Hazelnut
"Signorina! Hinto! Hindi ka pwedeng pumasok diyan." Sigaw ng aking Nanna.
Unang araw ko sa mansyon at hindi ko kayang tumigil lamang sa kwarto. Kakauwi ko lamang galing sa Batangas nang maka-graduate ako ng middle school. Narito ako para sa bakasyon kaya hindi nila ako dapat pigilan sa kung saan ko man gusto pumunta.
"Signorina!" Naririnig ko ang pagkapos ng hininga nito kaya tumigil ako para harapin siya.
"Bumalik ka na po sa bahay. Hindi naman po ako magtatagal. Uuwi din ako bago sumapit ang gabi." Sabi ko sa kanya.
"Mapapagalitan ako ng Signor kung hahayaan kitang mag-isa rito." Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata ng banggitin niya ang tawag nito sa aking ama.
In the eyes of our laborers, Papa is frightening. Because of his power and the influence of our family, no one wants to mess their work. When one of them didn't fo their work properly, he immediately fire them without consent. All the ties were being cut and he made sure that they will not set foot in this place again.
"Hindi naman niya malalaman. At hindi naman po kita ipapahamak. Kagustuhan ko po ito." Ayokong magkulong lamang sa kwarto at hintayin na lamang ang komando ng aking ama kung lalabas ba o hindi.
"Bumalik na tayo sa bahay, Signorina. Mapapagod ka lamang dito." Pagmamakaawa nito.
"Mas nakakapagod po kung titigil lamang ako sa kwarto na wala namang ginagawa." Sabat ko.
Thankfully, hindi na ako gaanong nahihirapan sa pagtatagalog. I grew uo in Italy and I am aware of the foreign language I have to use there. Ngunit nang umuwi naman ako dito ay madali kong napag-aralan ang Tagalog sa tulong ng aking Mama.
You might be wondering, where is she now? She was in that place where I can't reach. Not here, not in other town or country. She's in heaven. She died after giving birth to me. She had two miscarriages. And on their third try, she had given birth successfully. Her body didn't take the pressure, so she died.
"Signorina!" Muling sigaw na tawag akin ng aking nanny nang magsimula akong tumakbo.
Simula bata ako, gustong-gusto ko nang puntahan ang lugar na ito. Sa loob lang ito ng lupain namin at sa haba niyon ay hindi ko nalilibot. Kalahati niyon ang mga ubasan, kalahati ang imbakan ng mga naprosesong ubas at ang tira ay para sa mansyon ni Papa.
Malaki at mahaba ang bodegang ito. Sabi ni Papa ay wine cellar ang buong bodegang ito at nasa loob nito ang mga galon ng mga iniimbak na katas ng mga ubas. Pinapadala naman sa Maynila ang mga tapos nang iimbak at nilagay na sa bote at mga kahon nito.
"This is huge!" Sabi ko sa sandaling makapasok ako sa loob.
Big fermentation tanks, wine racks, wine maker machines and over a hundred of workers are all here. The finished products were settled at the second floor. The boxes of wines were piled and arranged accordingly. Ang ganda lang pagmasdan dahil tila sabay-sabay ang galaw ng mga trabahador sa paggawa dito.
"Signorina Monica, sa palagay ko ay hindi ka dapat narito." Lumapit sa akin si Mr. Valmoria, ang aking tiyuhin.
"Magandang araw po, Uncle. Nabagot po ako sa bahay kaya ako narito." Sagot ko nang maharap ko ang aking tiyuhin.
"Paniguradong hinahanap ka na ng iyong Papa," sabi nito.
"Hindi naman po ako lumayo. Nasa loob pa rin ako ng lupain. Hindi naman po siguro siya magagalit kung gusto kong makita kung paano ginagawa ang ating produkto." Nilibot ko ang aking mga mata at hindi ko mapigilan ang aking pagkamangha sa mga nakikita.
Ganito pala ang prosesong ginagawa bago ibenta sa publiko ang aming produkto.
"Sige hahayaan kita rito. Ngunit huwag mong aabalahin ang mga trabahador para makapagpokus sila sa kanilang mga ginagawa." Pagpayag ni Zio.
"Grazie, Zio!" Pagpapasalamat ko bago ito umalis sa aking tabi.
Kung saan-saan ako dinala ng aking mga paa para malibot ang silid na ito. Sa laki at haba nito, ang pinakanagustuhan ko ay ang mga fermentation tanks sa dulo na naglalaman ng mga pinatatandang katas ng ubas. Kumuha ako ng kupita para buksan at tikman ang isa sa mga ito.
"Carluccio's. 2020. 26 days." I said out loud.
My father told me the meaning about the labels in these barrels. Our surname as the brand of our product, the year of process and the age for tannins. After 27 days, the wine will be transferred to the bottle to age.
I opened the faucet and pour generous amount to the glass. I tilted the glass first to observe the wine. The color is medium bodied red and I can still see the opacity in this wine. The viscosity is good. I swirled the flute to release the wine aroma. Five lapse of swirling, then I smelled the wine to skip the alcohol fumes and guess its flavor. When I get satisfied by the smell, I finally sipped and take my time to taste.
There's bitterness in it but the sweet taste resurfaced as it gets long in my tongue. The taste will get better when it will be transfer to the bottle. The color will get darker, the age will get older and the quality will get phenomenal.
"You liked the taste?" I got interrupted when a man beside me suddenly speaks.
May dala itong papel at ballpen at tila may sinusulat habang tumitingin sa mga barrels na nakapalibot sa amin.
"The taste is good. But I think it is not yet ready." I commented.
Kung tititigan ko ang lalaki, hindi ko aakalain na nagtatrabaho siya dito. His aura was more matured and authorized. His built resembles a million dollar bachelor. And his face, the hazelnut color of his eyes, that squared chiseled jaw...
"When should it be ready?" He asked.
"The fermentation of the wine in the cellar should be twenty four to twenty seven days, before transferring to the wine bottles to age." I answered confidently.
My father taught me about this that's why I am confident.
"The wine that you drank is twenty six days old. Its aroma and flavor was not yet fully combined." He said.
Yeah, I know that.
"So the day after tomorrow, the wine inside this barrel will be transferred?" He keeps on taking notes in his paper and it frustrates me because I don't have his full attention.
"Yeah," he said without looking at me.
I hate this feeling when I am talking to him and he's not looking at me. I don't know, I just want his attention whenever I talk. This is the first time that I got interested to the man who's older than me.
How old is he, anyway? Twenty four? Twenty five?
"What are you writing there?" I asked. I took three steps to keep my distance close to him.
"None of your business," he said.
Wait! Wait a second! Did he just mocked me?
"What did you say?" I just can't believe it!
Hindi ako makapaniwala sa inakto niya sa akin kanina. Hindi ako ang tipo na magyayabang ng aking karangyaan. Ayoko. Ngunit nasanay ako na nirerespeto at pinipili ang mga salita bago iyon sabihin sa akin. Siguro ay hindi niya ako kilala. Dahil kung kilala niya ako ay hindi niya iyon sasabihin o hindi niya ako tatratuhin na parang wala lang kagaya ng kanina.
Lumabas ako sa factory na nakasimangot ang pagmumukha. Kay ganda ng aking gising kaninang umaga ngunit napalitan ng inis at galit ang aking buog maghapon ng dahil sa walang modong lalaking iyon!
"Signorina!" Masaya at masiglang sumalubong sa akin si Manang Ophelia, ang aking nanny simula pagkabata.
"Nanna, andiamo!" Sa aking pagkayamot ay napasigaw ako at nauna nang maglakad palayo.
"Ano ang nangyari?" Tanong ni Nanna nang napansin nito ang pagkunot ng aking mga kilay.
"Magsusumbong ako kay Papa! May hambog na trabahante sa loob ng factory! Nanna! He mocked me!" Pagrereklamo ko. Gusto kong ilabas ang pagkainis ko kaya mabibigat ang hakbang na aking ginagawa palapit sa bahay.
"Hayaan mo na iyon, anak. Halika na at umuwi na tayo. Malapit na ring maggabi." Sabi ni Nanna.
Kagaya ng gusto niya, hindi ko na pinansin ang bastos na trato sa akin ng hambog na lalaking iyon. Ayokong pumangit pati ang aking gabi kung palagi ko iyong iisipin. Kaya naman ay nagpokus na lamang ako sa pagkain ng hapunan.
Masarap ang mga nakahain sa lamesa. Unang hinayin sa aming hapag ang Prosecco o mas kilala bilang white wine kasama ang Soppressata o ang tinatawag na Salami. Mahilig kami ni Papa sa pasta kaya Carbonara ang nakahain bilang main course. Hindi kumpleto ang aming hapag kapag walang desserts, kaya naman hinayin rin ang traditional cannoli na gustong-gusto ni Papa.
"Buon appetito," Papa said. It means enjoy the meal.
"Buon appetito," sagot ko.
Our table was covered in silence. Papa doesn't like us to talk while eating. Eating is divine and our rest in the whole day of working and grinding. He wants us to stay silent while eating because this is the time for praising and thanking the provider for its spontaneous glory and blessings that he bestowed to us. Even we prayed before eating.
The night was well spent because Papa let me watch movies with him. Hindi ko malimit makasama si Papa dahil sa busy nitong schedule. Halos araw-araw itong lumuluwas ng Maynila lalo na kung mag-iimport na ng mga wine bottles para ibenta sa publiko. Kaya sa tuwing nagkakaroon kami ng pagkakataon para makasama ang isa't isa ay hindi naman iyon pinapalampas.
We all want to cherish those moments so that we have something to look back in the future. Life is short and time is not in our favor all the time. We have everything in our hands, the most important things in life that money can't replace. Family, friends, time, and happiness.
Even if it is one hour or less than fifteen minutes a day, make the most out of it. Because we can't take back what's done. And we don't want to regret at the end.
Weeks have passed and my stay here begins to be exciting as days pass by.
Who would have thought that the man I loathe before for being rude will be my friend now? And the funny thing about that was he changed so fast. He began to be soft and gentle to his words towards me.
"Kung alam ko lang naman na anak ka ng amo ko ay hindi naman ako magiging bastos sayo," sabi nito.
"May pagkakamali rin naman ako. Hindi kasi ako nagpakilala sayo noon." Sagot ko.
Wala akong naging panahon para magpakilala sa kanya noon dahil naunahan na ako ng inis at galit sa inakto niya sa akin.
"Hindi naman mahirap malaman ang bagay na iyon. Sa kilos at pag-uugali mo, alam ko nang anak-mayaman ka." Ang kanyang mga mata ay nakapirmi na ngayon sa akin.
"Ano ang ibig mong sabihin? Francis, mag-iingat ka sa sasabihin mo." Pagbabanta ko.
"Mahinhin ang mga kilos. Spoiled. At walang alam sa gawaing bahay." Sagot nito.
Nagpintig ang aking pandinig dahil sa aking mga narinig. Nagsisimula na naman ito sa pang-iinsulto sa akin. Gustong-gusto niya ba na nakikita akong naiinis sa kanya?
"Come osi?" I said. It means how dare you in Italian.
"Ano na naman iyang sinasabi mo? Alam mo namang hindi ako nakakaintindi ng ibang lengwahe mo." Sagot nito.
"Ewan ko sayo!" Sa aking pagkainis ay iniwan ko siya sa ilalim ng puno malapit sa vineyard.
"Monica!" Tawag nito ngunit hindi ko nilingon.
Pangit bang tingnan na makipagkaibigan ako sa mas matanda sa akin? I am eighteen while he's twenty four. We have six years gap.
Is it bad if I feel comfortable and safe beside him?
I can't name this feeling because this is new to me. But when I am with him, my heart raced so fast that I feel so difficult to breathe. It was not suffocating, though. But I like it. I like this feeling. And it helps me to wake up happy and gracious every morning. I chose to focus on business because I want to know more about Carluccio's. And spend more time with him, of course.
Minsan pa nga ay ito ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na tungkol sa negosyo na hindi ko pa alam. Kapag may oras ito ay tinutulungan niya akong pag-aralan ang proseso ng paggawa ng wines. Tuwing pumupunta naman ako sa factory ay ito pa mismo ang naglilibot sa akin doon.
Ngayon ko lamang nalaman na Assistant Supervisor pala siya sa factory at katulong siya ng aking zio sa pagmamasid at pagsasa-ayos ng factory. Nagsimula siya bilang Harvester sa vineyard at nang nakitaan ng galing at kaalaman sa proseso nito ay na-promote siya.
"Totoo ba na sa pagtagal ng pag-iimbak ng wine, ay sa pagsarap nito?" Tanong ko. Nabasa ko kasi iyan sa internet kagabi habang inaaral ko ang produkto.
"No. That's depends on the formula and pH balanced of the wine. Some wines like Pinot Noir and Sangiovese, are more capable of tasting better with age than are less acidic wines. White wine also has natural acidity that helps improve its flavor over time." Paliwanag nito. Nakikinig lamang ako habang nagsasalita ito sa kabilang linya ng telepono.
"Both white wine and red wine contain tannins, but red wine contains significantly more. White wine gets a small amount of tannins from the grapes and picks up more from being aged in wooden barrels." Dugtong niya.
He's really impressive.
"What should we do to improve the taste of the wine and age longer?" Tanong ko. Kahit may libro na akong kaharap ngayon at makikita na ang sagot sa aking tanong ay mas pinili kong makinig sa sasabihin ni Francis. Mas paniniwalaan ko ang sinasabi niya.
"Tannins are a natural preservative, capable of keeping a bottle of wine palatable for 40 years or longer. When a wine is young, its tannins give it a bitter and astringent flavor. In time, the tannins dissipate and cause the body of the wine to develop its own aroma and essence. It will improve over time, imparting a smooth, rich flavor without the bitterness of a younger wine." He explained deeply now.
"So it is all about the process, right?" Tanong ko.
"Yes. A careful and detailed process of tannin the grapes." His voice become husky and deep.
"According to this book that I am reading, aging wine properly allows its time to develop a smooth, full flavor that enhances the experience of drinking wine. Is this correct?" I asked.
"That book will not be published if the informations are not correct," he mocked again. There we go again.
Ilang oras na ba kami magkausap sa cellphone? Naka-earphone na nga ako ngayon dahil nangangalay na ang mga kamay ko sa kakahawak nito. I didn't even bother to look at the clock because all that's important right now is his voice.
"I just want a second opinion!" I hissed. Naniniguro lang naman ako.
I heard him chuckled. Sounds like a music to my ears.
"Proper aging of wine is all about its temperature. Humidity must be just right to make aging wine at the proper rate. Too much humidity causes mold to accumulate, especially around the cork. Too little humidity causes the cork to crumble, which allows oxygen to enter the bottle and cause oxidation." He explained again.
"The cork must be a proper fit to the bottle," I commented.
"That's correct," he praised. I feel so confident right now that he complimented me.
"How hot or how cold?" I asked again.
"For best aging, keep the wine at temperatures between fifty and fifty five degrees Fahrenheit, which is ten to thirteen degrees Celsius." He said. And the book was also correct.
HIndi ko alam kung ang lahat ng sinabi niya ay pumapasok ngayon sa utak ko. Ang mas importante lang ngayon sa akin ay mapakinggan ang kanyang boses. Mas mahimbing siguro ang aking pagtulog kapag naparinggan ko ang pinakapaborito kong musika para sa akin.
"Stop asking questions. Go to sleep." He ordered. That I am willing to obey.
"Okay," sabi ko pero hindi pa rin binababa ang tawag.
"Good night," he said.
"Buona notte," I said with Italian accent.
"Hang up the phone now,"
"You first,"
"No, you do it."
"Just hang up,"
"Fine. Good night. Bye."
"Bye,"
For a few seconds, we remained silent. But no one hangs up.
This is rest for me. This is the new definition of rest and chilling out for me. Just hearing him talk. Late night calls on random things. It's indescribable but this is how I feel.
"You never hung up," few more seconds passed but I still hear the background in his place.
"I was waiting for you," he said.
"But I told you to hung up," my voice become softer.
"Alright. Bye." Finally.
Habang nag-uusap kami ay nakangiti lamang ako. Hindi ako nakaramdam ng ngalay o p*******t ng panga dahil gusto ko kung anong ginagawa ko.
Napapadalas na ang pagpunta ko sa factory. Pinayagan na ako ni Papa at hindi na rin ako sinasamahan pa ni Nanna. Basta uuwi ako bago maggabi, iyon lamang ang kondisyon. Mabuti na rin ito dahil nagiging pamilyar ako sa negosyo, sa mga trabahador at nadadagdagan pa ang kaalaman ko tungkol sa mga ubas at wine.
"You never told me that you will be harvesting grapes at this hour," I said.
Tirik ang araw at mainit iyon sa balat. Tanghaling tapat at hindi sapat ang silong ng mga dahon para takpan ang init ng panahon.
"I told you to wait under the tree. Hindi mo na dapat ako sinundan pa rito." Sagot ni Francis.
"Wala akong makakausap kung maghihintay lamang ako doon," reklamo ko. Kaya nga ako pumupunta dito para makausap ka. Kahit mainit at masakit sa balat.
"Kaysa sa mainitan ka rito. Alam ko namang hindi ka pa nasasanay sa init ng panahon dito sa Pilipinas." Nagpatuloy ito sa pamimili ng mga ubas bago iyon gupitin mula sa sanga.
"Kapag malamig sa Italia, malamig talaga. Kung mainit, tagos rin sa balat iyon. Ang pinagkaiba lamang ay apat ang klima roon kaysa dito." Ako naman ay sumusunod lamang sa kanya habang lumilipat ito sa kabilang puno.
Panay ang haplos ko sa aking mga braso dahil tila napapaso ito ng unit. Hindi na mapaghiwalay ang aking mga kilay at tipong umuusok ang aking mga mata. Kahit na takpan ko iyon ng aking mga kamay ay wala ring silbi dahil tumatagos parin ang hulab nito.
"You are so stubborn, Monica." Francis said while taking his straw hat and puting it on my head.
"Pumunta ka na doon sa puno. Doon mo ako hintayin. Malapit na rin ako matapos sa ginagawa ko." Utos nito.
"I don't want to!" I hissed.
I don't want to wait that long.
"Mainit rito. Baka mamaya ay hindi kayanin ng katawan mo at mahimatay ka pa. Pumunta na doon." Singhal nitong pabalik sa akin.
"Call someone to do this work for you. Supervisor ka naman, hindi ba?" Bakit pa nga ba niya ginagawa ito gayong ang tunay nitong trabaho ay ang magmando at mag-obserba sa planta.
"Damn it!" He sighed.
Sa huli ay binitawan niya ang dala nitong malaking basket at gunting. Hinawakan ang aking braso at hilahin ako papunta sa silong ng puno. Pareho na kaming pawisan ngayon ngunit hindi iyon alintana para mabawasan ang kagwapuhan nito.
He became more attractive through that sweat!
I think I like this man.
I think I like a guy who's older than me.