VIP Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay narito pa rin si Harry. Hindi ko alam kung bakit pa siya narito. Hindi ko naman siya puwedeng paalisin lalo na’t nag-e-enjoy naman ang anak ko sa kanya. Naiilang pa rin ako sa kanya at hindi ako makatiis lalo na’t kapag tinitingnan niya ako. Palagi kong itinatak sa utak ko na hindi mabuting tao si Harry. Nasa utak ko pa rin ang lahat ng sinabi niya sa ‘kin. Pati ang gusto niyang paglaglag sa anak ko ay hindi ko pa rin makalimutan. Tinitiis ko na lang at pinagbigyan siya na makilala ang anak ko dahil anak niya rin naman ito. Pero hindi ko tanggap na sinabi niya sa ‘kin na asawa niya pa rin ako. Limang taon na ang nakalipas at wala na akong naramdaman sa kanya. Kung ang gusto niya lang ay ang makabawi sa anak ko ay pagbibigyan

