TITIRA “Bitaw,” mahina kong sabi habang patuloy niya pa rin akong hinihila. Umabot na kami sa malayo at hindi niya pa rin ako binibitiwan. “Bitaw,” nanginginig kong sambit at huminto sa paglalakad. Naalala ko si Harry sa kanya. Naalala ko ‘yong panahon na nasa puder pa niya ako. Parehong-pareho… Binitiwan ni Harry ang kamay ko at hindi nagsalita. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Siguro nagulat lang talaga ako sa sinabi at ang pagtapon niya ng pagkain sa harap ko. Bumaba ang mata ko sa kamay ni Harry na ngayon ay nakakuyom pa rin. Hindi ko siya maintindihan. Ano ba itong ginagawa niya? “B-Babalik na a-ako,” nauutal kong sambit at pinunasan ko ang luha ko. “K-Kailangan kong ayusin—” “Umuwi na tayo, Bea,” pagputol niya sa sinabi ko at hinarap ako. Walang ka-emosyon ang hist

