Umuwi
Akala ko ay hindi ko kakayanin kapag walang Harry sa buhay ko. Akala ko hindi ko malalagpasan ang lahat ng paghihirap ko. Pero akala ko lang pala ‘yon.
Limang taon na ang nakalipas at naging maganda naman ang buhay ko. Payapa at walang masyadong pinoproblema. Sa tulong na rin ni Tiya Elena ay napalaki ko ang anak ko na mabait ngunit masungit. Mature na rin minsan ang pag-iisip. Sobrang pasasalamat ko sa kanya dahil pinatuloy niya kami ng anak ko sa tirahan niya at ngayon ay parte na siya ng buhay ko.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na ni-request ni Mayor ang luto natin. Sa nagdaang taon ay nag-improve ka talaga, Bea,” manghang sabi ni Tiya sa akin at ngumiti.
Tumango ako habang inaayos ang mga gulay na pinalengke namin sa lalagyan. Sa limang taon ko na paninirahan dito ay na-adapt ko na rin ang buhay dito. Masagana ang Badian sa dagat kaya maraming stock na isda sa palengke tapos malakas din ang tourist spot nila.
“Sayang nga lang at hindi kita masasamahan. Ito kasing kumare ko ay magpapasama pa sa ‘kin!” Umiling siya at tumayo.
“Iwan muna kita rito, magdidilig lang ako ng halaman.” At nilisan ang kusina.
Tumango ako at tinapos na ang gawain. Nang matapos ay tinawag ko na ang anak ko na naglalaro sa bakuran mag-isa, dala-dala pa ang robot na binili ko noong birthday niya.
“Ame!” tawag ko nang makalabas. Ngumiti ako sa anak ko nang lumingon ito sa ‘kin. “Halika! Magmemeryenda tayo!”
Sumimangot naman ang anak ko at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko maiwasan na maalala si Harry sa kanya. Sobrang sungit pero mabait naman ang Anak ko. Snobber nga lang at hindi nakikipaglaro sa ibang bata.
Bumuntonghininga ako at tinahak ang labas para lapitan ang anak ko.
“Anak, ayaw mo bang kumain?” marahan kong tanong at umupo sa kanyang tabi. “Magluluto ako ng pancake.”
Ngumuso ito. “Aalis ka na naman kaya ka naglalambing.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya. Maiiwan na naman kasi siya kasi magtatrabaho ako. Taga luto kasi ako sa isang local company dito sa Badian at isa ako sa kinuha ng Mayor para ipagluto siya dahil may bisita ito. Ayaw ko namang tumanggi dahil panigurado na pera na ‘yon. Gusto kong isama ang anak ko pero hindi pwede.
“Anak…”Hinaplos ko ang basa niyang buhok, siguro ay dahil sa pawis. “Pasensya ka na, ah, pero para sa atin din naman ito. ‘Di ba, gusto mo mag-aral?”
Mas lalo sumimangot ang anak ko at ang kanyang mata ay nanunubig na. Kumirot ang puso ko dahil sa nakita. Agad-agad kong hinila ang anak ko at niyakap. Humikbi na ito kaya napapikit ako.
“M-Ma, ‘d-di na lang ako mag-aaral,” garagal niyang sabi habang umiiyak pa rin. “Basta huwag mo lang akong iwan.”
Parang may punyal na sumaksak sa dibdib ko. Hindi ko akalain na sa anak na mismo nanggaling na wala kang masyadong oras sa kanya.
Mas lalo kong niyakap ang anak ko. “Anak…intindihin mo muna si Mama ah?” Kumurap ako para hindi tutulo ang nanunubig kong mata. “’Di ba, gusto mo ng maraming robot? Ibibigay ko ‘yon sa ‘yo, ‘nak.”
Sa huli ay nakumbinsi ko ang anak ko. Nagpaiwan siya kay Crisanta, pamangkin ni Tiya Elena na ubod ng bait. May anak na rin ito kaya ito ang kadalasan ang kalaro ni Amer kahit hindi naman pinapansin ng anak ko.
Sakay lang ng company service van, nakarating kami sa mala-mansyon na bahay ng Mayor malapit lang sa lungsod. Lima kaming pinadala dito habang nakauniporme. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil mukhang malaki ang gaganapin na party at mga taong sosyal ang mga bisita.
“Sasarapan natin ang luto para kunin na tayo ni Mayor as personal chief niya!” narinig kong sinabi ng isa sa mga katrabaho ko.
“Oo nga! First time ko rito!”
Tumungo kami sa malaking kitchen area kung saan handa na ang lahat ng kagamitan. May mga waitress pa ang nakita at may catering service din ngunit kami pa rin sa luto.
“Umimik ka naman d’yan, Bea!” Siniko ako ni Jeseca.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at nagpunta na sa pwesto ko. Ilang sandali ay nagsimula na kami at hindi ko inakala na ang gusto ng mayor ay ang mga kilalang luto lang dito at hindi ang mga pang-high class.
“Ay, akala ko makapagluto ako ng mala-master chief!”
Umiling na lang ako at sinimulan na ang paghiwa. Sea foods ang naka-assign sa akin at madali lang naman ‘yon, paborito kasi ng anak ko kaya gamay ko na rin.
“Faster! Narito na ang mga bisita! Ibigay niyo na sa waiter ‘yan!” utos ng head namin kaya nataranta na kami.
“Teka ‘yong sauce!”
“Jusmiyo! Akala ko madali!”
Pinokus ko ang sarili ko sa pagdesinyo sa crab original recipe ko na may sauce ang gitna. Parang naging lalagyan ang crab dahil sa tyan nito ay sauce tapos fried shrimp ang sa gilid.
Nang matapos ay binigay ko na ito sa waiter para ma-proceed. Uminom ako ng tubig at pinahiran ang sarili ng tuwalya dahil sa pagod. Umupo ako sa gilid at naghintay na may tatawag sa amin kaya ilang minuto din ang inabot bago kami nilapitan ng manager.
“Ms. Bea,”malamig na sambit ng head sa pangalan ko.
Tumayo ako at biglang kinabahan. Seryoso kasi ang boses ng Head at parang bad news pa yata ang dala. Humawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.
“Pinapatawag ka ng Mayor. She needs your presence.” And he left.
“Uy! Ano kaya ‘yon?” usisa nila sa ‘kin.
Inayos ko lang ang buhok ko at huminga ng malalim. First time ko na makaharap ang Mayor at gusto ko maging presentable kaya naglagay ako ng light lipstick sa labi ko bago lumabas.
Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko at ang mabilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman pero gano’n nga, siguro kasi Mayor ang makakaharap ko.
Sa isang malaking dining area na may limang tao lang yata ang meron. Nakita ko pa ang isang waitress na nag-serve ng inumin para sa mga bisita. Hindi masyado mailaw ang paligid kaya tanging si Mayor lang ang nakilala ko.
“She’s here.”
Huminga ako ng malalim bago tuluyan ng lumapit. Straight ang tayo ko at ang kamay ko ay nasa likod, pormal na pormal sa harap ng Mayor na ngayon ay tinitikman ang niluto ko.
“How did you come up with this idea?” tanong niya at nilingon ako.
Nagulat pa ako nang ngumiti siya sa ‘kin. Ang kanyang mga bisita na importante yata ay nasa akin ang tingin bukod sa dalawa na patuloy sa pagkain.
Tumikhim naman ako. “Favorite kasi ‘yan ng anak ko, Ma’am!” nahihiya kong sambit. “Malapit lang kasi kami sa dagat kaya gano’n.”
Mahina namang humalakhak ang Mayor at tumikim ulit. “Ang swerte naman ng anak mo kung gano’n. May asawa ka ba?”
Nagulat ako sa kanyang tinanong. Para akong nanigas dahil sa kanyang tanong pero kailangan ko pa ring sumagot para hindi na siya magtanong pa.
“Single M-Mom po ako,” sagot ko at lumunok.
Umingay sa buong paligid nang padabog na nilagay ng isang guest ang kanyang kutsara sa pinggan kaya napatingin kami sa kanya. Nakayuko pa rin ito at hindi nag-angat ng tingin.
“Oh! Mr. Salazar, are you okay? May hindi ka ba nagustuhan sa food?”
Namutla ako at nanlaki ang mata nang marinig ko ‘yon. Salazar? Marami naman sigurong Salazar at tingin ko ay hindi naman pupunta si Harry dito.
Umatras ako ng konti, nanginginig ang kamay ko sa kaba at takot. Nang mag-angat na ito ng tingin ay nakompirma ko na kung sino. Umigting ang kanyang panga at ang kanyang malalim na tingin ay nakatuon sa akin.
Para akong nilusaw sa titig niya kaya umiwas agad ako.
“Are you okay, Mr. Salazar?” tanong ulit ni Mayor. “May masakit ba sa’yo?”
“No…” Ang kanyang malamig at malalim na boses ay nagpapanginig sa akin.
Umigting pa rin ang panga nito habang nasa akin pa rin ang tingin. Tumango-tango pa ito bago nagsalita. “Sobrang nagustuhan ko ang pagkain.”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang ginawa niya rito? Kukunin na ba niya sa ‘kin ang anak ko dahil malaki na ito? Nagpaalam na ako sa Mayor at hindi na muling nilingon si Harry na nasa akin pa rin ang tingin.
Lumabas ako sa kwartong iyon na hinihingal at nauubusan ng hangin. Agad-agad naman akong bumalik sa area namin at nagpaalam na umuwi dahil masama ang pakiramdam ko.