Tinapos ko ang pagkain habang pinipigilan ang pagkaulila sa aking ama. Everything reminds me of him. Kahit saan ako magpunta. Sa mansyon, sa vineyard, dito sa opisina at sa Italy. Lahat ay naaalala ko.
My day went by fast at ipinagpatuloy ko ang trabaho. Makalipas ang dalawang oras ay nagpa brew na naman ako ng kape kay Chesca upang maalis ang kaantukan sa aking katawan. Sa dami ng kailangan ayusin dahil sa transition of power at kung ano ano pa ay hindi ko inalis ang aking pokus.
Hindi ko na naman napansin ang oras ngunit nararamdaman ko ang pagdilim ng bahagya ng paligid. Nagpaalam na rin si Chesca na kailangan na niya umuwi at dahil tapos na rin naman ang kanyang trabaho ay hindi ko na pinigilan. Sinandal ko sandali ang aking likod sa swivel chair nang makaramdam ng ngalay. Nakakapagod. Wala akong ibang maisip na gawin pagkatapos nito kundi ang mahiga sa aking kama at matulog.
“You’re ready to go home?” I heard a knock from my door and Matteo leaned just so I could see his face.
My face lit up when finally seeing a familiar face.
“I’m not yet done with work. You can go ahead at tatawag na lang ako sa bahay para magpahatid.”
Nasaan na ang sinabi kong pagtatrabaho sa oras lamang ng trabaho?
“But you said babalik ka na sa condo mo? Did you call them already para malipat na ang mga gamit mo?”
Shit! That got lost in my mind!
“Mabuti at pinaalala mo! I have to call them!” I panicked.
Nang dahil sa dami kong ginawa ay nakaligtaan ko na ang importanteng gagawin ko dapat. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang numero ng telepono sa mansyon.
“No need, Monica. I already called them, dumaan na rin ako doon para tulungan sila. They’re on their way to your condo.” Agap ni Matteo.
“Oh thank you!” Kasabay ang pagbitiw ko sa aking malalim na hininga. Napansin niya ang pag unat ko sa aking likod kaya lumapit ito sa akin.
“You shouldn’t exhaust yourself. May bukas pa naman para ipagpatuloy ang mga iyan. We should go home so you can rest.” Siya na mismo ang nagliligpit ng mga papel at pati mga gamit ko ay nilagay na rin siya sa bag ko.
“How was the trial? Did it go well?” Hindi na rin niya nasagot ang text ko kanina.
“Yes, it did. We won. So I can finally be here for the upcoming days.” He said.
Wala na rin akong nagawa nang nalinis na rin niya ang aking desk. Sinundan ko na sya sa paglabas habang bitbit nito ang aking bag. Nakita ko na nakapatay na ang ilaw ng opisina ni Francis at nakauwi na rin and sekretarya niya. Nakauwi na kaya siya? Hindi ko rin napansin kung nakabalik pa ba siya dito kanina.
Pinindot na ni Matteo ang down button at nang nagbukas ay pumasok na kami sa lift.
“Maaga bang nakakauwi si Francis?” Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
“Minsan oo, minsan hindi. Depende sa mga meeting at trabaho niya.” Sagot naman ng aking pinsan.
Nagbukas ang pintuan ng lift hudyat na nasa basement na kami. Tumigil kami sa paglalakad nang mapatapat kami sa kanyang sasakyan. Pinindot niya ang susi at umilaw na ito. Binuksan ko ang front seat at agad nang sumakay dito at nag seatbelt. Binuksan niya naman ang backseat upang ipasok roon ang aking bag. Hindi nagtagal ay umikot ito para maupo naman siya sa driver’s seat.
“Bakit mo nga pala natanong iyon? Do you need something from him?” He asked while waking up the engine of his car.
“Nothing. I was told na marami siyang meeting ngayong araw. I happened to scan all the documents while reviewing some, at may kailangan lang sana akong itanong sa kanya. It’s about a partnership or something. I explained.
“Ask him about that tomorrow. I’m not sure about that either.” He said, sounding like he doesn’t have any idea.
Pagkarating namin sa building ng condo ay naabutan namin ang aming mga bodyguards na tumutulong sa pag aakyat ng aking mga kagamitan. Makalat sa aking condo dahil sa mga boxes na dumating. Nagpaiwan ako ng dalawang maid para matulungan ako sa pagaayos dito.
Matteo does not want to go home dahil gusto niya ring tumulong. Tinataboy ko na sya sa aking pintuan ngunit nagmamatigas pa rin siya sa sariling kagustuhan.
“Come on, Monica. I can help. Mas madami, mas mapapadali.” Pagpupumilit niya.
“Mat, I know you’re tired. Magpahinga ka na lang sa bahay mo at magkita na lang tayo bukas. We’re okay here. Hindi na rin naman marami ang aayusin ngayon.”
“Bakit pinaalis mo pa ang mga bodyguards? You should have let them stay. Wala kang bantay dito.”
Umikot na lamang ang aking mga mata sa kanyang sinabi. As if may makakapsok na kung sino sa exclusive building na ito.
“I don’t need them here. Isa pa, mahigpit ang seguridad ng buong building. Don’t worry.” I said.
“Hindi ako mapapanatag, Monica. Ewan ko ba sayo at mas pinili mo pa dito gayong magisa ka. You need security!” He sighed. Realizing that I will not let him get what he wants.
Nasa labas na ng aking pintuan at muling lumapit sa akin. Grabbing my head and softly planting a kiss on my forehead.
“If anything strange happens, call me right away. Understood?” He whispered.
I nodded. Dala na rin siguro ng pagod kaya hindi na ako makapagsalita.
“Magpapadala ako dito bukas ng bodyguard. Kahit isa lang. I can’t let you be alone right now. Please, Monica. Huwag mong itataboy iyon. Alright?” Talagang nagpupumilit pa rin.
“Fine…” sagot ko sa mahinang boses. Sa pagsuko na rin dahil hindi naman ako mananalo. My god! He’s a damn lawyer!
Kalaunan ay umalis na rin siya. Sinarado ko na ang pintuan at nagpatuloy na sa pagliligpit ng aking mga gamit. Hindi pa rin ako nakakapagpalit ng aking damit ngunit sinantabi ko muna iyon nang naamoy ang mabangong pagkain galing sa kusina. Nakapagluto na pala ang isa sa mga maid dahil sinabi ko sa kanilang hindi pa rin pala ako kumakain.
Sinamahan ako ng dalawang maid na kumain sa kusina habang nagkukwentuhan.
“Ang bait po talaga ni Ser Matteo, Ma’am. Siya po ang tumawag sa amin kanina dahil baka daw ho nakakalimutan nyong magsabi para sa mga gamit nyo.” Manang Josie said.
“He knows that I forget things easily lalo na kapag natututok sa ibang bagay ang atensyon ko. I was so busy at work.” Paliwanag ko.
Yes, I forget things when I am preoccupied. Hanggang ngayon talaga ay pinag aralan ko pa rin ang multi tasking. I get the hang of it pero kulang pa rin. I get easily distracted at times. Hay naku.
“Pero Senyora, talaga po bang gusto nyo na magisa dito? Pwede nyo naman po na kuhanin kami para malinisan namin ang bahay at mapagluto ka.” Nahihimigan ko ang pagaalala ni Manang Santa.
“Manang, okay lang po ako dito. And besides, I really want to be independent. Gusto ko pong masanay na ako lang magisa.” Oh really now, Monica? Kaya mong maglinis? Kaya mong magluto? Do you even know how to do the laundry?
Buong buhay ko ay palaging may mga taong gumagawa ng gawaing bahay para sa akin. I feel hungry. There’s already food at the table. I want to take a bath. My bath is already drawn, at perfect temperature. I want to go shopping. There’s a bunch of staff behind me, following me everytime, carrying bags. As long as I have the black card, I can buy anything I want.
But I can’t be like that anymore. I have to think of the negative side of it. I have become dependent on it. Because of other people doing chores for me, I do not know anything about it kapag ako na ang gagawa. And now that we do not have money anymore, I learned to save. Paris’ money is only his. I refused to use it for such nonsense.
Maybe I can ask them to come here more often to help me with the chores, since I will be busy with work. At kung may pagkakataon naman ay ako na lang ang gagawa with their guidance, of course. Hanggang sa kaya ko na. Malaki ang condo na ito kaya I will be needing all the help.
“Paano naman po ang pagkain mo, Senyora? Kung every week mo lang po kami papapuntahin dito. Paano po ang mga kakainin nyo sa araw araw?” Manang Josie asked.
“I don’t eat breakfast po. Kung sakali man ay sa opisina na, kasama na ang lunch. For dinner, I can just opt for delivery or eat at the restaurant before going home.” I said. Pero kung tutuusin ay magastos itong plano ko. But then, I do not have a choice. Hindi ko naman gustong laging pritong itlog lang ang kainin.
“Tuwing linggo po ay dadalhan na lang namin ikaw ng mga lutong pagkain. Pwede mo naman na initin na lamang ito sa microwave.” Suhestiyon naman ni Manang Santa. Yun! Pwede nga iyon.
Matapos maayos ang aking mga gamit ay naglinis na rin ako ng aking katawan. Dito ko na lang muna pinalipas ng gabi sina Mang Josie at Manang Santa. Dala ng pagod at antok, pagbagsak ko sa aking kama ay agad ko nang nararamdaman ang pagbigat ng aking mga talukap.