stressed. "Yes, mag llibot tayo bukas mag hapon. Ang alam ko ay 6pm pa tayo babyahe pauwi ng Manila ih. Let's enjoy our day tomorrow here. Mukhang maganda ang buong lugar na ito." Ngiting saad ko sa kanila. Napa yes naman ang aking mga kaibiganan. Nag paplano kami kung anong magandang gawin bukas ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Bright. "Great job kids! Napahanga ninyo ako sa teamwork ninyo at maging kung paano ninyo hinandle ang sitwasyon kanina. Gusto ko man na maka usap kayo ngunit late na rin kaya ipapabukas ko na lamang. Sa ngayon ay matulog na muna kayo." Saad ni Sir Bright sa amin. "Sir. Bukas, maaari ba kaming gumala sa boong lugar? Total sa hapon pa naman ang alis natin pabalik ng Manila." Excited na tanong ni Tim. "Oo naman! Kayo na ang bahala kung ano ang gusto ninyong gawin bukas." Nakangiting saad naman na sagot ni Sir kaya natili pa si Tim. Gaga talaga. "Sige, boys balik na sa kwarto ninyo. Matulog na kayo. Goodnight everyone" Iyon llang at lumabas na si Sir. "Chupi na mga pashniya! Mag e-sleeping beauty pa kami ni Jel. You should sleepna rin para naman mag look kayong pogi tomorrow. Bye!" Pinag tutulak palabas ni Tim ang mga kaibigang lalaki kaya na tawa ako. Isip bata talaga. "Maliligo na muna ako Timmy." Saad ko. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at pumasok na ako sa banyo. What a tiring day! Timmy's POV "BLESSED SUNDAY EVERYONE!" Masiglang bati ko sa kanila. Nginitian nila akong lahat maliban na lamang ka Dale, hmmp! If I know nagagandahan na yan sa akin! "Good morning to you too Timmy." Nakangiting saad ni Sir Bright sa akin. "OMOOOOO THANK YOU SIR BRIGHT!" Malakas na anas ko. Natawa namanito sa aking ginawa at ginulo pa ang aking buhok. "Ang kulit mo talagang bata ka. Oh! By the way guys starting this day, you can call me kuya Charles. Ayaw ko namna na sinisir ninyo ako lalo na't ilang taon rin akong magiging adviser sa inyong grupo. Para na tayong pamilya n'yan." Ngiting turan niya. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. "OH EM GEEEEEEEEEE!" Malakas na tili ko, lumundag ako at yumakap kay sir bright, ay kuya Charles pala. Nakatutuwa naman na malamaan na accepted na kami. Siguro ay sobrang bilib niya sa ginawa namin kahapon. Galing galing! "Oh timmy, tama na yang pa yakap yakap mo. Tyansing ka lang ih!" Hinila ako ni Dale palayo kay kuya charles at itinabi kay Jel na nangingiting pinagmamasdan kami. "Ano ba! Namumuro ka na sa akin ah?" Sigaw ko. Hahampasin niya na sana ako ng bigla akong hilahin patayo ni Ron. "Una na kami guys! See you later sa picnic natin!" Saad ni Ron at tuluyan na nga akong kinaladkad. Nakita ko pa paano ngumanga si Dale na nakatingin sa amin. Eww! "Hoy! Teka! Hintayin ninyo ako mga bwesit! Rinig kong sigaw ni Dale. "Takbo tayo Ron." Tumatawang saad ko. Ngumiti lang siya sa akin, ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa braso ko patungo sa aking kamay. Nang napagsiklop niya na ang mga kamay namin ay hinila niya ako sabay takbo. Anoo baaaaaaaaa! Kinikilig ako! pereng tenge. Jel's POV Umalis na ang love triangle sa grupo, naiwan kaming tatlo na natatawang pinagmamasdan ang habulan nila. Tsk, smooth rin itong si Ron kung dumamoves ih. "So paano ba yan? Tara? kya Charles, balik na lang po kami mamaya" Paalam ko. Ngumiti lamang siya sa akin at kumaway na kaya nag lakad na kami pa alis. Umakbay si Jin sakin na hindi ko nalamang pinansin. "Saan mo gustong pumunta?"Tanong sa akin ni Jin. Nag isip naman ako ngunit wala akong maisip kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo at nag kibit balikat. Ni lingon ko ang lalaking nasa likuran namin. "Ikaw Ace? Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko rito. parang nagulat pa siya sa aking tanong dahil medyo nanlaki pa ang kanyang singkit na mata. "Hmmm, hindi ko kasi alam saan magandang puntahan dito, hindi naman tayo pwedeng lumayo dahil baka matagalan tayo pabalik, may picnic pa tayo mamayang 11." Nalungkot naman ako sa kanyang siinabi. Wala rin palang kwenta ang pag gala namin kasi hindi namin alam saan pupunta. "Pero ang alam ko, pwedeng mamangka dito ih." Lumiwanag naman ang aking mukha ni Xian. "Talaga? Sige! Never pa rin kasi akong nakapamangka ih! Gusto ko e try!"Masayang saad ko. Na eexcite ako! Hindi kasi kami makapamangka na pamilya dahil sa trauma ni Jin. Ay! Kasama pala namin siya. Napalingon ako sa aking kambal, seryoso lamang itong nakatungin sa kawalan. Hayss! "Ah Xian, iba nalang pala gawin natin." Mababang boses na saad ko. Gusto ko mang ma mangka pero hindi pwede dahil hindi ko naman kayang iwan si Jin mag isa. "No, princess you should try it." Saad ni Jin na ikinagulat ko. Dati ayaw niyang iniiwan ko siya kapag ganitong may gala ang barkada. "No, hindi kita iiwan mag isa Jin." Sagot ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at ginulo ang aking buhok. "Xian, take care of my princess. Hindi pa to nakaranas sumakay ng bangka kaya baka ma ignorante siya. Mag lilibotlibot lamang ako sa paligid habang nag papalipas ng oras." Hinalikan niya ang aking ulo at akma ng aalis ng hawakan ko ang kanyang kamay. "Are you okay?" Tanong ko. "Yes I'm okay. I want you to enjoy the day, alam kong sobrang stress mo na kaya you need this break. Ayokong maging dahilan bakit ma lilimitahan ang mga gusto mong maranasan. Enjoy okay?" Ngiting saad niya habang hinihimas ang aking buhok. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nang maka alis si Jin ay humarap na ako kay Xian at ngumiti. "Tara?" Tanong ko. Ngumiti ito pabalik sa akin pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko na siyang aking ikinagulat. Dinala niya ako sa daungan ng mga bangka. "Kuya magkano po ang upa? Dalawang tao po." Tanong ni Xian sa lalaking nagbabantay. "800 po sir. Kung gusto ninyong mangisda ay 1000 po sir. Isang oras na po iyan." Sagot ni manong. Tumango naman si Xian at kumuha ng isang libo sa kanyang pitaka, binigay niya ito kay manong. Iginaya kami ng matanda sa isang hindi kalakihang bangka. Pinagsuot niya kami ng life vest at pinasakay na sa bangka, tinawag naman ni manong ang bangkiro na aalay raw sa amin. Nang magsimula ng mag sagwan si kuya ay napalingon ako sa aking katabi. nakangiti itong nakatitig sa akin. "Marunong kang mangisda? Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at tumingin sa tubig. "Oo, bata pa lang ako ay palagi na kaming nangingisda ni papa kasama si Dale. Tuwing may gumugulo sa akin ay namamangka ako. Pakiramdam ko kasi kapag nasa kalagitnaan ako ng karagatan ay walang manggugulo sa akin. Napapakalma nito ang sistema ko." Nangingiting saad niya. Napangiti naman ako sa kanyang tinuran. May ganito din palang side ang lalaking to? Dati kasi ang akala ko isa lang siyang antipatikong lalaki na walang manners. Hindi naman kasi palangiting tao ito pero nitong mga nakaraan ay madalas na kaming nagkaka usap at nag kakasamang dalawa. Napapangiti nalang ako kapag may mga bago akong na didiskobre sa kanya. "I want to know more about you Xian, I hope you'll let me see your true self." Nanlaki ang mata ko nang ma realize ko na lumabas pala sa bibig ko ang dapat na sa isip ko lang. Shyt!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD