Swarovski
My whole life started to change when I arrived home. Sa bahay namin sa Forbes pa rin ako dumiretso dahil iyon naman ang tinitirhan ko ngayon.
"Magandang gabi, Senyora. Ipaghahain ko na po ba kayo ng hapunan?" The maid approaches and asks me.
I don't feel any hunger at all. Hindi ko alam kung dahil ba sa marami naming nakain kanina o talagang wala akong gana. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang magkulong sa kwarto, balutin ang sarili sa aking kumot at ipikit ang aking mga mata.
"Huwag na po. Bukas na lang po ako kakain. Gusto ko na lang magpahinga." Sagot ko.
At iyon nga ang aking ginawa. Sinalampak ko ang aking katawan sa kama at tumulala sa kisame. Now what? Tanong ng aking utak. I don't want to stay here. I don't feel like around many people na nakabantay sa akin o mga taong naghihintay ng iuutos ko.
Should I go back to my apartment? Should I call Matteo to help me move?
Ako:
Paris left just a while ago.
I sent a message to Matteo to inform him that my husband has already left the country. And I do not know what to do with my life now. Ilang araw lang ay nasa La Union pa ako ngunit ngayon ay nasa ibang lugar na naman.
This house is really big for me. Almost as big as the mansion but it feels so empty. Hindi naman ako nag iisa sa bahay na ito dahil kasama ko pa rin ang mga maids at bodyguards na iniwan ni Paris para sa akin. But I still prefer the confinement of my own apartment rather than staying here. I spent the whole evening packing my things and made my decision to live in my condo. Mas malapit rin iyon sa opisina kaya mas gusto ko doon.
Matteo:
Francis informed me. Congratulations on your promotion! Hindi ako nakadalo sa meeting dahil sa trial. I will see you tomorrow.
Ako:
I will move into my condo tomorrow after work. It will be easier for me kasi malapit sa office.
Konti lang naman ang mga gamit ko kaya hindi naman ako nahirapan na mag impake. Bumaba naman ako sa kusina upang ipaalam sa head maid na aalis ako sa bahay na ito.
“Signora, kung aalis ka po dito ay sino na po ang makakasama namin?” Nangangambang tanong nito sa akin.
“Huwag po kayong mag alala. Hindi po kayo titigil sa trabaho dahil magpapatuloy naman po kayo kahit wala ako dito. Gagawin nyo pa rin po ang inyong mga normal na trabaho. Hindi ko po kayo sisisantehin.” Paliwanag ko.
Iyon siguro ang pangamba niya. Akala niya ay mawawalan sila ng trabaho kapag umalis ako dito.
“Ipagpatuloy nyo lang po ang pangangalaga sa bahay. Tatawag po ako o kaya ay bumisita dito paminsan. Magpapatawag din po ako ng tulong kapag kailangan ko din po sa condo.” Sambit ko.
“Alam na po ba ito ni Sir Paris? Pumayag po ba siya?” Tanong niyang muli.
“Ako na po ang bahala. Nasa byahe pa po siya ngayon kaya pagkalapag niya sa Italy ay tatawag po iyon sa akin.”
“Bukas po ako aalis. Pagtapos po ng aking trabaho ay ipapakuha ko na ang mga gamit ko.”
Sumapit pa ang ilang minutong pag uusap namin at pumayag na rin siya. Umakyat na akong muli sa aking kwarto upang maghanda naman ng aking susuotin para sa pangalawang araw ko bilang Vice President. Agad din akong binigyan ni Francis secretary. I am excited for all the work that I will do. I know that this is a leadership role and mas marami ang aking trabaho kumpara sa pagiging assistant ko noon. Handa naman ako and I somehow got familiarized when I was still a kid.
Sinundo pa rin ako ni Matteo dito sa bahay dahil hindi pa rin ako makapag drive ng sasakyan. Wala pa akong sariling kotse kaya iyon ang naiisip kong bilhin kapag nagkaroon ako ng oras. I can’t drive around the car that Paris left here because it’s too big for me. Mabuti na lang na iwan ko iyon dito sa bahay para mas magamit nila kung saan man nila kailangan pumunta.
“Good morning. Ready for today?” Masayang pagbati sa akin ng aking pinsan habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse.
“I was born ready for this, Matteo Valmoria.” Hambog kong sinabi.
Tumawa na lamang siya at maingat akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nang maging komportable na ako ay saka nya pa lang sinarado ang pintuan at umikot sa driver’s seat.
“Do you want me to help you move in later?” He asked without facing me. Nakatututok lamang ang kanyang atensyon sa kalsada.
“No need, Mat. Ipapadala ko na lamang sa kanila ang mga gamit ko. Diretso akong uuwi sa condo.” Sabi ko.
Tiningnan ko ang aking cellphone para sa mga mensahe at meron nga iyon. Kakalapag lamang ni Paris sa airport nang magpadala siya ng litrato na naghihintay na ito sa arrival area. Napangiti ako dahil kusa siyang nagbibigay ng update kahit hindi ko naman hinihingi. I also received a message from my Nonno that they will be attending a formal party from one of his friends because they will be celebrating their wedding anniversary.
Those were the parties I looked forward to attending because I love to witness old couples celebrating love in their lives. I never got to see that to my own parents but my grandparents made sure to tell me stories about my mom and dad. They said that Papa was down bad for my Mama. And it is funny that I am dreaming of that kind of love.
Nakarating na kami sa opisina at agad bumati sa akin si Chesca, ang secretary na binigay sa akin ni Francis.
“Good morning, Mrs. Marchetti. Would you like me to go through your whole schedule for today?” Chesca is lively. She always smiles, which brings a light aura in my office.
This is my first official day. I am so excited to start and do everything in one go.
“I would like to have some coffee first,” Baling ko kay Chesca.
I need to have fuel first.
“Okay, Ma’am. How would you like your coffee?” She asked.
“Cappuccino, please…”
Tumango ito at naglakad na palabas ng opisina. Sunod namang pumasok ang anyo ni Francis na aking kinagulat. He looks so formal with his black suit and a white dress shirt underneath. His hair is slicked back that adds attractiveness to his whole outfit.
“You’re early,” he said while smiling.
Damn!
Umahon ako sa aking swivel chair at dahan dahang lumapit sa kanya. He towered over me. Kahit na matangkad ako ay maliit pa rin akong tingnan kapag magkalapit kami.
“I just arrived on time. You are early. Akala ko ay mamaya ka pang alas nuebe darating.” He watched me speak. Hindi ko lang malaman kung sa mga mata ko ba siya nakatingin o sa aking labi. Either way, he’s making me feel something.
“I wanted to check on you. Do you like your office?” He roamed around his eyes in this room. Malaki ito at malinis. Kaunti lang ang mga gamit kagaya ng gusto ko. I don’t like crowded rooms.
“I like it. Thank you.” I smiled. Showing my teeth and not leaving his gaze.
Nakita ko ang pagpawi ng kanyang ngiti kasabay ang pag igting ng kanyang panga. Gumalaw ang kanyang mga braso at inilahad sa aking harapan ang isang maliit na paper bag.
“I wanted to give you this…”
Tiningnan ko ang paper bag na nasa kanyang kamay. Ang brand na nakadikit dito ay mamahalin. Tinanggap ko iyon at bahagyang binuklat. Pahabang box na kulay itim ang nasa loob nito.
“A gift?” Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Nakatuon lamang ang aking mga mata sa box na nasa loob ng bag.
Hindi na ako naghintay ng kanyang sagot ay kinuha ko na ang pahabang box na nasa loob. Nilagay ko sa aking mesa ang paper bag. Dinama ko ang velvet box habang pinapalandas ang aking mga daliri. Ilang segundo pa ay tuluyan ko na itong binuksan at napasinghap ako sa laman nito.
“A swarovski pen!” Napatingin ako sa kanya at sumilay nang muli ang ngiti sa kanyang mga labi.
Mahal ang ballpen na ito. Ngunit kaya namang bumili ng maraming piraso nito. Kung gugustuhin ay kayang kaya niyang magbigay sa buong empleyado ng ganitong ballpen sa opisinang ito.
“You will be signing a lot of papers from now on. I want you to use that pen.” He said.
Tiningnan ko ulit ang regalo niya. It mimics small diamonds inside that blinks when turned. Kulay itim ito at napaka elegante tingnan. Sa pagpirma lang ba ng mga dokumento ko ito dapat gamitin? Ngunit parang ayaw ko itong galawin at ilagay na lamang sa aking mesa upang pagmasdan.
“It’s my welcome gift as well. Do you like it?” He always asks me if I like things or if it makes me happy and comfortable. He always wanted to know how I feel about anything.
“Thank you, Francis. It is a nice gift. I like it.” Namumungay ang kanyang mga mata nang magtama ang aming paningin. He was this expressive when we did the thing. And I don’t know how to feel seeing that expression again this time. But it makes me feel something. Sa tuwing malapit ako sa kanya ay parang gusto ko na lamang magkulong sa kanyang mga bisig. I feel safe and at peace, hindi ko maipagkakaila iyon.
Narinig ko ang tikhim ng taong pumasok kaya nagbalik ako sa aking diwa. Mabilis akong lumayo sa kanya at pinatong sa aking mesa ang kanyang regalo. Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala niya sa akin na halos maglapat na ang aming dibdib.
“Here is your coffee, Mrs. Marchetti.” Chesca entered the room. Nilagay niya sa coffee table ang aking kape at tumayo ng tuwid.
“Good morning, Mr. Rodriquez.” Pagbati naman nito kay Francis.
Tumango lamang si Francis at inayos ang kanyang pwesto. Kinakabahan ako sa bawat kilos niya at ang presensya ni Chesca sa loob ng opisina ko. I don’t know how much she saw.
Lumingon si Francis sa akin. “My office is just beside yours. If you need anything, call your secretary or me.” He then walked out of my office, not looking back.
Pinagmamasdan ko syang umalis at kahit nakasarado na ang pintuan ay nanatili akong nakatingin. Why do I have to feel this way? Ang mga mata niya na madilim ngunit lumalambot kapag ako ang tinitingnan. Ang mga kamay na nakaka kuryente sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.
“Ahm- ito na po ang kape niyo, Ma’am.” Tinig ni Chesca.
Nilingon ko ang lamesa na pinag gigitnaan ng mga sofa at nilapitan ito. Isang kape lamang ang naroon. Umuusok pa at bumalot agad sa aking pang amoy ang aroma nito. Umupo ako sa pang isahang sofa at kinuha ang kape, dahan dahang hinipan.
“Bakit iisa ang kapeng tinimpla mo?” Tanong ko bago simsimin ang mainit na likido mula sa tasa.
“Po?” Gulat na tanong naman ni Chesca. Nagtataka ang kanyang mga mata.
“Nasaan ang kape mo?” Upang mapigilan ang kanyang pagtataka ay tinuro ko sa kanya ang aking tasa.
“Ah!” bahagya syang napatawa, “okay lang po ako, Ma’am! Nakapagkape na naman po ako kanina bago pumasok.”
So I will be drinking coffee alone?
Wala naman problema iyon sa akin dahil kahit sa Italy ay nauuna akong mag breakfast habang natutulog pa ang aking mga lolo at lola.
Pinagmamasdan niya lang ako habang unti unti kong nauubos ang kape. Limang minuto na ang lumipas at hindi na gaanong mainit kaya mabilisan ko na itong mauubos. Maaga naman ako pumasok, fifteen minutes early of my schedule so I have time for this.
“Do you want me to brief you with your day, Ma’am?” Naibaba ko na ang tasa nang magtanong siyang muli.
“It is still early, Chesca. Take this free time to chill.” I said.
Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit sandali niya naman iyong nabawi.
“I know that I have a lot of work to do. But I do not want us to start early. You will not be paid for the times that have been compromised to you. We will start on the clock, we will finish work off the clock.” She understands as soon as I drop my hands to my thighs. My legs were crossed like duchess. I am wearing a black midi dress, structured rib sweetheart neckline with a slit on my left leg.
“Ma’am, I’m just curious. Are you related to Mr. Rodriguez?”
When I say that she can chill, I didn’t expect that she would be asking such question.
“Just a friend. My lawyer cousin and him are close friends.” I simply answered.
Totoo naman, that's all I have to be related to him. A friend.
Just a friend. Because we do not have the perfect time to be something else.
Just a friend. Because I am now unavailable.
But why am I hoping for more? Hay! Nababaliw na ako.
“Pero kung wala po siguro kayong asawa, napagkakamalan ko po kayong magkarelasyon. Bagay po kayo!” Hagikgik ni Chesca na nakaagaw ng aking pansin. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
Uminit ang pisngi ko sa imahinasyon na siya nga ang aking boyfriend. Imagining how he will take care of me. Kahit noon pa man ay masipag na talaga akong magpapansin sa kanya. He is the first guy I had been interested with. If only things have gone differently, he will be the one I will introduce to Papa.
Yes, I still like him. Hindi nagbago iyon. Kahit ilang taon akong nawala at nagluksa. Kahit hindi ko sya nakita o nakausap, my mind is still wondering for him. Sa araw ng kasal ko, mukha niya ang naiimahe ko sa katayuan ni Paris. And it makes my nervous heart calm for a bit.
“Oh no! That would never happen.” I let out an awkward laugh.
Our time to start work finally arrived. Unang minuto pa lamang ay wala na akong sinayang. Organized ang mga bagay at dokumento ng huling humawak ng posisyon na ito kaya hindi naman ako nahirapan.
Hindi nga pala talaga biro ang trabaho ng isang Vice President. You have to cover everything. You have to know what is going on. You have to talk to so many people. Hindi ko pa na kalahati ang mga gawain ngunit mas may kailangan ng aking pansin sa ibang bagay. I have to be swift, precise and focused. I can’t make mistakes.
“I have to set an appointment with one of the boards. They have not updated us with this partnership.”
Hinilot ko ang aking kanang sentido habang hawak pa rin ang aking ballpen. Kanina ko pa pinagmamasdan at pag aralan ang mga papel na sa aking lamaesa gayun na din ang ibang dokumento na nasa computer.
Ayon sa minutes ng meeting noong nakaraan para sa partnership na ito, magtatakda sila ng araw para sa panibagong pagpupulong para dito. But there’s no specific time and date, even the details are all confidential. I have no idea about this. I should ask Francis.
Yes. That’s it. I should ask Francis.
Dala ang papel ay tumayo ako at naglakad na palabas ng silid. Naabutan kong nagbukas si Chesca ng pintuan kaya napatigil ako.
“It’s lunch time, Ma’am. Ano po ang ipapaluto ko sa chef?”
What? I didn’t notice the time that much. But I don’t feel hungry right now.
“Oh, is it? Mauna ka na lang mag lunch. I will eat whatever the cafeteria has for later.”
“Gusto nyo pa na ipaakyat ko na lang dito sa opisina ang inyong pagkain?”
“Yes, please.”
Tumango naman ito bilang pagsunod sa aking kagustuhan. Bahagya niyang binuksan pa ang pintuan para makalabas ako. Nauna na itong umalis na siguro’y patungo sa cafeteria para kumain. Ako naman ay naglakad na patungo sa katabing opisina.
“Mrs. Marchetti, may kailangan po ba kayo kay Sir Francis?” Tanong ng kanyang sekretarya nang mapatapat ako sa kanyang lamesa.
Katulad ni Chesca ay nakaharap sa pintuan ang kanilang station. Sa ganitong paraan ay mas lalo silang madaling hagilapin sa tuwing kailangan sila ng boss.
“Nothing much. I just want to ask Francis about something.” Nakita ko ang pagbaling ng kanyang mata sa papel na nasa aking mga kamay.
“He’s in a meeting po, Ma’am. Wala po sya sa loob. Nasa kabilang tower po nagaganap ang pagpupulong.”
I didn’t notice na umalis pala siya.
Our office walls are made with glass but I can still notice kung may dumadaan o kung may tao sa labas kahit nababalutan ito ng privacy tint.
“Kanina pa ba ang meeting? Pabalik na ba sya?” Bakit hindi ko alam ang meeting na iyon? Shouldn't I be there too?
“I have no specific details about that po. But he will call me once the meeting is over. Gusto nyo po bang sabihan ko si Sir na hinahanap nyo siya?”
“No need, babalik na lang ako later. Kapag nandito na siya. Why aren’t you taking a lunch break?” My Chesca is already at the cafeteria eating while she is still here.
“I follow Sir Francis’ schedule po. Kapag nakabalik na po sya dito, saka pa lang po ako makakapag lunch. I need to be on standby for orders.” She said while rummaging through the papers at her desk.
Nagbalik na lamang ako sa aking opisina na bigong hindi ko nakita si Francis. Mukhang matatagalan pa nga ang meeting dahil nakatanggap pa ang secretary niya ng tawag mula sa kabilang tower. I excused myself nang nakita kong naging busy na siya.
I’m starting to feel hungry peero ayoko namang bumaba sa cafeteria dahil hindi pa rin ako komportable sa ibang empleyado. I can still remember the faces of those who bad mouthed me from the previous days. I don’t hold grudges and I forgot all about it as much as possible because I am now a part of this company.
Kinuha ko na lamang ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa at nagtipa ng mensahe para kay Matteo.
Ako:
How was your trial? Have you had lunch yet?
Ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong reply na natanggap.
I opened my social media and scrolled through it para malibang ako. I ran through Paris’ post that he’s playing golf with other businessmen. It was a picture of him hitting the small ball while other men were behind him. They were all looking in the same direction, to the hole with the small flag in it.
He looks fresh and casual sa suot niyang white polo shirt and a khaki trouser with brown belt. Nakasuot din siya ng shades and his almost blonde hair were brushed up that matches his outfit. The beauty of Italian men is not to be set aside. They were out of this world. You could not even guess their age with how they carry themselves.
If I were in a different situation, I would be happy and proud that I got as my husband. The privilege and luxury that he could give me. Parang hindi ako nawalan ng pera at ari arian dahil sa kanya. But the thing is, I do not like him romantically. But I am really grateful for everything he’s done for me.
I scrolled through my phone again and landed on one of my friend’s posts. Chloe is in Norway and living the life of her dream, to become a doctor. Her background is the massive mountain and the lake at the bottom of it. There were two chairs pero siya lamang ang nakaupo roon habang hawak ang fishing rod. She smiled widely at the camera but her eyes showed sadness. I wonder if she still has communication with Marco. They were amazing together. No one can separate them before.
‘Having your well deserved time off from work, doctor.’ I commented on her post. I even reacted to it.
I scrolled again at habang ginagawa ko iyon ay nakakaramdam ako ng antok. Tumigil ang pagscroll sa isang article na hindi ko pa nakita noon.
The mystery death of the winemaker all over Europe. That’s the title of this article. No one knows about the ambush. No media was capable of uncovering the truth until now. I prefer it that way to provide peace and privacy for my family. No reporter or journalist can come near us because of the tight security. No one from my family dared to speak about it in public.
Papa, I can never be done mourning for you.
Naramdaman ko ang mga landas ng aking luha at hinayaan ko iyon. Sumandal ako sa aking swivel chair at binitawan ang aking cellphone. Umikot ako para mapaharap sa naglalakihang buildings. Ang ingay na nasa labas ay hindi ko naririnig na syang nakakapabigay sa akin ng katahimikan sa silid na ito. Mas nagkakaroon lamang ako ng dahilan para ilabas ang mga luhang nagpipilit pumatak.
Mapayapa at tahimik ang aking opisina. Taliwas sa totoong nangyayari sa labas. My room is my haven when the outside world is chaotic.
Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan dahilan para mabilisan kong pahirin ang aking mga luha ngunit hindi pa rin ako humaharap.
“Here is your lunch, Ms. Monica. Japanese Chicken Curry.” Narinig kong sambit ni Chesca.
Nakabalik na pala siya. Was I out of zone for almost an hour?
“Thank you, Chesca. Leave it at the table. I will eat it later.” Huminga ako ng malalim at inayos ang aking buhok.
“Do you want orange or mango juice po?” Naririnig ko ang kanyang takong.
“Ahm, just water. Please. Thanks.”
“Okay po,” then she left.
Muling namayani ang katahimikan sa aking opisina hudyat na ako na lang muli magisa. Humarap ako sa aking desk at tumayo. Mayroong side table dito na pwede kong gawin na dining sa tuwing magpapaakyat ako ng pagkain kaya dun ako umupo.
The plastic was already unwrapped and the silverware was set like a dinner style at home. My one glass of water was placed to my right side. Then I started eating. I never complain whenever I eat alone but today is different. I feel like I want to have someone beside or in front of me na sinasabayan akong kumain.
I miss my father. I miss eating with him.
Damn! It is my first day and I am having a sad moment.