Chance “Mama!” Sa paglabas ko sa kotse ni Harry ay sinalubong ako ng yakap ng anak ko. “Mama, si Papa?” umaasa na tanong niya sabay baling sa kotse. “Sa kanya po ba itong kotse?” Sasagot na sana ako nang lumabas na rin si Harry sa kanyang kotse, dala-dala ang mga plastic bag na naglalaman ng mga groceries na binili niya kanina. Nanlaki ang mata ng anak ko at agad tumakbo patungo sa kanyang Papa sabay yakap. “Papa!” tawag niya. Napangiti na lang ako at pinagmasdan sila. Hindi maiwasan na manghina ako dahil sa sobrang saya ng anak ko. Kinagat ko ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ang puso ko sa nakita at lumuwag ang sikip sa aking dibdib. Makitang masaya ang anak ko ay sapat na sa akin upang makatulog na ako nang maayos. *** “Papa, nakakuha ulit ako ng star!” kuwen

