Province
Nasa south terminal ako rito sa Cebu. Gabing-gabi na at malaki pa ang tiyan ko kaya pinagbabawalan ako ng conductor na sumakay dahil delikado daw ang gabi sa mga buntis.
“Sige na po,” pagmamakaawa ko. “Gusto ko nang umalis.”
Nagmumukha na akong tanga rito sa pakikiusap sa conductor na awang-awa na sa kalagayan ko.
“Ma’am, bukas nalang po kayo bumyahe, gabi na talaga at last trip na po ito. Bukas na lang po, ma’am.”
Napaupo na lamang ako sa upuan, yakap-yakap ang bag na dala ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado lang siguro akong natakot kaya ko gustong umalis. Natakot na baka wala nang saysay itong buhay ko. Wala nang nagmamahal sa akin, at naging kasiyahan ko kalaunan ang pagkakaroon ng anak. Na siya na lamang ang pagtutuunan ko ng pansin. Ngunit kukunin din siya sa ‘kin, na parang wala lang. Na parang inuutusan lang akong manganak at kukunin kalaunan.
Hindi ko matanggap na kukunin niya sa ‘kin at babayaran. Insultong-insulto ako. Tanggap ko na na hindi talaga puwede, na hindi talaga ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko. Kinakamuhian niya ako kasi natali siya sa isang katulad ko.
Wala akong magawa kundi ang busksan ang phone ko. Balisa ako habang nag-tipa sa phone ko sa numero ni Annaliza, ang tanging kaibigan ko sa syudad na ito. I need her help. Kailangan ko siya kasi gusto kong makaalis agad sa City. Gusto kong magtago. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Harry at guguluhin kasi puwede naman siyang gumawa ng pamilya kasama ang kaniyang minamahal.
Ilang tawag pa ang subok ko bago tuluyang nasagot ito ng aking kaibigan.
OMG! Bea, finally, nagparamdam ka na rin! Gabing-gabi na, I was about to sleep when you called.”
Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili dahil sa sinabi niya. Naistorbo ko yata siya, pero kailangan ko nang makaalis dito. Kailangan ko nang lumayo. Limang buwan din ang tiniis ko para lang magustuhan niya ako pero puro pasakit lang din naranasan ko.
“A-Anna,” nanginginig at nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.
Narinig ko sa kabilang linya ang kaniyang pagsinghap at pagkahulog ng isang bagay.
“Bea, bakit ka umiiyak?” may pag-alala sa tanong nito. “May masakit ba sa ‘yo? Sinaktan ka na naman ba ng asawa mo?”
“U-Umalis ako…”panimula ko at napatingala para hupain ang luha sa aking mata. “P-puntahan mo ako rito, please!” nanginginig na pakiusap ko.
Mas lalo lamang dumaloy ang luha mula sa aking mata patungo sa pisngi. Sikip na sikip na ang dibdib ko, dumagdag pa ang lamig sa terminal. Para akong tuta na walang ina, walang amo.
“Nasaan ka ba? Sandali! Buntis ka pa naman! Lumabas ka sa gabi? Jusko naman, Bea,eh!” sermon nito pero rinig na rinig ko sa phone ko ang pagmamadali niya. Rinig na rinig ko rin ang pagbagsak ng pintuan.
“Nasa terminal…” tanging sagot ko na lamang at pinagmasdan ang papalayo na bus. Binaba ko na ‘yong tawag at napayuko na lamang.
Nakita ko ang pagsarado ng gate ng body guard bago lumapit sa akin kaya naman ay napaangat ako ng tingin.
“Ma’am, hindi pa po ba kayo aalis? Delikado pa naman ma’am, gabi na,” anito.
“D-Darating ang kaibigan ko, saglit lang po.”
Tumango naman ang security guard at bumalik sa puwesto niya. Tiningnan ko ang orasan na malapit lamang sa kaniyang post. Malapit nang mag-nine pm at tingin ko ay magsasara na ito maya-maya.
Ilang saglit lang bago pa man ako mabagot ay dumating na si Anna na may dalang jacket. Nakita ko ang pag-alala sa mukha nito nang makalapit sa akin.
“Jusko, Bea!”
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at napahaplos sa tiyan ko.
“Gusto ko nang umalis.”
Halos hindi ko na makilala ang sariling boses ko dahil sa sobrang paos. Ganito na talaga ang epekto ng palaging umiiyak. Ito na.
Umupo naman sa tabi ko si Annaliza at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kita ko sa kaniyang mga mata ang awa at lungkot. Siguro nalulungkot siya na ganito ang sinapit ko.
“B-Bakit ka kasi pumayag na magpakasal?” inis niyang tanong at pinahiran ang mga luha sa aking mata. “Kahit mahal na mahal mo ‘yong tao, alam ko darating ang panahon na mapapagod ka…”
“Ginawa ko naman ang lahat, mahalin niya lang ako,” ani ko. “I did everything pero wala pa rin, wala pa ring silbi,” matabang kong sabi.
“Bilib na bilib ako sa ‘yo kasi ang strong mo, Bea. Magsisisi rin niyang si Harry…” umiiling siya habang inalayan akong makatayo. “Magsisisi siya, Bea. Tsaka lang nila ma-realize ang importansya mo kapag wala ka na sa puder nila.”
“Pero…ayaw ko nang bumalik.” umiiling ako. “P-Pumerma na ako.”
Napakagat ako sa aking labi habang sinabi ko iyon. Malaya na siya at magagawa na niya ang gusto niya. Hindi ko rin hahayaan na kukunin niya ang anak niya sa ‘kin. ‘Di ba gusto niya itong ipalaglag? Hayaan nalang niya ito sa akin.
Hinawakan ng mahigpit ni Annaliza ang kamay kong nanlalamig habang paalabas na kami sa terminal. Pumara pa siya ng taxi para makasakay kami.
“Bukas…sasamahan kita. Doon ka titira na tiya ko…Tutulungan kita ah…Huwag kang mag-alala, nandito naman ako kahit medyo busy lang,” aniya at nang huminto ang taxi na pinara niya ay pinauna niya akong sumakay bago siya.
Malas man ako sa pagmamahal, sa pamilya at halos buong buhay ko, swerte naman ako sa nag-iisang kaibigan ko. Marami na siyang nagawa sa akin at very supportive pa. Kasama ko siya sa lahat, kasi pareho lang naman kami na hirap sa buhay. Pero kahit papaano, may nanay at tatay pa rin naman siya.
At talagang tinotoo niya ang kaniyang pangako sa akin. Kinabukasan, maagang-maaga ay bumayhe kami patungo sa South Province. Hindi na bago sa akin kasi kadalasan din akong nagpupunta rito, noon pa man. Pero hindi ko pa napuntahan ang sinasabi niyang Badian.
“Ilang months na ‘yang tiyan mo?” tanong ni Anna nang nasa byahe kami.
Nagbaba naman ako ng tingin sa tiyan ko at hinaplos ito.
“5 Months…”
“Ninang ako ah, dadalas ang dalaw ko sa ‘yo, promise!” niyakap niya naman ang braso ko na siyang ikinangiti ako.
I wonder kung ano na ang ginagawa ni Harry ngayon. Maybe he is now happy kasi hindi na niya ako makikita. Hindi na siya maiirita sa ‘kin at wala na siyang masisigawan. Hindi na rin kailangan mag-adjust ng girlfriend niya kasi umalis na ako. Pero habang papalayo at papalayo naman ako sa kaniya, mas lalo lamang sumikip ang dibdib ko.
Sobrang sakit na mababayaran niya ako sa pera lang. Sobrang sakit na kaya niya akong iwala sa buhay ng anak ko gamit lang ang pera. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siya na kahit masama siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko siya kahit na wala naman siyang binigay na pagmamahal sa akin.
May ganito talaga tao ‘no? At isa ako do’n.
Tatlo lang ang oras bago nakarating sa Matutinao, Badian. Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa preskong hangin at dagat na malapit lang sa kalsada. Kitang-kita ko rin ang bulubundukin ng Negros.
“Sana narito siya ngayon kasi alam mo na, miss na miss ko na rin ang tita kong ‘yon. Sure akong masisiyahan siyang makilala ka. Wala kasi siyang asawa tsaka wala ding anak. Kaya ganern,” aniya habang maingat ang pag-alalay niya sa ‘kin.
Ilang minuto lang ang lakad bago kami nakarating sa isang malakubo na bahay ngunit ang paligid ay sobrang linis at punong-puno ng tanim. Hindi ko akalain na kahit hindi man siya kagandahan, sobrang linis naman ng kapaligiran.
“Tiya! Tao po!” tawag ni Anna at binaba ang bag ko.
Sabay kaming napatalon sa gulat nang may biglang tumahol na aso at akmang lalapit sa amin pero tinawag ito ng hindi kagandahang babae.
“Haru, behave!” saway nito.
Nang mag-angat ng tingin ang babae sa amin ay kita ko ang saya sa kaniyang mata.
“Anna!” sinalubong niya si Anna ng yakap at nakipagbeso-beso pa. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
“Tiya, miss na miss na kita.”
“Ako din…” Lumingon sa akin ang tiya ni Anna at napababa ang tingin sa umbok ko. Hindi ko maiwasan ang mapalunok. “Ito na ba ang sinabi mo kagabi, Anna, hija?”
Kita ko ang pagsuri niya sa kabuuan ko. Ngumiti naman siya kalaunan. Strikta lang ang mata niya pero kita ko ang genuine sa mga ngiti niya.
“Opo, Tiya.”
Hinila naman ako ni Anna para mapalapit sa tiya niya.
“Siya ang kaibigan ko po, w-wala na po siyang mapuntahan Tiya…puwede bang dito muna siya?”
Agad-agad namang tumango ang tiya ni Annaliza at binalingan ako.
“Oo naman. Bakit naman hindi? Aba’y welcome kayo sa ‘kin lalo ka na hija. Pumasok muna kayo sa loob, pakakainin ko lang itong aso ko.” Tinawag niya ang aso niyang masama pa rin ang tingin sa amin, lalo na sa akin.
Natawa naman si Anna at hinila ako papasok.
“Huwag mong lihian ang aso ah? Baka maging aso anak mo.”
Nang makapasok ay namangha ako sa sobrang ganda ng loob. Para lang siyang bahay kubo sa labas, bahay kubo na modern naman pagpasok sa loob.
Umupo ako sa malakawayan na upuan at napabuntong-hininga.
“Anna, maraming salamat talaga…” Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. “Ang OA ko na, halos walang araw na hindi ako umiiyak,” ani ko sa sarili at pinahiran ang luha ko.
Malungkot namang bumaling sa ‘kin si Anna at nilapitan ako.
“Walang anuman, huwag ka nang malungkot. Gusto mo kulamin ko ‘yang babae ni Harry para lang hindi ka na iiyak?” biro niya at inayos ang buhok ko. “Bibisita ako rito kapag may oras ak, kaya huwag kang malungkot at mag-focus ka nalang sa anak mo, okay?”
Tumango naman ako.
Iyon nga ang pinagtuunan ko ng pansin. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust sa environment. Nahirapan ako kasi hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit sobrang ang layo na niya sa ‘kin ay hanggang ngayon ay tumatatak pa rin sa isip ko ang kataga niyang hindi niya ako mamahalin kahit kailan.
Sa mga buwang nagdaan, si Tiya Elena ang tanging tumulong sa akin bukod kay Annaliza. Hindi ko inaasahan na maging magkasundo kami at tinuturing niya akong anak.
Maybe in this fresh province, abundant of flowers, plants and mountains, I able to heal myself from the pain I’ve been through. Maybe running away from him makes me forget about him. Maybe letting him go from my heart will also makes me happy.