Duda Attracted? Ha? Anong akala niya? Maniniwala ako sa sinasabi niya? Hindi ko alam kung saan parte sa akin ang attractive, pero nagdududa ako. Tahimik lang kami pareho nang papauwi na kami. Hawak ko ang packaging ng fast food chain na kinakainan namin kanina. T-in-ake out kasi hindi ko maubos. “Gusto ba ni Amer ng burger?” biglang tanong ni Harry sabay baling sa ‘kin. “Stop muna tayo…What place is this?” Sinilip ko ang labas. “Moalboal…Tsaka, may take out naman. Bakit ka pa bibili? Nagsasayang ka lang ng pera…” Ngumuso siya at naghanap ng parking lot. “That’s for you…I will buy another one for Amer.” Bumuntong-hininga ako. “Alam mo, Harry. Mag-focus ka na lang sa anak ko. Bumawi ka kasi nagtatampo na iyon sa ‘yo. Wala nang ugnayan sa ating dalawa bukod sa may anak tayo.” Tsaka a

